Isaias 7:13-15
Magandang Balita Biblia
13 At sinabi ni Isaias:
“Makinig kayo, sambahayan ni David!
Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao,
at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok?
14 Dahil(A) dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan:
Maglilihi ang isang dalaga[a]
at magsisilang ng isang sanggol na lalaki
at tatawagin sa pangalang Emmanuel.[b]
15 Gatas at pulot ang kanyang kakainin
kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti.
Footnotes
- Isaias 7:14 DALAGA: Sa wikang Hebreo, ang salitang ginamit ay hindi ang partikular na katagang ginagamit para sa salitang birhen, subalit sa isang katagang tumutukoy sa sinumang babaing maaari nang mag-asawa. Ang pagkakagamit ng salitang “birhen” sa Mateo 1:23 ay ibinase sa isang salin ng Lumang Tipan sa wikang Griego na tinatawag na “Septuaginta”.
- Isaias 7:14 EMMANUEL: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y Kasama natin ang Diyos .
Isaias 7:13-15
Ang Biblia (1978)
13 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh (A)sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios?
14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; (B)narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na (C)Emmanuel.
15 Siya'y (D)kakain ng mantekilla at pulot, (E)pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
