Add parallel Print Page Options

27 At nangyari, nang matanda na si Isaac, (A)at malabo na ang kaniyang mga mata, na ano pa't hindi na siya makakita, ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay, at sinabi sa kaniya, Anak ko: at kaniyang sinabi, Narito ako.

At sinabi niya, Narito, ako'y matanda, at hindi ko nalalaman ang kaarawan ng aking kamatayan.

Ngayon nga'y (B)kunin mo ipinamamanhik ko sa iyo, ang iyong almás, ang iyong lalagyan ng pana, at ang iyong busog, at lumabas ka sa parang, at ihuli mo ako ng usa;

At igawa mo ako ng masarap na pagkain, na aking ibig, at dalhin mo rito sa akin, upang ako'y kumain; (C)upang ikaw ay basbasan ko bago ako mamatay.

At pinakikinggan ni Rebeca nang nagsasalita si Isaac kay Esau na kaniyang anak. At naparoon si Esau sa parang upang manghuli ng usa, at upang madala.

At isinaysay ni Rebeca kay Jacob na kaniyang anak na sinasabi, Narito, narinig ko ang iyong ama na nagsasalita kay Esau na iyong kapatid, na sinasabi,

Dalhan mo ako ng usa, at igawa mo ako ng pagkaing masarap, upang ako'y kumain, at ikaw ay aking basbasan sa harap ng Panginoon, bago ako mamatay,

Ngayon nga, anak (D)ko, sundin mo ang aking tinig, ayon sa iniutos ko sa iyo.

Pumaroon ka ngayon sa kawan, at dalhin mo rito sa akin ang dalawang mabuting anak ng kambing; at gagawin kong masarap na pagkain sa iyong ama, (E)ayon sa kaniyang ibig.

10 At dadalhin mo sa iyong ama, upang kumain, ano pa't ikaw ay kaniyang basbasan bago siya mamatay.

11 At sinabi ni Jacob kay Rebeca na kaniyang ina, Narito, si (F)Esau na aking kapatid ay taong mabalahibo, at ako'y taong makinis.

12 Marahil ay hihipuin (G)ako ng aking ama, at aariin niya akong parang nagdaraya sa kaniya; at ang aking mahihita ay (H)sumpa at hindi basbas.

13 At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, (I)Sa akin mapunta ang sumpa sa iyo, anak ko: sundin mo lamang ang aking tinig, at yumaon ka, na dalhin mo sa akin.

14 At siya'y yumaon at dinala sa kaniyang ina: at gumawa ang kaniyang ina ng masarap na pagkain, na ibig ng kaniyang ama.

15 At kinuha ni Rebeca ang mainam na (J)damit ni Esau, na kaniyang anak na panganay, na nasa kaniya sa bahay, at isinuot kay Jacob na kaniyang bunsong anak:

16 At ang mga balat ng mga anak ng kambing ay ibinalot sa kaniyang mga kamay, at sa kinis ng kaniyang leeg.

Tinanggap ni Jacob ang pagpapala ni Isaac.

17 At kaniyang ibinigay ang pagkaing masarap, at ang tinapay na kaniyang inihanda, sa kamay ni Jacob na kaniyang anak.

18 At siya'y lumapit sa kaniyang ama, at nagsabi, Ama ko; at sinabi niya: Narito ako; sino ka, anak ko?

19 At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama, Ako'y si Esau na iyong panganay; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin: bumangon ka, ipinamamanhik ko sa iyo, maupo ka at kumain ka ng aking usa, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.

20 At sinabi ni Isaac sa kaniyang anak, Ano't kay dali mong nakasumpong, anak ko? At sinabi niya, Sapagka't binigyan ako ng mabuting kapalaran ng Panginoon mong Dios.

21 At sinabi ni Isaac kay Jacob, Lumapit ka rito, ipinamamanhik ko sa iyo (K)upang hipuin kita, anak ko, kung tunay na ikaw ang aking anak na si Esau o hindi.

22 At lumapit si Jacob kay Isaac na kaniyang ama: at hinipo siya, at sinabi, Ang tinig ay tinig ni Jacob, nguni't ang mga kamay ay mga kamay ni Esau.

23 At hindi siya nakilala, (L)sapagka't ang kaniyang kamay ay mabalahibo, gaya ng mga kamay ni Esau na kaniyang kapatid: at sa gayo'y binasbasan siya.

24 At sinabi niya, Ikaw bang tunay ang aking anak na si Esau? At sinabi niya, Ako nga.

25 At kaniyang sinabi, Ilapit mo sa akin, at kakain ako ng usa ng aking anak, upang basbasan ka ng aking kaluluwa. At kaniyang inilapit sa kaniya at kumain siya: at siya'y dinalhan niya ng alak, at uminom.

