Add parallel Print Page Options

16 Mula sa Lunsod ng Sela sa disyerto,
nagpadala ang mga taga-Moab ng mga batang tupa
    bilang regalo sa namamahala sa Jerusalem.
Naghihintay sila sa baybayin ng batis ng Arnon,
    pabalik-balik sa paglalakad na parang mga ibong nabulabog sa kanilang pugad.
Sasabihin nila sa mga taga-Juda:
“Sabihin ninyo sa amin ang aming gagawin;
    at bigyan ng katarungan;
takpan ninyo kami, tulad ng lilim ng punongkahoy
    kapag katanghaliang-tapat,
papagpahingahin ninyo kami
    sa ilalim ng inyong mayayabong na sanga.
Itago ninyo kami sa mga humahabol sa amin;
    kami'y mga takas, huwag ninyo kaming ibigay sa kanila.
Patirahin ninyo kami sa inyong bayan,
    kaming mga pinalayas sa Moab.
Ingatan ninyo kami
    sa nagnanais na pumatay sa amin.”

At lilipas ang pag-uusig,
    mawawala ang mamumuksa,
at aalis ang nananalanta sa lupain.
At dahil sa wagas na pag-ibig, itatatag ang isang trono,
    at uupo doon ang isang hahatol nang tapat;
    magmumula siya sa angkan ni David,
isang tagapamahalang makatarungan,
    at mabilis sa paggawa ng matuwid.

Sasabihin ng mga taga-Juda:
“Nabalitaan namin ang kataasan ng mga taga-Moab,
ang kanilang kasinungalingan at pandaraya,
    ngunit walang saysay ang kanilang kayabangan.”
Kaya tatangisan ng mga taga-Moab ang kanilang lunsod,
    sama-sama silang mananaghoy
dahil sa kanilang paghihirap,
    sa tuwing maaalala nila ang masasarap na pagkain sa Kir-Hareset.
Sisirain ang mga bukiring malapit sa Hesbon,
    at ang mga ubasan sa Sibma,
na pinagkukunan ng alak ng mga pinuno ng mga bansa.
Ubasang abot sa Jazer
    hanggang sa disyerto,
at lampas pa hanggang sa kabila ng dagat.
Kaya tatangisan kong kasama ng Jazer
    ang mga ubasan ng Sibma.
Didiligin ko ng luha ang Hesbon at Eleale
sapagkat wala silang aanihin upang magsaya ang bayan.
10 Maglalaho ang tuwa at kagalakan
    sa kanyang masaganang bukirin.
Titigil ang kasayahan at awitan sa kanyang ubasan.
Wala nang alak na dadaloy sa kanyang pisaan
    at tuluyang matatahimik ang masayang hiyawan.
11 Kaya parang malungkot na himig ng alpa ang aking pagdadalamhati sa sinapit ng Moab.
    Nagdurugo ang puso ko sa sinapit ng Kir-heres.
12 Umahon man ang mga taga-Moab
    sa kanilang mga altar sa mga sagradong burol,
    at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo,
wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin.

13 Ito ang sabi ni Yahweh noong una tungkol sa Moab. 14 Ngunit ito naman ang sinasabi niya ngayon: “Tatlong taon mula ngayon, malilimas ang malaking kayamanan ng Moab. Sa marami niyang tauhan ay ilan lamang ang matitira at mahihina pa.”

16 People of Moab, send lambs as a gift
    to the ruler of Judah.
Send them from Sela.
    Send them across the desert.
    Send them to Mount Zion in the city of Jerusalem.
The women of Moab are at the places
    where people go across the Arnon River.
They are like birds that flap their wings
    when they are pushed from their nest.

The Moabites say to the rulers of Judah,
    “Make up your mind. Make a decision.
Cover us with your shadow.
    Make it like night even at noon.
Hide those of us who are running away.
    Don’t turn them over to their enemies.
Let those who have run away from Moab stay with you.
    Keep them safe from those who are trying to destroy them.”

Those who crush others will be destroyed.
    The killing will stop.
    The attackers will disappear from the earth.
A man from the royal house of David will sit on Judah’s throne.
    He will rule with faithful love.
When he judges he will do what is fair.
    He will be quick to do what is right.

We have heard all about Moab’s pride.
    We have heard how very proud they are.
    They think they are so much better than others.
They brag about themselves.
    But all their bragging is nothing but empty words.

So the people of Moab cry out.
    All of them cry over their country.
Sing a song of sadness.
    Weep that you can no longer enjoy the raisin cakes of Kir Hareseth.
The fields of Heshbon dry up.
    So do the vines of Sibmah.
The rulers of the nations
    have walked all over its finest vines.
Those vines once reached as far as Jazer.
    They spread out toward the desert.
Their new growth went
    all the way to the Dead Sea.
Jazer weeps for the vines of Sibmah.
    And so do I.
Heshbon and Elealeh,
    I soak you with my tears!
There isn’t any ripe fruit for people to shout about.
    There isn’t any harvest to make them happy.
10 Joy and gladness are taken away from the orchards.
    No one sings or shouts in the vineyards.
No one stomps on grapes at the winepresses.
    That’s because the Lord has put an end to the shouting.
11 My heart mourns over Moab like a song of sadness played on a harp.
    Deep down inside me I mourn over Kir Hareseth.
12 Moab’s people go to their high place to pray.
    But all they do is wear themselves out.
    Their god Chemosh can’t help them at all.

13 That’s the message the Lord has already spoken against Moab. 14 But now he says, “In exactly three years, people will look down on Moab’s glory. Now Moab has many people. But by that time only a few of them will be left alive. And even they will be weak.”