Add parallel Print Page Options

Ang Kasamaan ng Sangkatauhan

Napakarami(A) na ng mga tao sa daigdig nang panahong iyon. Nagkaroon sila ng mga anak na babae. Nang makita ng mga anak ng Diyos[a] na ang mga babaing anak ng tao ay magaganda, ang mga ito'y pumili sa kanila ng kanya-kanyang asawa. Sinabi ni Yahweh, “Hindi ko ipapahintulot na mabuhay nang habang panahon ang tao, sapagkat siya'y makalaman. Hindi na lalampas sa 120 taon ang kanyang buhay sa daigdig.” Nang(B) panahong iyon, may mga higante sa ibabaw ng lupa. Sila ang naging bunga ng pakikipagtalik ng mga anak ng Diyos sa mga anak ng tao. Ang mga higanteng iyon ay tinanghal na mga dakilang bayani at tanyag na tao noong unang panahon.

Nakita(C) ni Yahweh na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito. Kaya't labis na ikinalungkot ni Yahweh na nilikha pa niya ang tao. Sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Ikinalulungkot kong nilalang ko pa ang mga ito.” Ngunit si Noe ay naging kalugud-lugod kay Yahweh.

Si Noe

Ito(D) ang kasaysayan ni Noe. Matuwid at mabuting tao si Noe noong kanyang kapanahunan. Namuhay siya ayon sa kalooban ng Diyos. 10 Siya'y may tatlong anak na lalaki, sina Shem, Ham at Jafet. 11 Maliban kay Noe, masasama ang lahat ng tao sa paningin ng Diyos at laganap ang karahasan sa lahat ng dako. 12 Ito ang kalagayang nakita ng Diyos sa buong daigdig; namumuhay sa kasamaan ang lahat ng tao.

Pinagawa ng Malaking Barko si Noe

13 Sinabi ng Diyos kay Noe, “Napagpasyahan ko nang lipulin ang lahat ng tao sa daigdig. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan. Gugunawin ko sila kasama ng daigdig. 14 Kaya gumawa ka ng isang malaking barko na yari sa kahoy na sipres. Lagyan mo ito ng mga silid at pahiran mo ng alkitran ang loob at labas nito. 15 Ang barkong gagawin mo ay 135 metro ang haba, 22 metro ang luwang, at 13.5 metro ang taas. 16 Bubungan mo ito at lagyan ng kalahating metrong pagitan mula sa bubong[b] hanggang sa tagiliran. Gawin mong tatlong palapag ang barko at lagyan mo ng pintuan sa tagiliran. 17 Palulubugin ko sa tubig ang buong daigdig at malilipol ang lahat ng may buhay sa balat ng lupa. 18 Ngunit ako'y gagawa ng kasunduan natin: Isama mo ang iyong asawa at mga anak na lalaki, pati mga asawa nila, at pumasok kayo sa barko. 19 Magsakay ka ng isang lalaki at isang babae ng bawat uri ng hayop at ibon upang magpatuloy ang lahi nila. 20 Magsakay ka rin ng tig-iisang pares sa bawat uri ng ibon at hayop at mga gumagapang sa lupa upang magpatuloy rin ang lahi ng mga ito. 21 Maglaan ka ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo at sa kanila.” 22 At(E) ginawa nga ni Noe ang lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos.

Footnotes

  1. Genesis 6:2 mga anak ng Diyos: o kaya'y mga nilalang mula sa langit .
  2. Genesis 6:16 bubong: o kaya'y bintana .

 神的兒子和人的女子

人在地上開始增多,又生養女兒的時候,  神的眾子看見人的女子美麗,就隨意挑選,娶作妻子。 耶和華說:“人既然是屬肉體的,我的靈就不永遠住在他裡面,但他的日子還有一百二十年。” 在那些日子和以後的日子,有巨人在地上; 神的兒子和人的女子結合,就生了上古英武有名的人物。

人類敗壞、 神滅世

耶和華看見人在地上的罪惡很大,終日心裡思念的,盡都是邪惡的。 於是,耶和華後悔造人在地上,心中憂傷。 耶和華說:“我要把我創造的人,從地上消滅;無論是人或牲畜,是爬行的動物或是天空的飛鳥,我都要消滅,因為我後悔造了他們。” 只有挪亞在耶和華眼前蒙恩。

以下是挪亞的後代。挪亞是個義人,是當時一個完全人。挪亞和 神同行。 10 挪亞生了三個兒子,就是閃、含、雅弗。 11 當時,世界在 神面前敗壞了,地上滿了強暴。 12  神觀看大地,看見世界已經敗壞了;全人類在地上所行的都是敗壞的。

 神命挪亞建造方舟

13  神對挪亞說:“在我面前全人類的盡頭已經來到,因為地上由於他們的緣故滿了強暴。看哪,我要把他們和世界一起毀滅。 14 你要用歌斐木做一艘方舟。方舟裡面要做一些艙房;方舟的內外都要塗上瀝青。 15 你要這樣做方舟:方舟要長一百三十三公尺,寬二十二公尺,高十三公尺。 16 方舟上面四周要做透光口,高四十四公寸;方舟的門要開在旁邊;方舟要分為上中下三層建造。 17 看哪,我要使洪水臨到地上,消滅天下的生物,就是有生氣的活物;在地上的都必定要死。 18 我要和你立約。你可以進入方舟;你和你的兒子、妻子和兒媳,都可以和你一同進入方舟。 19 所有的活物,你要把每樣一對,就是一公一母,帶進方舟,好和你一同保全生命。 20 飛鳥各從其類,牲畜各從其類,地上所有爬行的動物,各從其類,每樣一對,都要到你那裡來,好保全生命。 21 你要拿各種可吃的食物,積存起來,好作你和牠們的食物。” 22 挪亞就這樣作了; 神吩咐他的,他都照樣作了。