26 At sinabi sa kaniya ni Isaac na kaniyang ama, Lumapit ka ngayon at humalik ka sa akin, anak ko.

27 At siya'y lumapit at humalik siya sa kaniya: at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot, at siya'y binasbasan, na sinabi,

Narito, ang (M)amoy ng aking anak
Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon:
28 At bigyan ka ng (N)Dios ng (O)hamog ng langit,
At ng taba ng lupa,
(P)At ng saganang trigo at alak:
29 Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo.
At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo:
Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid,
(Q)At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina:
(R)Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo.
At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo.

30 At nangyari pagkatapos ng pagbabasbas ni Isaac kay Jacob, at bahagya nang kaaalis ni Jacob sa harap ni Isaac na kaniyang ama, ay dumating si Esau na kaniyang kapatid, na galing sa kaniyang panghuhuli.

31 At siya ma'y gumawa ng masarap na pagkain, at dinala niya sa kaniyang ama; at sinabi niya sa kaniyang ama, Bumangon ang ama ko, at kumain ng usa ng kaniyang anak, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.

32 At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya, Sino ka? At kaniyang sinabi, Ako ang iyong anak, ang iyong panganay na si Esau.

33 At nangilabot na mainam si Isaac, at sinabi, Sino nga yaong kumuha ng usa at dinala sa akin, at ako'y kumain niyaon bago ka dumating, at aking binasbasan siya? oo, at siya'y magiging mapalad!

34 Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kaniyang ama ay (S)humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan: at sinabi sa kaniyang ama. Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko.

35 At kaniyang sinabi, Naparito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng daya, at kinuha ang basbas sa iyo.

36 At kaniyang sinabi, Hindi ba (T)matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob? sapagka't kaniyang inagawan ako nitong makalawa: (U)kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay; at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas.

37 At sumagot si Isaac, at sinabi kay Esau. (V)Narito, inilagay ko siyang panginoon mo, at sa kaniya'y ibinigay kong lingkod ang lahat niyang mga kapatid; at (W)sa trigo at sa bagong alak, ay kinandili ko siya; at sa iyo'y ano ngang magagawa ko ngayon anak ko?

38 At sinabi ni Esau sa kaniyang ama, Wala ka ba, kundi isa lamang basbas, ama ko? Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko. (X)At humiyaw si Esau at umiyak.

39 At sumagot si Isaac na kaniyang ama, at sinabi sa kaniya,

(Y)Narito, magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan,
At sa hamog ng langit mula sa itaas;

40 At sa iyong tabak ay mabubuhay ka, (Z)at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka;

(AA)At mangyayari na pagka nakalaya ka,
Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya.

Pinapunta si Jacob sa Padan-aram.

41 (AB)At kinapootan ni Esau si Jacob, dahil sa basbas na ibinasbas sa kaniya ng kaniyang ama; at sinasabi ni Esau sa sarili, (AC)Malapit na ang mga araw ng pagluluksa sa aking ama; kung magkagayo'y papatayin (AD)ko si Jacob na aking kapatid.

42 At ang mga salita ni Esau na kaniyang panganay ay nangaibalita kay Rebeca; at kaniyang pinasuguan at tinawag si Jacob, na kaniyang bunso at sa kaniya'y sinabi, Narito, ang iyong kapatid na si Esau ay naaaliw tungkol sa iyo, na inaakalang patayin ka.

43 Ngayon nga, anak ko, sundin mo ang aking tinig; at bumangon ka, at tumakas ka hanggang kay Laban na aking kapatid, sa Haran;

44 At dumoon ka sa kaniyang ilang araw hanggang sa mapawi ang galit ng iyong kapatid.

45 Hanggang ang galit sa iyo, ng iyong kapatid ay mapawi at malimutan niya ang ginawa mo sa kaniya: kung magkagayo'y pasusuguan kita at ipasusundo kita mula roon: bakit kapuwa mawawala kayo sa akin sa isang araw?

46 At sinabi ni Rebeca kay Isaac, Ako'y (AE)yamot na sa aking buhay, dahil sa mga anak na babae ni Heth: kung (AF)si Jacob ay magasawa sa mga anak ni Heth na gaya ng mga ito, ng mga anak ng lupaing ito, ano pang kabuluhan sa akin ng aking buhay?

27 When Isaac had become an old man and was nearly blind, he called his eldest son, Esau, and said, “My son.”

“Yes, Father?”

2-4 “I’m an old man,” he said; “I might die any day now. Do me a favor: Get your quiver of arrows and your bow and go out in the country and hunt me some game. Then fix me a hearty meal, the kind that you know I like, and bring it to me to eat so that I can give you my personal blessing before I die.”

