Add parallel Print Page Options

Ito ang mensahe ni Propeta Habakuk na ipinahayag sa kanya ng Panginoon.

Ang Unang Hinaing ni Habakuk

Sinabi ni Habakuk,Panginoon, hanggang kailan po ako hihingi ng tulong sa inyo bago nʼyo ako dinggin? Kailan nʼyo po ba kami ililigtas sa mga karahasang ito? Bakit nʼyo po ipinapakita sa akin ang mga kasamaan at kaguluhan? Kahit saan ay nakikita ko ang pagpapatayan, karahasan, hidwaan at pagtatalo. Kaya naging walang kabuluhan ang kautusan. At wala ring katarungan dahil ang mga taong may kasalanan ang siyang nananalo sa korte, at hindi ang mga taong walang kasalanan. Kaya nababaluktot ang katarungan.”

Ang Sagot ng Dios kay Habakuk

Sumagot ang Dios, “Tingnan ninyong mabuti ang mga nangyayari sa mga bansa at talagang magtataka kayo sa inyong makikita. Sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magbalita pa nito sa inyo. Sapagkat pamamahalain ko ang mga taga-Babilonia,[a] na kilala sa kalupitan at karahasan. Mabilis nilang sinasalakay ang mga bansa sa buong mundo upang agawin ang mga lugar na hindi kanila. Kinatatakutan sila ng mga tao. Ginagawa nila ang gusto nila at walang makakapigil sa kanila. Ang mga kabayo nilaʼy mas mabilis kaysa sa mga leopardo at mas mabangis kaysa sa mga lobo na gumagala sa gabi. Tumatakbo ito mula sa malalayong lugar, parang agilang mabilis na lumilipad para dagitin ang kanyang biktima. Paparating ang kanilang mga sundalo na handang gumawa ng kalupitan. Para silang malakas na hangin mula sa silangan. Ang kanilang mga bihag ay kasindami ng buhangin. 10 Hinahamak nila ang mga hari at mga pinuno. Tinatawanan lamang nila ang mga napapaderang lungsod, dahil kaya nila itong akyatin sa pamamagitan ng pagtambak ng lupa sa tabi nito. Sa ganitong paraan, nakakapasok sila at nasasakop nila ang lungsod. 11 Pagkatapos, aalis sila na parang hangin lang na dumaan. Nagkasala sila, dahil wala silang kinikilalang dios kundi ang sariling kakayahan.”

Ang Pangalawang Hinaing ni Habakuk

12 Sinabi ni Habakuk, “O Panginoon, kayo ay Dios mula pa noon. Kayo ang aking Dios, ang banal na Dios na walang kamatayan. O Panginoon, ang Bato na kanlungan, pinili nʼyo ang mga taga-Babilonia para magparusa sa amin. 13 Dahil banal kayo, hindi nʼyo matitiis na tingnan ang kasamaan at kaguluhan. Pero bakit nʼyo hinahayaan ang mga traydor na taga-Babilonia na gawin ito sa amin? Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitan ang mga taong hindi gaanong masama kung ihahambing sa kanila? 14 Ang kanilang mga kalaban ay ginawa nʼyong parang mga isda na walang pinuno na magtatanggol sa kanila. 15 Masayang nagdiriwang ang mga taga-Babilonia dahil sa pagbihag nila sa kanilang mga kalaban na parang mga isdang nahuli sa bingwit o lambat. 16 At dahil marami silang nabihag, ipinagmamalaki nila ang kanilang kakayahan katulad ng mangingisdang sinasamba ang kanyang bingwit o lambat sa pamamagitan ng paghahandog ng insenso bilang handog sa mga bagay na ito. Dahil sa pamamagitan ng bingwit o lambat ay yumaman siya at nagkaroon ng masaganang pagkain. 17 Kaya Panginoon, magpapatuloy na lang po ba ang kanilang walang awang pagbihag at pagwasak sa mga bansa?”

Footnotes

  1. 1:6 taga-Babilonia: sa literal, taga-Caldeo. Ito ang tawag kung minsan sa mga taga-Babilonia.

The burden that Habakkuk, the prophet, saw. (The vision that the prophet Habakkuk saw.)

How long, Lord, shall I cry, and thou shalt not hear? I suffering violence shall cry on high to thee, and thou shalt not save? (How long, Lord, shall I cry, and thou shalt not hear me? I suffering violence shall cry aloud to thee, and shalt thou not save me?)

