Isaias 22:20-24
Magandang Balita Biblia
20 Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliakim na anak ni Hilkias.
21 Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging ama ng mga taga-Jerusalem at ng mga taga-Juda.
22 Ibibigay(A) ko sa kanya ang susi ng sambahayan ni David;
walang makakapagsara ng anumang buksan niya,
at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.
23 Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda,
itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar,
at siya'y magiging marangal na trono sa sambahayan ng kanyang ama.”
24 Sa kanya maaatang ang lahat ng kaluwalhatian ng sambahayan ng kanyang ama. Ang kanyang mga kamag-anak ay sa kanya aasa, parang mga sisidlan, mga kopa at palayok na nakasabit.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.