Isaias 57
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Isinumpa ang Dios-diosan ng Israel
57 Kapag namatay ang isang taong matuwid, walang gaanong nagtatanong kung bakit. Walang gaanong nakakaalam na ang mga taong matuwid ay kinukuha ng Dios para ilayo sa masama. 2 Sapagkat kapag namatay ang taong matuwid, magkakaroon na siya ng kapayapaan at kapahingahan. 3 Pero kayong mga lahi ng mga mangkukulam, ng mga nangangalunya, at ng mga babaeng bayaran, lumapit kayo at nang kayoʼy mahatulan. 4 Kinukutya ninyo ang mga taong matuwid, nginingiwian at binebelatan ninyo sila. Lahi kayo ng mga rebelde at mga sinungaling. 5 Sinasamba ninyo ang inyong mga dios-diosan sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy na itinuturing nʼyong banal. Inihahandog ninyo ang inyong mga anak sa mga daluyan ng tubig sa paanan ng mga burol. 6 Ang mga batong makikinis sa mga daluyan ng tubig ay ginagawa ninyong dios at sinasamba sa pamamagitan ng paghahandog ng pagkain at inumin. Hindi ako natutuwa sa ginagawa ninyong iyan. 7 Umaakyat kayo sa mga matataas na bundok at naghahandog ng inyong mga handog doon at nakikipagtalik. 8 Inilalagay pa ninyo ang mga rebulto ng inyong mga dios-diosan malapit sa pintuan ng inyong mga bahay. Itinatakwil ninyo ako. Para kayong babaeng mangangalunya na nahiga sa malapad niyang higaan at pumayag na sumiping sa kanyang kalaguyo. Gustong-gusto niyang makipagtalik sa kalaguyo niya. Talagang nagpapakasawa siya sa pita ng kanyang laman.
9 Pumunta kayo sa dios-diosan ninyong si Molec. Marami ang dala ninyong langis at pabango. Nagsugo pa kayo ng mga tao sa malayong lugar para maghanap ng mga dios-diosang sasambahin ninyo. Kahit na ang lugar ng mga patay ay parang pupuntahan nʼyo pa. 10 At kahit pagod na kayo sa kakahanap ng mga dios-diosan, hindi pa rin kayo nawawalan ng pag-asa. Pilit ninyong pinalalakas ang inyong sarili kaya hindi kayo nanghihina.
11 Sinabi ng Panginoon, “Sino ba itong mga dios-diosan na kinatatakutan nʼyo at nagsinungaling kayo sa akin? Kinalimutan nʼyo ako at hindi pinansin. Ano ba ang dahilan, bakit hindi nʼyo na ako iginagalang? Dahil ba sa nanahimik ako sa loob ng mahabang panahon? 12 Ang akala ninyoʼy matuwid ang inyong ginagawa, pero ipapakita ko kung anong klaseng tao kayo. 13 At hindi talaga makakatulong sa inyo ang inyong mga dios-diosan kapag humingi kayo ng tulong sa kanila. Silang lahat ay tatangayin ng hangin. At mapapadpad sila sa isang ihip lamang. Pero ang mga nagtitiwala sa akin ay maninirahan sa lupa[a] at sasamba sa aking banal na bundok. 14 Sasabihin ko, ayusin ninyo ang daan na dadaanan ng aking mga mamamayan.”
15 Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Dios, ang Banal na Dios na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, pero nakatira rin akong kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, para silaʼy palakasin ko. 16 Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin o uusigin habang panahon, dahil kung gagawin ko ito mamamatay ang mga taong nilikha ko. 17 Nagalit ako dahil sa kasalanan at kasakiman ng Israel, kaya pinarusahan ko sila at itinakwil. Pero patuloy pa rin sila sa kanilang kasalanan. 18 Nakita ko ang kanilang pag-uugali, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at aaliwin ang mga nalulungkot sa kanila. 19 At dahil dito, magpupuri sila sa akin. Ilalagay ko sila sa magandang kalagayan, sa malayo man o nasa malapit. Pagagalingin ko sila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito. 20 Pero ang masasama ay walang kapayapaan. Para silang alon sa dagat na nagdadala ng mga putik at mga dumi sa dalampasigan. 21 Ang taong masama ay hindi mabubuhay ng payapa.” Iyan ang sinabi ng aking Dios.
Footnotes
- 57:13 lupa: Maaaring ang ibig sabihin ay lupain ng Israel.
以賽亞書 57
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
57 沒有人關心義人的死亡,
沒有人明白虔誠人的去世。
其實義人去世是脫離災難。
2 這些正直的人得享平安,
在墳墓裡得到安息。
3 耶和華說:「你們這些巫婆的兒子,
姦夫和妓女的孩子,
上前來吧!
4 你們在嘲笑誰,
向誰吐舌頭呢?
你們難道不是悖逆的兒女、
詭詐的子孫嗎?
5 你們在橡樹下,在青翠樹下以淫亂的方式祭拜假神,
在山谷中和石縫間殺兒女作祭物。
6 你們把谷中光滑的石頭當神明敬奉,
效忠於它們,
向它們澆奠獻祭。
我豈能容忍?
7 你們在高山上淫亂、獻祭,
8 在門後供奉神像。
你們背棄我,
脫衣上床跟它們肆意苟合,
與它們立約,
迷戀它們的床,
愛看它們的淫態。
9 你們帶著橄欖油和許多香料去拜假神,
差遣使者到遠方,
甚至去陰間尋找神明。
10 雖然遙遠的路途使你們疲倦,
你們卻從不放棄。
你們找到了新的力量,
所以沒有暈倒。
11 「你們懼怕誰,
以致對我說謊,
不把我放在心上,忘記我?
你們不再敬畏我,
是因為我長期沉默嗎?
12 我要揭露你們的所謂公義行為,
它們對你們毫無益處。
13 當你們呼求的時候,
讓你們收集的神像來救你們吧!
風會把它們颳去,
就是一口氣也會把它們吹走。
但投靠我的必承受這片土地,
擁有我的聖山。」
主安慰痛悔者
14 耶和華說:
「要修路,修路,鋪平道路,
清除我子民路上的障礙。」
15 那至高至上、永遠長存的聖者說:
「我住在至高至聖之處,
但我也跟痛悔、
謙卑的人同住,
使他們心靈振作。
16 我不會永遠指責,
也不會一直發怒,
以免世人——我所造的生靈昏倒。
17 他們貪婪的罪惡使我發怒,
我懲罰他們,憤怒地轉臉不理他們,
他們卻怙惡不悛。
18 我看見了他們的所作所為,
但我還是要醫治他們,
引領他們,
使他們和那些哀傷的人得安慰,
19 使他們開口讚美。
願遠近各方的人都得到平安!
我要醫治他們。
這是耶和華說的。
20 然而,惡人就像波濤洶湧、
難以平靜的大海,
海浪中湧出淤泥和汙物。」
21 我的上帝說:「他們必得不到平安。」
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®