Genesis 17:7-8
Ang Biblia (1978)
7 (A)At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y (B)magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.
8 (C)At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pagaaring walang hanggan (D)at ako ang magiging Dios nila.
Read full chapter
Levitico 26:44-45
Ang Biblia (1978)
44 At sa lahat mang ito, pagka sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay (A)hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila na sila'y aking lubos na lilipulin, (B)at aking sisirain ang aking tipan sa kanila: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios:
45 Kundi aalalahanin ko alangalang sa kanila ang tipan ng kanilang mga magulang, (C)na aking inilabas sa lupain ng Egipto, (D)sa paningin ng mga bansa, upang ako'y maging kanilang Dios: ako ang Panginoon.
Read full chapter
Mga Awit 106:45
Ang Biblia (1978)
45 (A)At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan,
At nagsisi (B)ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978