5-7 Rebekah was eavesdropping as Isaac spoke to his son Esau. As soon as Esau had gone off to the country to hunt game for his father, Rebekah spoke to her son Jacob. “I just overheard your father talking with your brother, Esau. He said, ‘Bring me some game and fix me a hearty meal so that I can eat and bless you with God’s blessing before I die.’

8-10 “Now, my son, listen to me. Do what I tell you. Go to the flock and get me two young goats. Pick the best; I’ll prepare them into a hearty meal, the kind that your father loves. Then you’ll take it to your father, he’ll eat and bless you before he dies.”

11-12 “But Mother,” Jacob said, “my brother Esau is a hairy man and I have smooth skin. What happens if my father touches me? He’ll think I’m playing games with him. I’ll bring down a curse on myself instead of a blessing.”

13 “If it comes to that,” said his mother, “I’ll take the curse on myself. Now, just do what I say. Go and get the goats.”

14 So he went and got them and brought them to his mother and she cooked a hearty meal, the kind his father loved so much.

15-17 Rebekah took the dress-up clothes of her older son Esau and put them on her younger son Jacob. She took the goatskins and covered his hands and the smooth nape of his neck. Then she placed the hearty meal she had fixed and fresh bread she’d baked into the hands of her son Jacob.

18 He went to his father and said, “My father!”

“Yes?” he said. “Which son are you?”

19 Jacob answered his father, “I’m your firstborn son Esau. I did what you told me. Come now; sit up and eat of my game so you can give me your personal blessing.”

20 Isaac said, “So soon? How did you get it so quickly?”

“Because your God cleared the way for me.”

21 Isaac said, “Come close, son; let me touch you—are you really my son Esau?”

22-23 So Jacob moved close to his father Isaac. Isaac felt him and said, “The voice is Jacob’s voice but the hands are the hands of Esau.” He didn’t recognize him because his hands were hairy, like his brother Esau’s.

23-24 But as he was about to bless him he pressed him, “You’re sure? You are my son Esau?”

“Yes. I am.”

25 Isaac said, “Bring the food so I can eat of my son’s game and give you my personal blessing.” Jacob brought it to him and he ate. He also brought him wine and he drank.

26 Then Isaac said, “Come close, son, and kiss me.”

27-29 He came close and kissed him and Isaac smelled the smell of his clothes. Finally, he blessed him,

Ahhh. The smell of my son
    is like the smell of the open country
    blessed by God.
May God give you
    of Heaven’s dew
    and Earth’s bounty of grain and wine.
May peoples serve you
    and nations honor you.
You will master your brothers,
    and your mother’s sons will honor you.
Those who curse you will be cursed,
    those who bless you will be blessed.

30-31 And then right after Isaac had blessed Jacob and Jacob had left, Esau showed up from the hunt. He also had prepared a hearty meal. He came to his father and said, “Let my father get up and eat of his son’s game, that he may give me his personal blessing.”

32 His father Isaac said, “And who are you?”

“I am your son, your firstborn, Esau.”

33 Isaac started to tremble, shaking violently. He said, “Then who hunted game and brought it to me? I finished the meal just now, before you walked in. And I blessed him—he’s blessed for good!”

34 Esau, hearing his father’s words, sobbed violently and most bitterly, and cried to his father, “My father! Can’t you also bless me?”

35 “Your brother,” he said, “came here falsely and took your blessing.”

36 Esau said, “Not for nothing was he named Jacob, the Heel. Twice now he’s tricked me: first he took my birthright and now he’s taken my blessing.”

He begged, “Haven’t you kept back any blessing for me?”

37 Isaac answered Esau, “I’ve made him your master, and all his brothers his servants, and lavished grain and wine on him. I’ve given it all away. What’s left for you, my son?”

38 “But don’t you have just one blessing for me, Father? Oh, bless me my father! Bless me!” Esau sobbed inconsolably.

39-40 Isaac said to him,

You’ll live far from Earth’s bounty,
    remote from Heaven’s dew.
You’ll live by your sword, hand-to-mouth,
    and you’ll serve your brother.
But when you can’t take it any more
    you’ll break loose and run free.

41 Esau seethed in anger against Jacob because of the blessing his father had given him; he brooded, “The time for mourning my father’s death is close. And then I’ll kill my brother Jacob.”

42-45 When these words of her older son Esau were reported to Rebekah, she called her younger son Jacob and said, “Your brother Esau is plotting vengeance against you. He’s going to kill you. Son, listen to me. Get out of here. Run for your life to Haran, to my brother Laban. Live with him for a while until your brother cools down, until his anger subsides and he forgets what you did to him. I’ll then send for you and bring you back. Why should I lose both of you the same day?”

46 Rebekah spoke to Isaac, “I’m sick to death of these Hittite women. If Jacob also marries a native Hittite woman, why live?”