Genesis 6
Ang Biblia (1978)
6 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at mangagkaanak ng mga babae,
2 Na nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila'y (A)nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.
3 At sinabi ng Panginoon, (B)Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, (C)sapagka't siya ma'y laman: gayon ma'y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
4 Ang mga higante ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman na makasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at mangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan nang unang panahon na mga lalaking bantog.
5 At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, (D)at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
6 (E)At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, (F)at nalumbay sa kaniyang puso.
7 At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.
8 Datapuwa't si Noe ay (G)nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.
Si Noe at ang kaniyang mga anak.
9 Ito ang mga lahi ni (H)Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na (I)kasama ng Dios.
10 At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet.
11 At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.
12 (J)At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka't pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.
Si Noe ay pinagawa ng Daong.
13 At sinabi ng Dios kay Noe, (K)Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka't ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila'y aking lilipuling kalakip ng lupa.
14 Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.
15 At ganitong paraan gagawin mo: tatlong daang siko ang haba ng sasakyan, limang pung siko ang luwang, at tatlong pung siko ang taas.
16 Gagawa ka ng isang durungawan sa sasakyan; at wawakasan mo ng isang siko sa dakong itaas; at ang pintuan ng sasakyan ay ilalagay mo sa tagiliran; gagawin mong may lapag na lalong mababa, pangalawa at pangatlo.
17 (L)At ako, narito, ako'y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay.
18 Datapuwa't pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; (M)at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.
19 At sa bawa't nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng (N)dalawa sa bawa't uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan.
20 Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa't nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa't uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay.
21 At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila.
22 (O)Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.
Genesis 6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Kasamaan ng Tao
6 Hindi nagtagal, dumami ang mga tao sa mundo, at marami ang kabataan nilang babae. 2 Nakita ng mga anak ng Dios[a] na ang mga babae ay magaganda. Kaya pumili sila ng magiging asawa nila sa sinumang maibigan nila. 3 Ngayon, sinabi ng Panginoon, “Hindi ko papayagang mabuhay ang tao nang matagal dahil silaʼy tao lamang. Kaya mula ngayon, ang tao ay mabubuhay nang hindi hihigit sa 120 taon.”
4 Nang panahong iyon, at kahit nitong huli, may mga kilalang tao sa mundo na mula sa lahi ng mga anak ng Dios na nagsipag-asawa ng magagandang babae. Silaʼy makapangyarihan at kilalang tao noong unang panahon.
5 Nang makita ng Panginoon na ang ginagawa ng mga tao sa mundo ay puro kasamaan lang, at ang palagi nilang iniisip ay masama, 6 nanghinayang siya kung bakit ginawa pa niya ang tao sa mundo. Labis ang kalungkutan niya, 7 kaya sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong nilikha ko sa buong lupain. At lilipulin ko rin ang lahat ng hayop sa lupa pati ang mga hayop na lumilipad, dahil nanghihinayang ako sa paglikha sa kanila.” 8 Pero may isang tao na nakapagbigay-lugod sa Panginoon, siya ay si Noe.
Si Noe
9 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Noe.
Si Noe ay makadios. Siya lang ang namumuhay na matuwid sa kapanahunan niya, at malapit ang kanyang relasyon sa Dios. 10 May tatlo siyang anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet.
11 Napakasama na ng mga tao sa paningin ng Dios, at ang kanilang kasamaan ay laganap na sa mundo. 12 Nakita ng Dios na lubhang masama ang mga tao sa mundo dahil ang ginagawa nila ay puro kasamaan. 13 Kaya sinabi niya kay Noe, “Lilipulin ko ang lahat ng tao. Dahil sa kanila, lumaganap ang kasamaan sa mundo. Lilipulin ko sila kasama ng mundo. 14 Kaya ikaw Noe, gumawa ka ng barko mula sa matibay na kahoy, at gawan mo ito ng mga kwarto. Pagkatapos, pahiran mo ng alkitran ang loob at labas ng barko.[b] 15 Gawin mo ito na may sukat na 450 talampakan ang haba, 75 talampakan ang luwang, at 45 talampakan ang taas. 16 Lagyan mo ng bubong ang barko, at lagyan mo ng agwat na kalahating metro ang dingding at ang bubong. Gawan mo ang barko ng tatlong palapag, at lagyan ng pintuan sa gilid. 17 Sapagkat pababahain ko ang mundo para malipol ang lahat ng nabubuhay. Mamamatay ang lahat ng nasa mundo. 18 Pero gagawa ako ng kasunduan sa iyo. Papasok ka sa barko kasama ng asawa at ng mga anak mo pati ang mga asawa nila. 19 Magpapasok ka rin ng isang lalaki at babae sa bawat uri ng hayop para mabuhay sila kasama mo. 20 Dalawa sa bawat uri ng lahat ng hayop: mga lumilipad, lumalakad at gumagapang. Lalapit sila sa iyo para hindi sila mamatay. 21 Magdala ka rin ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo at para rin sa mga hayop.”
22 Sinunod ni Noe ang lahat ng iniutos ng Dios sa kanya.
Genesis 6
New King James Version
The Wickedness and Judgment of Man
6 Now it came to pass, (A)when men began to multiply on the face of the earth, and daughters were born to them, 2 that the sons of God saw the daughters of men, that they were beautiful; and they (B)took wives for themselves of all whom they chose.
