Add parallel Print Page Options

10 Sinasabi nila sa mga tagapaglingkod, “Huwag kayong magsasabi ng katotohanan.”
    At sa mga propeta, “Huwag kayong magpapahayag ng tama.
Mga salitang maganda sa aming pandinig ang inyong banggitin sa amin,
    at ang mga hulang hindi matutupad.
11 Umalis kayo sa aming daraanan,
    at ang tungkol sa Banal na Diyos ng Israel ay ayaw na naming mapakinggan.”
12 Kaya ito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel:
“Tinanggihan mo ang aking salita,
    at sa pang-aapi at pandaraya ka nagtiwala.

Read full chapter

10 na nagsasabi sa mga tagakita, “Huwag kayong makakita ng pangitain;”
    at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng matutuwid na bagay,
magsalita kayo sa amin ng mga kawili-wiling bagay,
    magpropesiya kayo ng mga haka-haka.
11 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas,
    huwag na tayong makinig sa Banal ng Israel.”
12 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel,
“Sapagkat inyong hinamak ang salitang ito,
    at nagtiwala kayo sa pang-aapi at kasamaan,
    at umasa sa mga iyon;

Read full chapter

10 Na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay:

11 Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin.

12 Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan:

Read full chapter