Add parallel Print Page Options

Ama Natin ang Diyos

12 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan. Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.

Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig sa kamay ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. Hindi pa humahantong sa pagdanak ng dugo ang pakikipaglaban ninyo sa kasalanan. Nalimutan(A) na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob?

“Anak ko, huwag mong baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon,
    at huwag kang panghihinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya.
Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,
    at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

Tiisin ninyo ang lahat ng hirap tulad sa pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama? Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo'y mga anak sa labas. Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? 10 Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal tulad niya. 11 Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.

Mga Babala at mga Tagubilin

12 Dahil(B) dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga nangangalog na tuhod. 13 Lumakad(C) kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling ang nalinsad na buto.

14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. 15 Pag-ingatan(D) ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng sama ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba. 16 Pag-ingatan(E) ninyo na huwag makiapid ang sinuman sa inyo, o pawalang-halaga ang mga bagay na espirituwal, tulad ng ginawa ni Esau. Ipinagpalit niya sa pagkain ang kanyang karapatan bilang panganay. 17 Alam(F) ninyo ang nangyari pagkatapos. Hiningi niya sa kanyang ama na igawad sa kanya ang pagpapalang nauukol sa panganay, ngunit ito'y itinanggi sa kanya sapagkat hindi na niya mababago ang kanyang ginawa, anuman ang gawin niyang pakiusap at pagluha.

18 Hindi(G) kayo lumapit sa isang bundok na nakikita, gaya ng mga Israelita sa bundok ng Sinai. Ito'y may apoy na nagliliyab, nababalutan ng dilim at may malakas na hangin. 19 Nakarinig sila roon ng tunog ng trumpeta at ng isang tinig. Nang ang tinig na iyon ay marinig ng mga tao, nakiusap silang huwag na itong magsalita sa kanila, 20 sapagkat(H) hindi nila kayang tanggapin ang utos na ito, “Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay.” 21 Talagang(I) nakakakilabot ang kanilang natanaw, kaya't pati si Moises ay nagsabing, “Nanginginig ako sa takot!”

22 Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel. 23 Ang dinaluhan ninyo ay masayang pagtitipon[a] ng mga panganay na anak, na ang mga pangalan ay nakatala sa langit. Ang nilapitan ninyo ay ang Diyos na hukom ng lahat, at ang mga espiritu ng mga taong ginawang ganap. 24 Nilapitan ninyo si Jesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan, at ang dugong iwinisik na may pangako ng mas mabubuting bagay kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.

25 Kaya't(J) huwag kayong tumangging makinig sa kanya na nagsasalita. Ang tumangging makinig sa nagsalita sa kanila dito sa lupa ay hindi nakaligtas sa parusa! Gaano pa kaya tayo, kung tayo'y tatangging makinig sa nagsasalita mula sa langit! 26 Dahil(K) sa kanyang tinig, nayanig noon ang lupa; ngunit ipinangako niya ngayon, “Minsan ko pang yayanigin, hindi lamang ang lupa, pati na rin ang langit.” 27 Ang mga salitang “Minsan pa” ay maliwanag na nagsasabing aalisin ang mga nilikhang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig.

28 Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, may paggalang at pagkatakot, 29 sapagkat(L) tunay nga na ang ating Diyos ay apoy na tumutupok.

Footnotes

  1. 23 masayang pagtitipon: o kaya'y mga anghel na masayang nagkakatipon .

Jesus, Founder and Perfecter of Our Faith

12 Therefore, since we are surrounded by so great a cloud of witnesses, let us also lay aside every weight, and (A)sin which clings so closely, and (B)let us run (C)with endurance the race that is (D)set before us, looking to Jesus, the founder and perfecter of our faith, (E)who for the joy that was set before him endured the cross, despising (F)the shame, and (G)is seated at the right hand of the throne of God.

Do Not Grow Weary

(H)Consider him who endured from sinners such hostility against himself, so that you may not grow weary or (I)fainthearted. In your struggle against sin you have not yet resisted to the point of shedding your blood. And have you forgotten the exhortation that addresses you as sons?

(J)“My son, (K)do not regard lightly the discipline of the Lord,
    nor be weary when reproved by him.
For (L)the Lord disciplines the one he loves,
    and chastises every son whom he receives.”

It is for discipline that you have to endure. (M)God is treating you as sons. For what son is there whom his father does not discipline? If you are left without discipline, (N)in which all have participated, then you are illegitimate children and not sons. Besides this, we have had earthly fathers who disciplined us and we respected them. Shall we not much more be subject to (O)the Father of spirits (P)and live? 10 For they disciplined us for a short time as it seemed best to them, but he disciplines us for our good, (Q)that we may share his holiness. 11 (R)For the moment all discipline seems painful rather than pleasant, but later it yields (S)the peaceful fruit of righteousness to those who have been trained by it.

12 Therefore (T)lift your drooping hands and strengthen your weak knees, 13 and (U)make straight paths for your feet, so that what is lame may not be put out of joint (V)but rather be healed. 14 (W)Strive for peace with everyone, and for the (X)holiness (Y)without which no one will see the Lord. 15 See to it that no one (Z)fails to obtain the grace of God; that no (AA)“root of bitterness” springs up and causes trouble, and by it many become defiled; 16 that no one is (AB)sexually immoral or unholy like Esau, who sold his birthright for a single meal. 17 For you know that (AC)afterward, when he desired to inherit the blessing, he was rejected, for he found no chance to repent, though he sought it with tears.

A Kingdom That Cannot Be Shaken

18 For you have not come to (AD)what may be touched, a blazing fire and darkness and gloom and a tempest 19 and (AE)the sound of a trumpet and a voice whose words (AF)made the hearers beg that no further messages be spoken to them. 20 For they could not endure the order that was given, (AG)“If even a beast touches the mountain, it shall be stoned.” 21 Indeed, (AH)so terrifying was the sight that Moses said, “I tremble with fear.” 22 But you have come to (AI)Mount Zion and to the city of the living God, (AJ)the heavenly Jerusalem, and to (AK)innumerable angels in festal gathering, 23 and to (AL)the assembly[a] of the firstborn who are (AM)enrolled in heaven, and to (AN)God, the judge of all, and to the spirits of the righteous made perfect, 24 and to Jesus, (AO)the mediator of a new covenant, and to (AP)the sprinkled blood (AQ)that speaks a better word than the blood of Abel.

25 See that you do not refuse him who is speaking. For (AR)if they did not escape when they refused him who warned them on earth, much less will we escape if we reject him who warns from heaven. 26 At that time (AS)his voice shook the earth, but now he has promised, (AT)“Yet once more I will shake not only the earth but also the heavens.” 27 This phrase, “Yet once more,” indicates (AU)the removal of things that are shaken—that is, things that have been made—in order that the things that cannot be shaken may remain. 28 Therefore let us be grateful for receiving (AV)a kingdom that cannot be shaken, and thus (AW)let us offer to God acceptable worship, with reverence and awe, 29 for our (AX)God is a consuming fire.

Footnotes

  1. Hebrews 12:23 Or church