3 And the Lord said, (C)“My Spirit shall not (D)strive[a] with man forever, (E)for he is indeed flesh; yet his days shall be one hundred and twenty years.” 4 There were [b]giants on the earth in those (F)days, and also afterward, when the sons of God came in to the daughters of men and they bore children to them. Those were the mighty men who were of old, men of renown.
5 Then [c]the Lord saw that the wickedness of man was great in the earth, and that every (G)intent[d] of the thoughts of his heart was only evil [e]continually. 6 And (H)the Lord was sorry that He had made man on the earth, and (I)He was grieved in His (J)heart. 7 So the Lord said, “I will (K)destroy man whom I have created from the face of the earth, both man and beast, creeping thing and birds of the air, for I am sorry that I have made them.” 8 But Noah (L)found grace in the eyes of the Lord.
Noah Pleases God
9 This is the genealogy of Noah. (M)Noah was a just man, [f]perfect in his generations. Noah (N)walked with God. 10 And Noah begot three sons: (O)Shem, Ham, and Japheth.
11 The earth also was corrupt (P)before God, and the earth was (Q)filled with violence. 12 So God (R)looked upon the earth, and indeed it was corrupt; for (S)all flesh had corrupted their way on the earth.
The Ark Prepared(T)
13 And God said to Noah, (U)“The end of all flesh has come before Me, for the earth is filled with violence through them; (V)and behold, (W)I will destroy them with the earth. 14 Make yourself an ark of gopherwood; make [g]rooms in the ark, and cover it inside and outside with pitch. 15 And this is how you shall make it: The length of the ark shall be three hundred [h]cubits, its width fifty cubits, and its height thirty cubits. 16 You shall make a window for the ark, and you shall finish it to a cubit from above; and set the door of the ark in its side. You shall make it with lower, second, and third decks. 17 (X)And behold, I Myself am bringing (Y)floodwaters on the earth, to destroy from under heaven all flesh in which is the breath of life; everything that is on the earth shall (Z)die. 18 But I will establish My (AA)covenant with you; and (AB)you shall go into the ark—you, your sons, your wife, and your sons’ wives with you. 19 And of every living thing of all flesh you shall bring (AC)two of every sort into the ark, to keep them alive with you; they shall be male and female. 20 Of the birds after their kind, of animals after their kind, and of every creeping thing of the earth after its kind, two of every kind (AD)will come to you to keep them alive. 21 And you shall take for yourself of all food that is eaten, and you shall gather it to yourself; and it shall be food for you and for them.”
22 (AE)Thus Noah did; (AF)according to all that (AG)God commanded him, so he did.
Footnotes
- Genesis 6:3 LXX, Syr., Tg., Vg. abide
- Genesis 6:4 Heb. nephilim, fallen or mighty ones
- Genesis 6:5 So with MT, Tg.; Vg. God; LXX Lord God
- Genesis 6:5 thought
- Genesis 6:5 all the day
- Genesis 6:9 blameless or having integrity
- Genesis 6:14 Lit. compartments or nests
- Genesis 6:15 A cubit is about 18 inches.
创世记 6
Chinese New Version (Traditional)
神的兒子和人的女子
6 人在地上開始增多,又生養女兒的時候, 2 神的眾子看見人的女子美麗,就隨意挑選,娶作妻子。 3 耶和華說:“人既然是屬肉體的,我的靈就不永遠住在他裡面,但他的日子還有一百二十年。” 4 在那些日子和以後的日子,有巨人在地上; 神的兒子和人的女子結合,就生了上古英武有名的人物。
人類敗壞、 神滅世
5 耶和華看見人在地上的罪惡很大,終日心裡思念的,盡都是邪惡的。 6 於是,耶和華後悔造人在地上,心中憂傷。 7 耶和華說:“我要把我創造的人,從地上消滅;無論是人或牲畜,是爬行的動物或是天空的飛鳥,我都要消滅,因為我後悔造了他們。” 8 只有挪亞在耶和華眼前蒙恩。
9 以下是挪亞的後代。挪亞是個義人,是當時一個完全人。挪亞和 神同行。 10 挪亞生了三個兒子,就是閃、含、雅弗。 11 當時,世界在 神面前敗壞了,地上滿了強暴。 12 神觀看大地,看見世界已經敗壞了;全人類在地上所行的都是敗壞的。
神命挪亞建造方舟
13 神對挪亞說:“在我面前全人類的盡頭已經來到,因為地上由於他們的緣故滿了強暴。看哪,我要把他們和世界一起毀滅。 14 你要用歌斐木做一艘方舟。方舟裡面要做一些艙房;方舟的內外都要塗上瀝青。 15 你要這樣做方舟:方舟要長一百三十三公尺,寬二十二公尺,高十三公尺。 16 方舟上面四周要做透光口,高四十四公寸;方舟的門要開在旁邊;方舟要分為上中下三層建造。 17 看哪,我要使洪水臨到地上,消滅天下的生物,就是有生氣的活物;在地上的都必定要死。 18 我要和你立約。你可以進入方舟;你和你的兒子、妻子和兒媳,都可以和你一同進入方舟。 19 所有的活物,你要把每樣一對,就是一公一母,帶進方舟,好和你一同保全生命。 20 飛鳥各從其類,牲畜各從其類,地上所有爬行的動物,各從其類,每樣一對,都要到你那裡來,好保全生命。 21 你要拿各種可吃的食物,積存起來,好作你和牠們的食物。” 22 挪亞就這樣作了; 神吩咐他的,他都照樣作了。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.


