Add parallel Print Page Options

Ang Tipan ng Diyos kay Abram

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito, dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, Abram; ako ang iyong kalasag, ang iyong gantimpala ay magiging napakadakila.”

Ngunit sinabi ni Abram, “O Panginoong Diyos, anong ibibigay mo sa akin, yamang ako'y patuloy na walang anak at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damasco?”

At sinabi ni Abram, “Hindi mo ako binigyan ng anak at isang alipin na ipinanganak sa aking bahay ang magiging tagapagmana ko.”

Ngunit ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya, “Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; ang iyong sariling anak ang magiging tagapagmana mo.”

Siya'y(A) dinala niya sa labas at sinabi, “Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo.” At sinabi sa kanya, “Magiging ganyan ang iyong binhi.”

Sumampalataya(B) siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kanya.

At sinabi niya sa kanya, “Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito para angkinin.”

Sinabi niya, “O Panginoong Diyos, paano ko malalaman na mamanahin ko iyon?”

At sinabi sa kanya, “Magdala ka rito ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, isang inakay na batu-bato, at isang inakay na kalapati.”

10 Dinala niya ang lahat ng ito sa kanya at hinati niya sa gitna, at kanyang inihanay na magkakatapat ang isa't isa subalit hindi niya hinati ang mga ibon.

11 Nang bumaba ang mga ibong mandaragit sa mga bangkay, ang mga iyon ay binugaw ni Abram.

12 Nang(C) lulubog na ang araw, nakatulog si Abram nang mahimbing; isang makapal at nakakatakot na kadiliman ang dumating sa kanya.

13 Sinabi(D) ng Panginoon kay Abram, “Tunay na dapat mong malaman na ang iyong binhi ay magiging taga-ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at sila'y magiging mga alipin doon, at sila'y pahihirapan sa loob ng apatnaraang taon;

14 ngunit(E) ang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan; at pagkatapos ay aalis sila na may malaking ari-arian.

15 Subalit ikaw ay payapang tutungo sa iyong mga ninuno, at ikaw ay malilibing sa panahong lubos na ang iyong katandaan.

16 Sa ikaapat na salin ng iyong binhi, muli silang babalik rito sapagkat hindi pa nalulubos ang kasamaan ng mga Amoreo.”

17 Nang lumubog na ang araw at madilim na, isang hurnong umuusok at ang isang tanglaw na nagniningas ang dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang(F) araw na iyon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na sinasabi, “Ibinigay ko ang lupaing ito sa iyong binhi, mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, ang Ilog Eufrates,

19 ang lupain ng mga Kineo, Kenizeo, at ng mga Cadmoneo,

20 ng mga Heteo, Perezeo, at Refaim,

21 at ng mga Amoreo, Cananeo, Gergeseo, at ng mga Jebuseo.”

15 Now when these things were done, the word of the Lord came to Abram by a vision, saying: Fear not, Abram, I am thy protector, and thy reward exceeding great.

And Abram said: Lord God, what wilt thou give me? I shall go without children: and the son of the steward of my house is this Damascus Eliezer.

And Abram added: But to me thou hast not given seed: and lo my servant, born in my house, shall be my heir.

And immediately the word of the Lord came to him, saying: He shall not be thy heir: but he that shall come out of thy bowels, him shalt thou have for thy heir.

And he brought him forth abroad, and said to him: Look up to heaven and number the stars, if thou canst. And he said to him: So shall thy seed be.

Abram believed God, and it was reputed to him unto justice.

And he said to him: I am the Lord who brought thee out from Ur of the Chaldees, to give thee this land, and that thou mightest possess it.

But he said: Lord God, whereby may I know that I shall possess it?

And the Lord answered, and said: Take me a cow of three years old, and a she goat of three years, and a ram of three years, a turtle also, and a pigeon.

10 And he took all these, and divided them in the midst, and laid the two pieces of each one against the other; but the birds he divided not.

11 And the fowls came down upon the carcasses, and Abram drove them away.

12 And when the sun was setting, a deep sleep fell upon Abram, and a great and darksome horror seized upon him.

13 And it was said unto him: Know thou beforehand that thy seed shall be a stranger in a land not their own, and they shall bring them under bondage, and afflict them four hundred years.

14 But I will judge the nation which they shall serve, and after this they shall come out with great substance.

15 And thou shalt go to thy fathers in peace, and be buried in a good old age.

16 But in the fourth generation they shall return hither: for as yet the iniquities of the Amorrhites are not at the full until this present time.

17 And when the sun was set, there arose a dark mist, and there appeared a smoking furnace and a lamp of fire passing between those divisions.

18 That day God made a covenant with Abram, saying: To thy seed will I give this land, from the river of Egypt even to the great river Euphrates.

19 The Cineans and Cenezites, the Cedmonites,

20 And the Hethites, and the Pherezites, the Raphaim also,

21 And the Amorrhites, and the Chanaanites, and the Gergesites, and the Jebusites.