Add parallel Print Page Options

Ipinaliwanag ni Jose ang Dalawang Panaginip

40 1-2 Pagkatapos ng mga nangyaring ito, nagkasala sa Faraon[a] ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at pinuno ng mga panadero. Lubhang nagalit ang hari sa dalawa niyang opisyal na ito. Kaya ipinabilanggo niya ang mga ito sa bahay ng kapitan ng mga guwardya sa palasyo kung saan naroon din si Jose nakabilanggo. Si Jose ang katiwala ng kapitan ng mga guwardya na nag-aalaga sa kanila. Nagkasama sila nang matagal sa bilangguan.

Isang gabi, nanaginip ang tagasilbi ng alak at ang panadero ng Faraon habang naroon sila sa bilangguan. Ang bawat isa sa kanila ay magkaiba ang panaginip at magkaiba rin ang kahulugan.

Kinaumagahan, pagpunta ni Jose sa kanila, nakita niyang nanlulupaypay sila. Kaya tinanong niya sila, “Bakit kayo malungkot?”

Sumagot sila, “Nanaginip kasi kami pero walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”

Sinabi ni Jose, “Ang Dios ang nagbibigay ng kaalaman sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip. Sige, sabihin nʼyo sa akin kung ano ang mga panaginip ninyo.”

Kaya sinabi ng pinuno ng tagasilbi ng alak ang kanyang panaginip. Sinabi niya, “Nanaginip ako na may isang puno ng ubas sa aking harapan 10 at itoʼy may tatlong sanga. Tumubo ito, namulaklak, at nahinog ang mga bunga. 11 Nakahawak daw ako sa saro ng Faraon at pumitas ng ubas, at piniga ko agad sa saro. Pagkatapos, ibinigay ko ang saro sa hari.”

12 Sinabi ni Jose, “Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong sanga ay nangangahulugan ng tatlong araw. 13 Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan at pababalikin ka sa trabaho mo bilang tagasilbi ng kanyang alak. 14 Nawaʼy alalahanin mo ako kapag nasa mabuti ka nang kalagayan. At bilang pagpapakita ng kabutihan mo sa akin, banggitin mo rin ako sa Faraon para matulungan mo ako na makalabas sa bilangguan. 15 Sapagkat ang totoo, sapilitan lang akong dinala rito mula sa lupain ng mga Hebreo, at kahit dito ay wala rin akong nagawang kasalanan para ibilanggo ako.”

16 Nang marinig ng pinuno ng mga panadero na maganda ang kahulugan ng panaginip, isinalaysay din niya ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip din ako na may dala-dala ako sa ulo ko na tatlong kaing na may mga laman na tinapay. 17 Ang ibabaw ng kaing ay may laman na ibaʼt ibang uri ng tinapay para sa Faraon, pero tinuka ito ng mga ibon.”

18 Sinabi ni Jose, “Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong kaing ay nangangahulugan ng tatlong araw. 19 Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan pero ipapapatay ka niya at ibibitin ang bangkay mo sa kahoy, at tutukain ito ng mga ibon.”

20 Dumating ang ikatlong araw at ito ay kaarawan ng Faraon. Kaya nagpahanda siya para sa lahat ng opisyal niya. Pinalabas niya sa bilangguan ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at ang pinuno ng mga panadero niya, at pinaharap sa kanyang mga opisyal. 21 Ibinalik niya ang pinuno ng mga tagasilbi ng alak sa kanyang trabaho. 22 Pero ipinapatay niya ang pinuno ng mga panadero, at ibinitin ang bangkay nito sa puno. Nangyari lahat ang sinabi ni Jose sa kanila.

23 Pero hindi naalala ng pinuno ng mga tagasilbi ng alak si Jose.

Footnotes

  1. 40:1-2 Faraon: o, hari ng Egipto. Ganoon din sa talatang 5, 11, 13, 14, 17, 19, at 20.

40 At nangyari, na pagkatapos ng mga bagay na ito, na ang katiwala ng saro ng hari sa Egipto at ang kaniyang magtitinapay ay nangagkasala laban sa kanilang panginoon na hari sa Egipto.

At naginit si Faraon laban sa kaniyang dalawang tagapamahala, sa puno ng mga katiwala ng saro at sa puno ng mga magtitinapay.

At pinagpipiit sa bilangguan, sa bahay ng kapitan ng bantay, sa bilangguang kinabibilangguan ni Jose.

At ibinigay ng kapitan ng bantay kay Jose ang pamamahala sa kanila at pinaglingkuran niya sila: at sila'y natirang kaunting panahon sa bilangguan.

At ang katiwala at ang magtitinapay ng hari sa Egipto na nangabibilango sa bilangguan, ay kapuwa nanaginip ng kanikaniyang panaginip sa isang gabi, na bawa't isa ayon sa paliwanag ng kanikaniyang panaginip.

At pinaroonan sila ni Jose sa kinaumagahan, at sila'y tiningnan, at, narito, sila'y mapanglaw.

At kaniyang tinanong ang mga tagapamahala ni Faraon, na mga kasama niya sa bilangguan sa bahay ng kaniyang panginoon, na sinasabi, Bakit kayo'y mapanglaw ngayon?

At kanilang sinabi sa kaniya, Kami ay nanaginip ng panaginip, at walang sinomang makapagpaliwanag. At sinabi sa kanila ni Jose, Hindi ba ukol sa Dios ang mga paliwanag? Isinasamo ko sa inyo, na inyong saysayin sa akin.

