Genesis 27
Ang Biblia (1978)
27 At nangyari, nang matanda na si Isaac, (A)at malabo na ang kaniyang mga mata, na ano pa't hindi na siya makakita, ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay, at sinabi sa kaniya, Anak ko: at kaniyang sinabi, Narito ako.
2 At sinabi niya, Narito, ako'y matanda, at hindi ko nalalaman ang kaarawan ng aking kamatayan.
3 Ngayon nga'y (B)kunin mo ipinamamanhik ko sa iyo, ang iyong almás, ang iyong lalagyan ng pana, at ang iyong busog, at lumabas ka sa parang, at ihuli mo ako ng usa;
4 At igawa mo ako ng masarap na pagkain, na aking ibig, at dalhin mo rito sa akin, upang ako'y kumain; (C)upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay.
5 At pinakikinggan ni Rebeca nang nagsasalita si Isaac kay Esau na kaniyang anak. At naparoon si Esau sa parang upang manghuli ng usa, at upang madala.
6 At isinaysay ni Rebeca kay Jacob na kaniyang anak na sinasabi, Narito, narinig ko ang iyong ama na nagsasalita kay Esau na iyong kapatid, na sinasabi,
7 Dalhan mo ako ng usa, at igawa mo ako ng pagkaing masarap, upang ako'y kumain, at ikaw ay aking basbasan sa harap ng Panginoon, bago ako mamatay,
8 Ngayon nga, anak (D)ko, sundin mo ang aking tinig, ayon sa iniutos ko sa iyo.
9 Pumaroon ka ngayon sa kawan, at dalhin mo rito sa akin ang dalawang mabuting anak ng kambing; at gagawin kong masarap na pagkain sa iyong ama, (E)ayon sa kaniyang ibig.
10 At dadalhin mo sa iyong ama, upang kumain, ano pa't ikaw ay kaniyang basbasan bago siya mamatay.
11 At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina, Narito, si (F)Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo, at ako'y taong makinis.
12 Marahil ay hihipuin (G)ako ng aking ama, at aariin niya akong parang nagdaraya sa kaniya; at ang aking mahihita ay (H)sumpa at hindi basbas.
13 At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, (I)Sa akin mapunta ang sumpa sa iyo, anak ko: sundin mo lamang ang aking tinig, at yumaon ka, na dalhin mo sa akin.
14 At siya'y yumaon at dinala sa kaniyang ina: at gumawa ang kaniyang ina ng masarap na pagkain, na ibig ng kaniyang ama.
15 At kinuha ni Rebeca ang mainam na (J)damit ni Esau, na kaniyang anak na panganay, na nasa kaniya sa bahay, at isinuot kay Jacob na kaniyang bunsong anak:
16 At ang mga balat ng mga anak ng kambing ay ibinalot sa kaniyang mga kamay, at sa kinis ng kaniyang leeg.
Tinanggap ni Jacob ang pagpapala ni Isaac.
17 At kaniyang ibinigay ang pagkaing masarap, at ang tinapay na kaniyang inihanda, sa kamay ni Jacob na kaniyang anak.
18 At siya'y lumapit sa kaniyang ama, at nagsabi, Ama ko; at sinabi niya: Narito ako; sino ka, anak ko?
19 At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama, Ako'y si Esau na iyong panganay; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin: bumangon ka, ipinamamanhik ko sa iyo, maupo ka at kumain ka ng aking usa, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.
20 At sinabi ni Isaac sa kaniyang anak, Ano't kay dali mong nakasumpong, anak ko? At sinabi niya, Sapagka't binigyan ako ng mabuting kapalaran ng Panginoon mong Dios.
21 At sinabi ni Isaac kay Jacob, Lumapit ka rito, ipinamamanhik ko sa iyo (K)upang hipuin kita, anak ko, kung tunay na ikaw ang aking anak na si Esau o hindi.
22 At lumapit si Jacob kay Isaac na kaniyang ama: at hinipo siya, at sinabi, Ang tinig ay tinig ni Jacob, nguni't ang mga kamay ay mga kamay ni Esau.
23 At hindi siya nakilala, (L)sapagka't ang kaniyang kamay ay mabalahibo, gaya ng mga kamay ni Esau na kaniyang kapatid: at sa gayo'y binasbasan siya.
24 At sinabi niya, Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau? At sinabi niya, Ako nga.
25 At kaniyang sinabi, Ilapit mo sa akin, at kakain ako ng usa ng aking anak, upang basbasan ka ng aking kaluluwa. At kaniyang inilapit sa kaniya at kumain siya: at siya'y dinalhan niya ng alak, at uminom.
26 At sinabi sa kaniya ni Isaac na kaniyang ama, Lumapit ka ngayon at humalik ka sa akin, anak ko.
27 At siya'y lumapit at humalik siya sa kaniya: at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot, at siya'y binasbasan, na sinabi,
Narito, ang (M)amoy ng aking anak
Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon:
28 At bigyan ka ng (N)Dios ng (O)hamog ng langit,
At ng taba ng lupa,
(P)At ng saganang trigo at alak:
29 Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo.
