Genesis 34:20
Ang Biblia (1978)
20 At si Hamor at si Sichem na kaniyang anak ay napasa (A)pintuang-bayan ng kanilang bayan, at sila'y nakiusap sa mga tao sa kanilang bayan, na sinasabi.
Read full chapter
Genesis 34:24
Ang Biblia (1978)
24 At pinakinggan si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, ng lahat na lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan; at ang (A)lahat ng lalake ay nagtuli, ang lahat ng lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan.
Read full chapter
Ruth 4:1
Ang Biblia (1978)
Tinubos ni Booz ang mana ni Elimelech.
4 Si Booz nga'y sumampa sa (A)pintuang-bayan, at naupo siya roon: at, narito, ang malapit na (B)kamaganak na sinalita ni Booz ay nagdaan; sa lalaking yao'y sinabi niya, Oy, kuwan! lumiko ka, maupo ka rito. At siya'y lumiko, at naupo.
Read full chapter
Ruth 4:4
Ang Biblia (1978)
4 At aking (A)inisip na ipahayag sa iyo, na sabihin, (B)Bilhin mo sa (C)harap nilang nakaupo rito, at sa harap ng mga matanda ng aking bayan. Kung iyong tutubusin ay tubusin mo; nguni't kung hindi mo tutubusin ay saysayin mo nga, upang matalastas ko: sapagka't wala nang tutubos na iba pa liban sa iyo: at ako ang sumusunod sa iyo. At sinabi niya, Aking tutubusin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978