At sinaysay ng puno ng mga katiwala ng saro kay Jose ang kaniyang panaginip, at nagsabi sa kaniya, Sa aking panaginip, narito, ang isang puno ng ubas ay nasa harap ko;

10 At sa puno ng ubas, ay may tatlong sanga: at yao'y pawang sumupling, na namulaklak, at ang mga buwig niyaon, ay nangagtaglay ng mga ubas na hinog.

11 At ang saro ni Faraon ay nasa aking kamay; at kumuha ako ng mga ubas at aking pinagpipiga sa saro ni Faraon, at ibinigay ko ang saro sa kamay ni Faraon.

12 At sinabi ni Jose sa kaniya, Ito ang kapaliwanagan niyaon, ang tatlong sanga ay tatlong araw;

13 Sa loob ng tatlong araw ay ititindig ni Faraon ang iyong ulo, at isasauli ka sa iyong katungkulan: at ibibigay mo ang saro ni Faraon sa kaniyang kamay, na gaya ng karaniwang ginagawa mong dati ng ikaw ay kaniyang katiwala.

14 Datapuwa't alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at isinasamo ko sa iyo, na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob, at banggitin mo ako kay Faraon, at ako'y alisin mo sa bahay na ito:

15 Sapagka't ako'y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo: at dito naman ay wala akong ginawang anoman, upang ako'y ilagay nila sa bilangguan.

16 Nang makita ng puno ng mga magtitinapay, na mabuti ang kapaliwanagan ay nagsabi kay Jose, Ako'y nanaginip din, at narito, tatlong bakol ng tinapay na mabuti ay nasa ibabaw ng aking ulo:

17 At sa kaibaibabawan ng bakol ay mayroon ng lahat na sarisaring pagkaing niluto para kay Faraon; at kinakain ng mga ibon sa bakol na nasa ibabaw ng aking ulo.

18 At si Jose ay sumagot, at nagsabi, Ito ang kapaliwanagan niyaon; ang tatlong bakol, ay tatlong araw;

19 Sa loob ng tatlo pang araw ay itataas ni Faraon ang iyong ulo, at ibibitin ka sa isang punong kahoy; at kakanin ng mga ibon ang iyong laman.

20 At nangyari nang ikatlong araw, na siyang kapanganakan kay Faraon, na gumawa siya ng isang piging sa lahat ng kaniyang lingkod: at itinindig niya ang ulo ng puno ng mga katiwala ng saro, at ang ulo ng puno ng mga magtitinapay.

21 At ibinalik niya ang puno ng mga katiwala ng saro sa kaniyang pagkakatiwala ng saro; at ibinigay niya ang saro sa kamay ni Faraon:

22 Datapuwa't ang puno ng mga magtitinapay, ay ibinitin sa isang puno ng kahoy: gaya ng ipinaliwanag sa kanila ni Jose.

23 Gayon ma'y hindi na naalaala si Jose ng puno ng mga katiwala ng saro, kundi nalimutan siya.

酒政和膳長各得一夢

40 這些事以後,埃及王的酒政和膳長,得罪了他們的主人埃及王。 法老就惱怒酒政和膳長這兩個臣宰, 把他們關在軍長府內的監房裡,就是約瑟被囚禁的地方。 軍長把他們交給約瑟,約瑟就侍候他們。他們在監房裡過了好些日子。 他們二人,就是被關在監裡的埃及王的酒政和膳長,同一夜各作了一個夢,二人的夢各有不同的解釋。 到了早晨,約瑟進去到他們那裡,見他們神色不安, 就問法老的兩個臣宰,就是與他一同關在他主人府內的監房裡的,說:“今天你們的臉色為甚麼這樣難看呢?” 他們回答他:“我們各人作了一個夢,但沒有人能夠解釋。”約瑟對他們說:“解夢不是出於 神嗎?請把夢告訴我吧。”

約瑟為酒政解夢

酒政就把自己的夢告訴約瑟,對他說:“在夢裡我看見我面前有一棵葡萄樹。 10 葡萄樹上有三根枝子;樹一發芽,就開了花,上頭的葡萄都成熟了。 11 法老的杯在我手裡,我拿了葡萄擠在法老的杯中,把杯遞在法老的手裡。” 12 約瑟對他說:“這夢的解釋是這樣:三根枝子就是三天。 13 三天之內,法老必使你抬起頭來,恢復你原來的職位;你仍要把杯遞在法老的手裡,好像先前作他的酒政時一樣。 14 不過,你一切順利的時候,求你記念我,施恩給我,在法老面前提拔我,救我脫離這監獄。 15 我實在是從希伯來人之地被拐來;就是在這裡,我也沒有作過甚麼事該被關在監牢裡的。”

約瑟為膳長解夢

16 膳長見夢解得好,就對約瑟說:“我也作了一個夢,在夢裡我看見自己頭上有三籃白餅。 17 最上面的籃子裡,有為法老烤的各種食物,但飛鳥來吃我頭上籃子裡的食物。” 18 約瑟回答:“這夢的解釋是這樣:三個籃子就是三天。 19 三天之內,法老必砍下你的頭來,把你掛在木頭上,必有飛鳥來吃你身上的肉。”

20 到了第三日,就是法老的生日,他為臣僕擺設筵席,在他們面前把酒政和膳長提出監來, 21 恢復了酒政原來的職位,叫他可以把杯遞在法老的手中; 22 法老卻把膳長掛起來,正如約瑟給他們的解釋一樣。 23 但是酒政並不記念約瑟,竟把他忘記了。