Genesis 31
Magandang Balita Biblia
Nilayasan ni Jacob si Laban
31 Nabalitaan ni Jacob na laging sinasabi ng kanyang mga bayaw na kinamkam na niyang lahat ang ari-arian ng kanilang ama at galing dito ang lahat niyang kayamanan. 2 Napuna rin niyang nagbago na ang pakikitungo sa kanya ni Laban. 3 Kaya sinabi sa kanya ni Yahweh, “Magbalik ka na sa lupain ng iyong mga magulang at mga kamag-anak at sasamahan kita.”
4 Pinasabihan ni Jacob si Raquel at si Lea na tagpuin siya sa parang na kinaroroonan ng kanyang mga kawan. 5 Sinabi niya sa kanila, “Napansin kong iba na ang pagtingin sa akin ng inyong ama, hindi na tulad ng dati. Subalit hindi ako pinabayaan ng Diyos ng aking mga magulang. 6 Alam ninyong ginugol ko ang aking buong lakas sa paglilingkod sa inyong ama. 7 Sa kabila noon, dinadaya pa rin niya ako. Sampung beses na niyang binabago ang kabayaran sa akin ngunit hindi ipinahintulot ng Diyos na ako'y maapi. 8 Kapag sinabi ni Laban na ang ibabayad sa akin ay ang batik-batik, ang buong kawan ay nanganganak nang ganoon. 9 Ang Diyos ang may kaloob na mapasaakin ang kawan ng inyong ama.
10 “Sa panahon ng pag-aasawahan ng mga hayop, ako'y nanaginip. Nakita ko na pawang batik-batik ang lahat ng barakong kambing. 11 Sa aking panaginip, tinawag ako ng anghel ng Diyos at ako nama'y sumagot. 12 Ang sabi sa akin, ‘Jacob, masdan mo ang lahat ng mga barakong kambing, silang lahat ay may batik. Ginawa ko ito sapagkat alam kong dinadaya ka ni Laban. 13 Ako(A) ang Diyos na nagpakita sa iyo sa Bethel na kung saan ay binuhusan mo ng langis ang isang bato bilang alaala. Doon ay gumawa ka rin ng isang panata sa akin. Maghanda ka na at umalis ka sa lupaing ito; umuwi ka na sa iyong lupang sinilangan.’”
14 Sinabi naman nina Raquel at Lea, “Wala na kaming mamanahin sa aming ama. 15 Dayuhan na ang turing niya sa amin. Ipinagbili niya kami, at nilustay ang lahat ng pinagbilhan sa amin. 16 Kaya, ang lahat ng kayamanang inalis ng Diyos sa aming ama ay sa amin at sa aming mga anak. Gawin mo ang sinasabi sa iyo ng Diyos.”
17 Isinakay niya sa kamelyo ang kanyang mga asawa't mga anak. 18 Dinala niya ang kanyang mga kawan at lahat ng kayamanang naipon niya sa Mesopotamia at bumalik sa Canaan, sa lupain ng kanyang amang si Isaac. 19 Wala noon si Laban sapagkat naggugupit ito ng balahibo ng mga tupa. Sinamantala iyon ni Raquel upang kunin ang mga diyus-diyosan sa tolda ng kanyang ama. 20 Nilinlang ni Jacob si Laban na Arameo; hindi niya ipinaalam ang kanyang pag-alis. 21 Tinawid niya ang Ilog Eufrates papunta sa bulubundukin ng Gilead, dala ang lahat niyang ari-arian.
Hinabol ni Laban si Jacob
22 Makaraan ang tatlong araw, nalaman ni Laban ang pag-alis nina Jacob. 23 Isinama niya ang kanyang mga tauhan at hinabol nila si Jacob. Inabot nila ito sa bulubundukin ng Gilead pagkaraan ng pitong araw. 24 Nang gabing iyon, si Laban ay kinausap ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip. Sinabi sa kanyang huwag pagbabantaan ng anuman si Jacob. 25 Nang dumating si Laban, si Jacob ay nakapagtayo na ng kanyang tolda sa kaburulan. Nagtayo rin ng tolda si Laban sa kaburulang iyon ng Gilead.
