Genesis 12
Ang Biblia (1978)
Ang tawag kay Abram.
12 Sinabi nga ng (A)Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo:
2 (B)At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran:
3 (C)At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: (D)at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.
4 Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon; at si Lot ay sumama sa kaniya: at si Abram ay may pitong pu't limang taon, nang umalis sa Haran.
5 Isinama ni Abram si Sarai na kaniyang asawa, at si Lot na anak ng kaniyang kapatid, at ang lahat ng pagaaring kanilang natipon (E)at ang mga taong kanilang nakuha (F)sa Haran; at nagsialis upang pasa lupain ng Canaan; at dumating sa lupain ng Canaan.
6 (G)At naglakbay sa lupain si Abram hanggang sa dako ng Sichem, (H)hanggang sa punong encina ng More. (I)At noo'y nasa lupaing yaon ang Cananeo,
7 At napakita ang Panginoon kay Abram, at nagsabi, (J)Sa iyong lahi ay ibibigay ko ang lupaing ito: at siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa Panginoon na napakita sa kaniya.
8 At mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silanganan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kaniyang tolda, na nasa kalunuran ang Bethel, at nasa silanganan ang Hai: (K)at siya'y nagtayo roon ng dambana sa Panginoon, at sinambitla ang pangalan ng Panginoon.
9 At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan.
Si Abram ay nanirahan sa Egipto.
10 (L)At nagkagutom sa lupaing yaon: at bumaba si Abram na nasok sa Egipto, upang manirahan doon; sapagka't mahigpit ang kagutom sa lupain.
11 At nangyari, nang siya'y malapit nang papasok sa Egipto, ay sinabi niya kay Sarai na kaniyang asawa, Narito, ngayon, talastas kong ikaw ay magandang babae sa tingin:
12 At mangyayari na pag makikita ka ng mga Egipcio, ay kanilang sasabihin, Ito'y kaniyang asawa; (M)at ako'y kanilang papatayin, datapuwa't kanilang ililigtas kang buhay.
13 Isinasamo ko sa iyo, na sabihin mong ikaw ay aking kapatid, upang ako'y mapabuti dahil sa iyo, at upang ang kaluluwa ko'y mabuhay dahil sa iyo.
14 At nangyari, nang pumasok si Abram sa Egipto, nakita ng mga Egipcio, na ang babae ay napakaganda.
15 At nakita siya ng mga prinsipe ni Faraon, at kanilang pinuri siya kay Faraon: at dinala ang babae sa bahay ni Faraon.
16 At pinagpakitaan nito ng magandang loob si Abram dahil sa kaniya: at nagkaroon si Abram ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga asno, at ng mga aliping lalake at mga alilang babae, at ng mga asna, at ng mga kamelyo,
17 (N)At sinalot ng Panginoon si Faraon at ang kaniyang sangbahayan, ng malaking pagsalot dahil kay Sarai na asawa ni Abram.
Pinaglalangan ni Abram si Faraon.
18 At tinawag ni Faraon si Abram, at sinabi, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo ipinahayag sa akin na siya'y iyong asawa?
19 Bakit sinabi mong siya'y aking kapatid? na ano pa't siya'y aking kinuha upang maging asawa: ngayon nga'y nariyan ang iyong asawa; siya'y kunin mo at yumaon ka.
20 At nagbilin si Faraon sa mga tao tungkol sa kaniya: at siya'y kanilang inihatid sa daan, at ang kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang pagaari.
Genesis 12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagtawag ng Dios kay Abram
12 Ngayon, sinabi ng Panginoon kay Abram, “Lisanin mo ang iyong bansa, ang mga kamag-anak mo, at kahit ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.
2 Gagawin kong isang tanyag na bansa ang lahi mo.
Pagpapalain kita at magiging tanyag ang iyong pangalan.
Sa pamamagitan mo, marami ang pagpapalain.
3 Pagpapalain ko ang magmamagandang loob sa iyo.
Pero isusumpa ko naman ang susumpa sa iyo.
Sa pamamagitan mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”
4-5 Kaya umalis si Abram sa Haran at pumunta sa Canaan, ayon sa sinabi ng Panginoon sa kanya. Nasa 75 taong gulang noon si Abram. Sumama sa kanya ang pamangkin niyang si Lot. Kasama rin niya ang asawa niyang si Sarai at ang lahat ng ari-arian at aliping natipon nila sa Haran.
6 Pagdating nila sa Canaan, nagpatuloy sila hanggang sa nakarating sa malaking puno[a] ng Moreh roon sa Shekem. (Nang panahong iyon, naroon pa ang mga Cananeo). 7 Pagkatapos, nagpakita ang Panginoon kay Abram at sinabi sa kanya, “Ang lupaing ito ay ibibigay ko sa mga lahi mo.” Kaya gumawa ng altar si Abram para sa Panginoon.
8 Mula roon, lumipat sila sa bundok na nasa silangan ng Betel, at doon sila nagtayo ng tolda, sa kalagitnaan ng Betel at Ai. Ang Betel ay nasa kanluran at ang Ai naman ay nasa silangan. Gumawa rin doon si Abram ng altar at sumamba sa Panginoon. 9 Hindi nagtagal, muli silang lumipat. Nagpatuloy sila sa paglalakbay papunta sa Negev.