Why showedest thou to me wickedness and travail, for to see prey and unrightwiseness against me? Why beholdest thou despisers, and art still, the while the unpious man defouleth a right-fuller than himself? And thou shalt make men as fishes of the sea, and as creeping things not having a leader; and doom is made, and against-saying is more mighty. (Why hast thou shown me wickedness and struggle, in order to see robbery and unrighteousness done against me? Why beholdest thou despisers, and art silent, while the wicked defile someone more upright than themselves? Shalt thou make people like the fish of the sea, and like the creeping things that do not have a leader? yea, judgement is made, or justice is given, but saying against, or contention, is more mighty, or more powerful.)

For this thing law is broken, and doom cometh not till to the end; for the unpious man hath might against the just, therefore wayward doom shall go out. (And so because of this, the law is broken, and judgement, or justice, cometh not unto its proper end; for the wicked have might, or power, against the just, or the righteous, and so perverted justice, or warped judgement, shall go forth.)

Behold ye in heathen men, and see ye, and wonder ye, and greatly dread ye; for a work is done in your days, which no man shall believe, when it shall be told. (Behold ye the heathen, and see ye, and wonder ye, and greatly fear ye; for a work is done in your days, which no one shall believe, when it shall be told to them.)

For lo! I shall raise Chaldees, a bitter folk and swift, going on the breadth of earth, that he wield tabernacles not his. (For lo! I shall raise up the Chaldeans, a swift and bitter nation, going upon the breadth of the earth, in order to take tents, or homes, not their own.)

It is horrible, and dreadful; the doom and the burden thereof shall go out of itself. (They be terrible, and fearful, that is, they instill terror, and fear; and law, and justice, or judgement, shall go out from them alone.)

His horses be lighter than leopards, and swifter than eventide wolves, and his horsemen shall be scattered abroad; for why his horsemen shall come from far, they shall fly as an eagle hasting to eat. (Their horses be lighter than leopards, and swifter than wolves in the night, and their horsemen shall be spread abroad everywhere; yea, their horsemen shall come from afar, and they shall fly like eagles hastening to eat.)

All (these) men shall come to prey, the faces of them is as a burning wind; and he shall gather as gravel (the) captivity, (All these men shall come for prey, their faces be like the burning wind; and they shall gather up captives like the sand,)

10 and he shall have victory of kings, and tyrants shall be of his scorning. He shall laugh on all stronghold, and shall bear together [an] heap of earth, and shall take it. (and they shall have victory over kings, and only scorn, or mocking, for any tyrant. They shall laugh at every stronghold, or every fortress, and shall bear together heaps of earth, and then shall take, or shall capture, them.)

11 Then the spirit [of him] shall be changed, and he shall pass forth, and fall down; this is the strength of him, of his god. (Then their spirit shall be changed, and they shall pass forth, and shall fall down/Then they shall pass forth like the changing wind, and shall fall down; for their own strength was their god.)

12 Whether thou art not from the beginning, thou, Lord my God, mine holy, and we shall not die? Lord, into doom thou hast set him, and thou groundedest him strong, that thou shouldest chastise. (Lord, art thou not God from the beginning? yea, my God, my Holy One, and so we shall not die. Lord, thou hast ordained them for judgement, and thou hast used them, O strong God, to chastise, or to discipline, us.)

13 Thine eyes be clean, see thou not evil, and thou shalt not be able to behold to wickedness. Why beholdest thou not on men doing wickedly, and thou art still, while the unpious man devoureth a more just man than himself? (Thine eyes be pure, thou seest no evil, and thou art not able to look upon wickedness. But why beholdest thou not upon those doing wickedly, and thou art silent, while the wicked devour those who be more just, or more righteous, than themselves?)

14 And thou shalt make men as fishes of the sea, and as a creeping thing not having a prince. (And shalt thou make people like the fish of the sea, and like the creeping things that do not have a leader?/And why makest thou people like the fish of the sea, and like the creeping things that do not have a leader?)

15 He shall lift up all in the hook; he drew it in his great net, and gathered into his net; on this thing he shall be glad, and make joy withoutforth. (For they lift up all the people by their hooks; they gather them into their great nets, and draw them along in their nets; and then they be happy, and rejoice, over this.)

16 Therefore he shall offer to his great net, and shall make sacrifice to his net; for in them his part is made fat, and his meat is chosen. (And they even make offerings to their great nets, and make sacrifices to their nets; for by them their portions be made fat, and their meats be chosen and tasty.)

17 Therefore for this thing he spreadeth abroad his great net, and evermore he ceaseth not for to slay folks. (And so for this they spread abroad their great nets, and they never cease to slaughter the nations.)