26 Tinanong ni Laban si Jacob, “Bakit mo ako nilinlang at itinakas mo pa ang aking mga anak na parang mga bihag? 27 Bakit mo inilihim sa akin ang iyong pag-alis? Sana'y inihatid ko kayo na may tugtugan at awitan sa saliw ng tamburin at alpa. 28 Hindi mo man lamang ako binigyan ng pagkakataong mahagkan ang aking mga anak at mga apo bago sila umalis. Napakalaking kahangalan ang ginawa mong ito! 29 Kung sabagay, kaya kitang saktan, ngunit hindi ko iyon gagawin sapagkat kagabi'y sinabi sa akin ng Diyos ng iyong ama na huwag kitang pagbantaan sa anumang paraan. 30 Alam kong ginawa mo ito dahil sabik na sabik ka nang umuwi sa inyo. Subalit bakit mo naman ninakaw ang aking mga diyos?”
31 Sumagot si Jacob, “Natakot po ako na baka hindi ninyo pasamahin sa akin ang inyong mga anak. 32 Ngayon, kung makita ninyo ang inyong mga diyos sa sinuman sa amin, dapat siyang mamatay. Saksi ang naritong mga kamag-anak natin; tingnan ninyo kung mayroon kayong anumang ari-arian dito at kunin ninyo.” Hindi alam ni Jacob na si Raquel ang kumuha ng mga diyus-diyosan ni Laban.
33 Hinalughog ni Laban ang tolda ni Jacob, ang kay Lea, at gayon din ang sa dalawang aliping babae, ngunit hindi niya nakita ang kanyang mga diyos. Pumasok din siya sa tolda ni Raquel, 34 ngunit naitago na nito ang mga diyus-diyosan sa upuang nasa likod ng kamelyo at iyon ay kanyang inuupuan. Hinalughog na mabuti ni Laban ang buong tolda, ngunit wala siyang nakita. 35 Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, “Huwag po kayong magagalit sa akin kung sa harapan ninyo'y hindi ako makatayo, sapagkat ako po'y mayroon ngayon.”[a] Patuloy na naghanap si Laban, ngunit hindi rin niya nakita ang kanyang mga diyus-diyosan.
36 Nagalit nang husto si Jacob at tinanong niya si Laban, “Ano bang pagkakasala ang ginawa ko sa inyo? May batas ba akong nilabag at gayon na lamang ang paghahalughog ninyo? 37 Kung may nakuha kayong ari-arian sa sinuman sa amin, ilabas ninyo at hayaan ninyong hatulan tayo ng ating mga kasamahan! 38 Dalawampung taon tayong nagkasama. Patuloy ang pagdami ng inyong mga tupa't kambing, at ni isang tupang barako sa kawan ninyo'y di ko pinangahasang kainin. 39 Kung may tupang sinila ng mababangis na hayop, hindi ko na ipinapakita sa inyo. Pinapalitan ko agad. Pinipilit ninyo akong magbayad ng anumang nawawala, maging iyo'y ninakaw sa gabi o sa araw. 40 Mahabang panahon akong nagtiis ng matinding init ng araw, at lamig ng gabi. Kulang na kulang ako sa tulog. 41 Iyan ang naranasan ko sa loob ng dalawampung taóng kasama ninyo. Labing-apat na taon akong naglingkod sa inyo dahil sa dalawa ninyong anak na babae, at anim na taon pa para sa inyong mga kawan. Sa kabila noon, sampung beses ninyong binago ang ating partihan. 42 Mabuti na lamang at kasama ko ang Diyos ng aking mga magulang, ang Diyos ni Abraham na sinamba ni Isaac. Kung hindi, marahil ay pinalayas ninyo ako nang walang kadala-dala. Alam ng Diyos ang aking hirap at pagod, kaya, kagabi'y pinagsabihan niya kayo.”
Ang Kasunduan ni Jacob at ni Laban
43 Sinabi ni Laban kay Jacob, “Ang lahat ng dala mo'y akin: aking mga anak, aking mga apo at aking mga kawan. Ngunit ano pa ang magagawa ko? 44 Ang mabuti'y gumawa tayo ng kasunduan. Magbunton tayo ng bato na siyang magpapaalaala ng ating kasunduan.”