At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo:
Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid,
(Q)At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina:
(R)Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo.
At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo.
30 At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob, at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama, ay dumating si Esau na kaniyang kapatid, na galing sa kaniyang panghuhuli.
31 At siya ma'y gumawa ng masarap na pagkain, at dinala niya sa kaniyang ama; at sinabi niya sa kaniyang ama, Bumangon ang ama ko, at kumain ng usa ng kaniyang anak, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.
32 At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya, Sino ka? At kaniyang sinabi, Ako ang iyong anak, ang iyong panganay na si Esau.
33 At nangilabot na mainam si Isaac, at sinabi, Sino nga yaong kumuha ng usa at dinala sa akin, at ako'y kumain niyaon bago ka dumating, at aking binasbasan siya? oo, at siya'y magiging mapalad!
34 Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kaniyang ama ay (S)humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan: at sinabi sa kaniyang ama. Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko.
35 At kaniyang sinabi, Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya, at kinuha ang basbas sa iyo.
36 At kaniyang sinabi, Hindi ba (T)matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob? sapagka't kaniyang inagawan ako nitong makalawa: (U)kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay; at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas.
37 At sumagot si Isaac, at sinabi kay Esau. (V)Narito, inilagay ko siyang panginoon mo, at sa kaniya'y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid; at (W)sa trigo at sa bagong alak, ay kinandili ko siya; at sa iyo'y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko?
38 At sinabi ni Esau sa kaniyang ama, Wala ka ba, kundi isa lamang basbas, ama ko? Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko. (X)At humiyaw si Esau at umiyak.
39 At sumagot si Isaac na kaniyang ama, at sinabi sa kaniya,
(Y)Narito, magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan,
At sa hamog ng langit mula sa itaas;
40 At sa iyong tabak ay mabubuhay ka, (Z)at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka;
(AA)At mangyayari na pagka nakalaya ka,
Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya.
Pinapunta si Jacob sa Padan-aram.
41 (AB)At kinapootan ni Esau si Jacob, dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama; at sinasabi ni Esau sa sarili, (AC)Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama; kung magkagayo'y papatayin (AD)ko si Jacob na aking kapatid.
42 At ang mga salita ni Esau na kaniyang panganay ay nangaibalita kay Rebeca; at kaniyang pinasuguan at tinawag si Jacob, na kaniyang bunso at sa kaniya'y sinabi, Narito, ang iyong kapatid na si Esau ay naaaliw tungkol sa iyo, na inaakalang patayin ka.
43 Ngayon nga, anak ko, sundin mo ang aking tinig; at bumangon ka, at tumakas ka hanggang kay Laban na aking kapatid, sa Haran;
44 At dumoon ka sa kaniyang ilang araw hanggang sa mapawi ang galit ng iyong kapatid.
45 Hanggang ang galit sa iyo, ng iyong kapatid ay mapawi at malimutan niya ang ginawa mo sa kaniya: kung magkagayo'y pasusuguan kita at ipasusundo kita mula roon: bakit kapuwa mawawala kayo sa akin sa isang araw?
46 At sinabi ni Rebeca kay Isaac, Ako'y (AE)yamot na sa aking buhay, dahil sa mga anak na babae ni Heth: kung (AF)si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito, ng mga anak ng lupaing ito, ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay?
1 Mosebok 27
Swedish New Living Bible (Nya Levande Bibeln)
Isak välsignar Jakob i stället för Esau
27 På äldre dagar när Isak var halvblind, kallade han en dag till sig sin äldste son Esau.Min son? sa Isak.Ja, far, svarade Esau.
2-4 Isak fortsatte: Jag är en gammal man nu och väntar på att dö vilken dag som helst. Ta din båge och dina pilar och gå ut på fälten och skjut något vilt åt mig och laga till det på det sätt som jag tycker bäst om. Då ska jag ge dig, min förstfödde son, de välsignelser som tillhör dig, innan jag dör.
5 Men Rebecka hörde samtalet, så när Esau gick ut på fälten för att jaga efter villebråd,
6-7 ropade hon på sin son Jakob och berättade för honom vad hans far hade sagt till brodern.
8-10 Gör nu precis som jag säger till dig, sa Rebecka. Gå ut till hjorden och hämta hit två unga getter, så ska jag laga till din fars favoriträtt. Ta därefter maten till din far, och när han har njutit av måltiden kommer han att välsigna dig i stället för Esau, innan han dör.
11-12 Så lätt lurar man honom inte, sa Jakob. Tänk på hur hårig Esau är och hur slät min hud är! Vad händer om min far känner på mig? Han kommer att tro att jag driver med honom och kommer att förbanna mig i stället för att välsigna mig!