Pumunta si Abram sa Egipto
10 Ngayon, nagkaroon ng matinding taggutom sa Canaan, kaya pumunta si Abram sa Egipto para roon muna manirahan. 11 Nang paparating na sila sa Egipto, sinabi ni Abram sa kanyang asawa, “Sarai, maganda kang babae. 12 Kapag nakita ka ng mga Egipcio, sasabihin nila na asawa kita, kaya papatayin nila ako para makuha ka nila. 13 Mabuti sigurong sabihin mo sa kanila na magkapatid tayo para hindi nila ako patayin at para maging mabuti ang pakikitungo nila sa akin dahil sa iyo.”
14 Kaya pagdating nila sa Egipto, nakita nga ng mga Egipcio ang kagandahan ni Sarai. 15 At nang makita siya ng mga opisyal ng Faraon,[b] sinabi nila sa hari kung gaano siya kaganda. Kaya dinala si Sarai roon sa palasyo. 16 Dahil kay Sarai, naging mabuti ang pakikitungo ng hari kay Abram at binigyan pa siya ng mga tupa, kambing, baka, asno, kamelyo at mga alipin.
17 Pero binigyan ng Panginoon ng nakakakilabot na karamdaman ang Faraon at ang mga tauhan niya sa palasyo dahil kay Sarai. 18 Nang malaman ng Faraon ang dahilan ng lahat ng ito, ipinatawag niya si Abram at tinanong, “Ano ba itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi na asawa mo pala siya? 19 Bakit mo sinabing magkapatid kayo? Kaya kinuha ko siya para maging asawa ko. Ngayon, heto ang asawa mo, kunin mo siya at umalis na kayo!” 20 Pagkatapos, nag-utos ang Faraon sa mga tauhan niya na paalisin na sila. Kaya dinala nila si Abram palabas ng lupain na iyon at pinaalis kasama ang asawa niya at ang lahat ng ari-arian niya.
Genesis 12
Expanded Bible
God Calls Abram
12 The Lord said to Abram, “Leave your country, your relatives, and your father’s ·family [L house], and go to the land I will show you [C Canaan, the Promised Land].
2 I will make you a great nation,
and I will bless you.
I will make ·you famous [L your name great],
·and [or so that] you will be a blessing to others.
3 I will bless those who bless you,
and I will place a curse on those who ·harm [or curse] you.
And all the ·people [families; clans] on earth
will be blessed through you [C the promises of the Abrahamic covenant].”
4 So Abram left Haran [11:31] as the Lord had told him, and Lot went with him. At this time Abram was 75 years old. 5 He took his wife Sarai, ·his nephew [L the son of his brother] Lot, and everything they owned, as well as all the ·servants [L people] they had gotten in Haran. They set out from Haran, planning to go to the land of Canaan, and in time they arrived there.
6 Abram ·traveled [passed] through that land as far as the great oak [or terebinth] tree of Moreh at Shechem [C a town in northern Palestine]. The Canaanites were living in the land at that time. 7 The Lord appeared to Abram and said, “I will give this land to your ·descendants [L seed].” So Abram built an altar [C a place to offer sacrifices] there to the Lord, who had appeared to him. 8 Then he traveled from Shechem to the mountain east of Bethel [C a town in the central hill country south of Shechem] and set up his tent there. Bethel was to the west, and Ai [C a town near Bethel] was to the east. There Abram built another altar to the Lord and ·worshiped him [L called on the name of the Lord]. 9 After this, he traveled on toward ·southern Canaan [L the Negev; 13:1].
Abram Goes to Egypt
10 At this time there was ·not much food [L a famine] in the land, so Abram went down to Egypt to ·live [L sojourn] because ·there was so little food [L the famine was severe]. 11 Just before they arrived in Egypt, he said to his wife Sarai, “I know you are a very beautiful woman. 12 When the Egyptians see you, they will say, ‘This woman is his wife.’ Then they will kill me but let you live. 13 Tell them you are my sister so that things will go well with me and I may be allowed to live because of you [20:1–18; 26; C Abram did not trust God to protect him].”
14 When Abram came to Egypt, the Egyptians saw that Sarai was very beautiful. 15 The Egyptian officers saw her and ·told the king of Egypt how beautiful she was [L they praised her]. They took her to the king’s palace, and 16 the king was kind to Abram ·because he thought Abram was her brother [L on account of her]. He gave Abram sheep, cattle, male and female donkeys, male and female servants, and camels.
17 But the Lord sent terrible ·diseases [plagues] on the king and all the people in his house because of Abram’s wife Sarai. 18 So the king sent for Abram and said, “What have you done to me? Why didn’t you tell me Sarai was your wife? 19 Why did you say, ‘She is my sister’ so that I made her my wife? Now, here is your wife. Take ·her [L your wife] and ·leave [go]!” 20 Then the king commanded his men to make Abram leave Egypt; so Abram and his wife left with everything they owned.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
The Expanded Bible, Copyright © 2011 Thomas Nelson Inc. All rights reserved.