45 Naglagay si Jacob ng isang bato bilang isang alaala. 46 Sinabi niya sa kanyang mga tauhan na maglagay rin doon ng bato. Pagkatapos, kumain sila sa tabi ng bunton ng mga bato. 47 Ito'y tinawag ni Laban na Jegar-sahaduta,[b] at Gal-ed[c] naman ang itinawag doon ni Jacob, 48 sapagkat sinabi ni Laban, “Ang buntong ito ng mga bato ang tagapagpaalala ng kasunduan nating dalawa.” 49 Tinawag ding Mizpa[d] ang lugar na iyon sapagkat sinabi ni Laban, “Bantayan nawa tayo ni Yahweh samantalang tayo'y magkalayo. 50 Kapag inapi mo ang aking mga anak, o nag-asawa ka ng iba, alalahanin mo na wala man ako roon, ang Diyos ang saksi sa ating kasunduan.” 51 Pagkatapos, sinabi pa ni Laban, “Narito sa pagitan natin ang mga batong ibinunton ko, at narito rin ang batong inilagay mo. 52 Ang mga ito ang ating palatandaan. Ito rin ang magiging hanggahan natin upang maiwasan ang paglusob sa isa't isa. 53 Ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Nahor ang hahatol sa atin.” At sa pangalan ng Diyos na sinamba ng ama niyang si Isaac ay sumumpa si Jacob na tutupad siya sa kasunduang ito. 54 Pagkatapos, nagpatay siya ng isang hayop at ito'y inihandog doon sa bundok. Nagsalu-salo sila at doon na rin nagpalipas ng gabi. 55 Kinaumagahan, umuwi na si Laban matapos hagkan ang kanyang mga anak at mga apo.
Footnotes
- Genesis 31:35 sapagkat ako po'y mayroon ngayon: o kaya'y ako po'y nireregla ngayon .
- Genesis 31:47 JEGAR-SAHADUTA: Sa wikang Aramaico, ang kahulugan ng salitang ito ay “isang bunton upang paalalahanan tayo”.
- Genesis 31:47 GAL-ED: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “isang bunton upang paalalahanan tayo”.
- Genesis 31:49 MIZPA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Mizpa” at “Bantayan nawa” ay magkasintunog.
Genesis 31
Good News Translation
Jacob Flees from Laban
31 Jacob heard that Laban's sons were saying, “Jacob has taken everything that belonged to our father. He got all his wealth from what our father owned.” 2 He also saw that Laban was no longer as friendly as he had been earlier. 3 Then the Lord said to him, “Go back to the land of your fathers and to your relatives. I will be with you.”
4 So Jacob sent word to Rachel and Leah to meet him in the field where his flocks were. 5 He said to them, “I have noticed that your father is not as friendly toward me as he used to be; but my father's God has been with me. 6 You both know that I have worked for your father with all my strength. 7 Yet he has cheated me and changed my wages ten times. But God did not let him harm me. 8 Whenever Laban said, ‘The speckled goats shall be your wages,’ all the flocks produced speckled young. When he said, ‘The striped goats shall be your wages,’ all the flocks produced striped young. 9 God has taken flocks away from your father and given them to me.
10 “During the breeding season I had a dream, and I saw that the male goats that were mating were striped, spotted, and speckled. 11 The angel of God spoke to me in the dream and said, ‘Jacob!’ ‘Yes,’ I answered. 12 ‘Look,’ he continued, ‘all the male goats that are mating are striped, spotted, and speckled. I am making this happen because I have seen all that Laban is doing to you. 13 (A)I am the God who appeared to you at Bethel, where you dedicated a stone as a memorial by pouring olive oil on it and where you made a vow to me. Now get ready and go back to the land where you were born.’”
14 Rachel and Leah answered Jacob, “There is nothing left for us to inherit from our father. 15 He treats us like foreigners. He sold us, and now he has spent all the money he was paid for us. 16 All this wealth which God has taken from our father belongs to us and to our children. Do whatever God has told you.”
17-18 So Jacob got ready to go back to his father in the land of Canaan. He put his children and his wives on the camels, and drove all his flocks ahead of him, with everything that he had gotten in Mesopotamia. 19 Laban had gone to shear his sheep, and during his absence Rachel stole the household gods that belonged to her father. 20 Jacob deceived Laban by not letting him know that he was leaving. 21 He took everything he owned and left in a hurry. He crossed the Euphrates River and started for the hill country of Gilead.
Laban Pursues Jacob
22 Three days later Laban was told that Jacob had fled. 23 He took his men with him and pursued Jacob for seven days until he caught up with him in the hill country of Gilead. 24 In a dream that night God came to Laban and said to him, “Be careful not to threaten Jacob in any way.” 25 Jacob had set up his camp on a mountain, and Laban set up his camp with his relatives in the hill country of Gilead.