13 Låt hans förbannelse komma över mig, käre son, sa Rebecka. Gör bara som jag säger. Gå ut och hämta getterna!
14 Jakob följde därför sin mors råd och hämtade de två killingarna, och hon lagade till en rätt av dem som hon visste att Isak tyckte om.
15 Sedan tog hon Esaus bästa kläder, som fanns där i huset, och sa till Jakob att sätta dem på sig.
16 Hon gjorde också ett par handskar av hårigt skinn från de unga getterna och satte ett band av skinn runt hans hals.
17 Sedan gav hon honom köttet, som nu hade fått en doft av vilt, och lite nybakat bröd.
18 Jakob bar tallriken med maten till rummet där hans far låg.Far, sa han.Ja, svarade Isak. Vilken av mina söner är det, Esau eller Jakob?
19 Det är din äldste son, Esau, ljög Jakob. Jag har gjort som du sa till mig. Här är det utsökta viltet, som du bad mig om. Sitt upp och ät, så att du kan välsigna mig av hela ditt hjärta!
20 Hur kunde du fånga något så snabbt, min son? undrade Jakob.Därför att Herren, din Gud, sände det i min väg, svarade Jakob.
21 Då sa Isak: Kom hit till mig. Jag vill känna på dig och vara säker på att det är Esau!
22 Jakob gick fram till sin far, som kände på honom.Rösten är Jakobs, men händerna är Esaus, konstaterade Isak.
23 Men han lät övertyga sig och gav Jakob sin välsignelse.
24 Är du verkligen Esau? undrade Isak igen.Ja, naturligtvis, svarade Jakob.
25 Kom då hit med köttet, så ska jag äta det och välsigna dig av allt mitt hjärta, sa Isak. Jakob gick fram till Isak med maten, och Isak åt. Han drack också av det vin som Jakob hade haft med sig.
26 Kyss mig, min son, sa Isak sedan. Jakob kysste honom på kinden, och när Isak kände lukten av hans kläder blev han slutligen övertygad och utbrast:
27-29 Lukten hos min son är den goda lukten från jorden och fälten, som Herren har välsignat. Gud ska alltid ge dig rikligt med regn för din gröda och goda skördar av säd och nytt vin. Många folk ska tjäna dig. Du ska vara dina bröders herre, och alla deras barn ska buga sig djupt inför dig. De som förbannar dig ska vara förbannade, och alla de som välsignar dig ska vara välsignade.
30 När Isak hade välsignat Jakob och denne knappt mer än hunnit lämna rummet, kom Esau tillbaka från sin jakt.
31 Han hade också lagat till sin fars favoriträtt och gick in till honom med den.Far, här är jag med viltet, sa han. Sätt dig upp och ät, så att du kan ge mig dina bästa välsignelser!
32 Vem är det som kommer? undrade Isak.Det är ju jag, Esau, din äldste son, sa Esau.
33 Då blev Isak mycket förvånad och frågade:Men vem var det då som just var här med viltet som jag åt, den som jag gav min välsignelse, en välsignelse jag inte kan ta tillbaka?
34 Esau började gråta bittert och snyfta högt: O, min far, välsigna också mig!
35 Din bror var här och lurade mig. Nu har han stulit din välsignelse, konstaterade Isak.
36 Inte undra på att de kallar honom bedragare! Först tog han min förstfödslorätt, och nu har han stulit min välsignelse. Har du inte sparat en enda välsignelse åt mig? frågade Esau.
37 Då sa Isak: Jag har gjort Jakob till din herre, och du och hela din släkt ska vara hans tjänare. Jag har försett honom med överflöd av vete och vin. Vad finns det kvar som jag kan ge åt dig?
38 Finns det inte en enda välsignelse kvar åt mig? Far, välsigna mig också, bad Esau och brast i gråt.Då sa Isak till sist:
39-40 Ditt liv kommer inte att bli lätt och på intet sätt fyllt av överflöd. Du ska arbeta dig fram med hjälp av ditt svärd. Under en tid kommer du att tjäna din bror, men du kommer slutligen att skaka dig loss från honom och bli fri.
41 Esau hatade Jakob för det han hade gjort mot honom och sa för sig själv: Min far kommer snart att vara borta, och då ska jag döda Jakob.
42 Men någon fick reda på hans planer och talade om det för Rebecka. Hon sände då bud efter Jakob och berättade för honom att Esau hade hotat honom till livet.
43 Så här ska du göra, sa hon. Fly till din morbror Laban i Haran,
44 och stanna hos honom tills din brors vrede har lagt sig
45 och tills han glömt vad du har gjort. Då ska jag meddela dig. Varför ska jag förlora er båda två på en enda dag?
46 Sedan sa Rebecka till Isak: Jag är dödstrött på de hetitiska flickorna här i trakten. Jag dör hellre än att jag ser Jakob gifta sig med en av dem.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1974, 1977, 1987, 1995, 2003, 2004 by Biblica
