Font Size
Isaias 57:9-11
Ang Biblia, 2001
Isaias 57:9-11
Ang Biblia, 2001
9 Ikaw ay naglakbay sa hari na may dalang langis,
at pinarami mo ang iyong mga pabango;
at iyong ipinadala ang iyong mga sugo sa malayo,
at iyong pinababa hanggang sa Sheol.
10 Ikaw ay napagod sa kahabaan ng iyong lakad,
gayunma'y hindi mo sinabi, “Ito'y walang pag-asa”;
ikaw ay nakasumpong ng bagong buhay para sa iyong lakas,
kaya't hindi ka nanlupaypay.
11 At kanino ka nangilabot at natakot,
anupa't ikaw ay nagsinungaling,
at hindi mo ako inalaala,
o inisip mo man?
Hindi ba ako tumahimik nang matagal na panahon,
at hindi mo ako kinatatakutan?