26 Laban said to Jacob, “Why did you deceive me and carry off my daughters like women captured in war? 27 Why did you deceive me and slip away without telling me? If you had told me, I would have sent you on your way with rejoicing and singing to the music of tambourines and harps. 28 You did not even let me kiss my grandchildren and my daughters good-bye. That was a foolish thing to do! 29 I have the power to do you harm, but last night the God of your father warned me not to threaten you in any way. 30 I know that you left because you were so anxious to get back home, but why did you steal my household gods?”
31 Jacob answered, “I was afraid, because I thought that you might take your daughters away from me. 32 But if you find that anyone here has your gods, he will be put to death. Here, with our men as witnesses, look for anything that belongs to you and take what is yours.” Jacob did not know that Rachel had stolen Laban's gods.
33 Laban went and searched Jacob's tent; then he went into Leah's tent, and the tent of the two slave women, but he did not find his gods. Then he went into Rachel's tent. 34 Rachel had taken the household gods and put them in a camel's saddlebag and was sitting on them. Laban searched through the whole tent, but did not find them. 35 Rachel said to her father, “Do not be angry with me, sir, but I am not able to stand up in your presence; I am having my monthly period.” Laban searched but did not find his household gods.
36 Then Jacob lost his temper. “What crime have I committed?” he asked angrily. “What law have I broken that gives you the right to hunt me down? 37 Now that you have searched through all my belongings, what household article have you found that belongs to you? Put it out here where your men and mine can see it, and let them decide which one of us is right. 38 I have been with you now for twenty years; your sheep and your goats have not failed to reproduce, and I have not eaten any rams from your flocks. 39 Whenever a sheep was killed by wild animals, I always bore the loss myself. I didn't take it to you to show that it was not my fault. You demanded that I make good anything that was stolen during the day or during the night. 40 Many times I suffered from the heat during the day and from the cold at night. I was not able to sleep. 41 It was like that for the whole twenty years I was with you. For fourteen years I worked to win your two daughters—and six years for your flocks. And even then, you changed my wages ten times. 42 If the God of my fathers, the God of Abraham and Isaac, had not been with me, you would have already sent me away empty-handed. But God has seen my trouble and the work I have done, and last night he gave his judgment.”
The Agreement between Jacob and Laban
43 Laban answered Jacob, “These young women are my daughters; their children belong to me, and these flocks are mine. In fact, everything you see here belongs to me. But since I can do nothing to keep my daughters and their children, 44 I am ready to make an agreement with you. Let us make a pile of stones to remind us of our agreement.”
45 So Jacob got a stone and set it up as a memorial. 46 He told his men to gather some rocks and pile them up. Then they ate a meal beside the pile of rocks. 47 Laban named it Jegar Sahadutha,[a] while Jacob named it Galeed.[b] 48 Laban said to Jacob, “This pile of rocks will be a reminder for both of us.” That is why that place was named Galeed. 49 Laban also said, “May the Lord keep an eye on us while we are separated from each other.” So the place was also named Mizpah.[c] 50 Laban went on, “If you mistreat my daughters or if you marry other women, even though I don't know about it, remember that God is watching us. 51 Here are the rocks that I have piled up between us, and here is the memorial stone. 52 Both this pile and this memorial stone are reminders. I will never go beyond this pile to attack you, and you must never go beyond it or beyond this memorial stone to attack me. 53 The God of Abraham and the God of Nahor[d] will judge between us.” Then, in the name of the God whom his father Isaac worshiped, Jacob solemnly vowed to keep this promise. 54 He killed an animal, which he offered as a sacrifice on the mountain, and he invited his men to the meal. After they had eaten, they spent the night on the mountain. 55 Early the next morning Laban kissed his grandchildren and his daughters good-bye, and left to go back home.
Footnotes
- Genesis 31:47 This name in Aramaic means “a pile to remind us.”
- Genesis 31:47 This name in Hebrew means “a pile to remind us.”
- Genesis 31:49 This name sounds like the Hebrew for “place from which to watch.”
- Genesis 31:53 Abraham was Jacob's grandfather and Nahor was Laban's grandfather.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Good News Translation® (Today’s English Version, Second Edition) © 1992 American Bible Society. All rights reserved. For more information about GNT, visit www.bibles.com and www.gnt.bible.

