Add parallel Print Page Options

Ang Pagtawag ng Diyos kay Abraham

12 Sinabi(A) ng Panginoon kay Abram, “Umalis ka sa iyong lupain, sa iyong mga kamag-anak, sa bahay ng iyong ama, at pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.

Gagawin kitang isang malaking bansa, ikaw ay aking pagpapalain, gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at ikaw ay magiging isang pagpapala.

Pagpapalain(B) ko ang magbibigay ng pagpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo; at sa pamamagitan mo ang lahat ng angkan sa lupa ay pagpapalain.”

Kaya't umalis si Abram ayon sa sinabi sa kanya ng Panginoon, at si Lot ay sumama sa kanya. Si Abram ay may pitumpu't limang taong gulang nang umalis siya sa Haran.

Isinama ni Abram si Sarai na kanyang asawa, at si Lot na anak ng kanyang kapatid, at ang lahat ng pag-aaring kanilang natipon at ang mga taong kanilang nakuha sa Haran; at umalis sila upang pumunta sa lupain ng Canaan at nakarating sila roon.

Dumaan sa lupain si Abram hanggang sa lugar ng Shekem, sa punong ensina ng More. Noon, ang mga Cananeo ay nasa lupaing iyon.

Nagpakita(C) ang Panginoon kay Abram, at sinabi, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong lahi.”[a] At siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na nagpakita sa kanya.

Mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silangan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kanyang tolda, na nasa kanluran ang Bethel, at nasa silangan ang Ai. Siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at tinawag ang pangalan ng Panginoon.

Si Abram ay patuloy na naglakbay hanggang sa Negeb.[b]

Si Abram sa Ehipto

10 Nagkagutom sa lupain kaya't bumaba si Abram sa Ehipto upang manirahan doon sapagkat mahigpit ang taggutom sa lupain.

11 Nang siya'y malapit na sa Ehipto, sinabi niya kay Sarai na kanyang asawa, “Alam kong ikaw ay isang babaing maganda sa paningin;

12 at kapag nakita ka ng mga Ehipcio ay kanilang sasabihin, ‘Ito'y kanyang asawa;’ at ako'y kanilang papatayin, subalit hahayaan ka nilang mabuhay.

13 Sabihin(D) mong ikaw ay aking kapatid upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang buhay ko'y makaligtas dahil sa iyo.”

14 Nang dumating si Abram sa Ehipto, nakita ng mga Ehipcio na ang babae ay napakaganda.

15 Nang makita siya ng mga pinuno ng Faraon, siya'y kanilang pinuri kay Faraon, at dinala ang babae sa bahay ng Faraon.

16 At pinagpakitaan niya ng magandang loob si Abram dahil kay Sarai at nagkaroon si Abram ng mga tupa, baka, lalaking asno, aliping lalaki at alilang babae, babaing asno, at mga kamelyo.

17 Subalit pinahirapan ng Panginoon ang Faraon at ang kanyang sambahayan ng malubhang salot dahil kay Sarai na asawa ni Abram.

18 Tinawag ng Faraon si Abram, at sinabi, “Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya'y iyong asawa?

19 Bakit mo sinabing, ‘Siya'y aking kapatid?’ na anupa't siya'y aking kinuha upang maging asawa. Kaya't ngayon, narito ang iyong asawa. Siya'y kunin mo at umalis ka.”

20 At nag-utos ang Faraon sa mga tao tungkol sa kanya, at siya'y kanilang inihatid sa daan, ang kanyang asawa, at ang lahat ng kanyang pag-aari.

Footnotes

  1. Genesis 12:7 Sa Hebreo ay binhi .
  2. Genesis 12:9 o Timog .

12 And the Lord said to Abram: Go forth out of thy country, and from thy kindred, and out of thy father's house, and come into the land which I shall shew thee.

And I will make of thee a great nation, and I will bless thee, and magnify thy name, and thou shalt be blessed.

I will bless them that bless thee, and curse them that curse thee, and IN THEE shall all the kindred of the earth be blessed:

So Abram went out as the Lord had commanded him, and Lot went with him: Abram was seventy-five years old when he went forth from Haran.

And he took Sarai his wife, and Lot his brother's son, and all the substance which they had gathered, and the souls which they had gotten in Haran: and they went out to go into the land of Chanaan. And when they were come into it,

Abram passed through the country into the place of Sichem, as far as the noble vale: now the Chanaanite was at that time in the land.

And the Lord appeared to Abram, and said to him: To thy seed will I give this land. And he built there an altar to the Lord, who had appeared to him.

And passing on from thence to a mountain, that was on the east side of Bethel, he there pitched his tent, having Bethel on the west, and Hai on the east; he built there also an altar to the Lord, and called upon his name.

And Abram went forward, going, and proceeding on to the south.

10 And there came a famine in the country; and Abram went down into Egypt, to sojourn there: for the famine was very grievous in the land.

11 And when he was near to enter into Egypt, he said to Sarai his wife: I know that thou art a beautiful woman:

12 And that when the Egyptians shall see thee, they will say: She is his wife: and they will kill me, and keep thee.

13 Say, therefore, I pray thee, that thou art my sister: that I may be well used for thee, and that my soul may live for thy sake.

14 And when Abram was come into Egypt, the Egyptians saw the woman that she was very beautiful.

15 And the princes told Pharao, and praised her before him: and the woman was taken into the house of Pharao.

16 And they used Abram well for her sake. And he had sheep and oxen, and he asses, and menservants and maidservants, and she asses, and camels.

17 But the Lord scourged Pharao and his house with most grievous stripes for Sarai, Abram's wife.

18 And Pharao called Abram, and said to him: What is this that thou hast done to me? Why didst thou not tell me that she was thy wife?

19 For what cause didst thou say, she was thy sister, that I might take her to my wife? Now, therefore, there is thy wife, take her, and go thy way.

20 And Pharao gave his men orders concerning Abram: and they led him away, and his wife, and all that he had.