Add parallel Print Page Options

Ang Pagkikita ni Esau at ni Jacob

33 Nang tumanaw si Jacob, nakita niya si Esau na paparating kasama ang 400 lalaki. Kaya pinasama niya ang mga anak niya sa kani-kanilang ina. At pag-alis nila, pinauna niya ang dalawang aliping babae at ang mga anak nila, sumunod si Lea at ang mga anak niya, at si Raquel at ang anak niyang si Jose. Si Jacob ay nasa unahan nilang lahat at halos ilang beses[a] siyang yumukod habang papalapit siya sa kanyang kapatid.

Pero tumakbo si Esau para salubungin siya. Niyakap siya ni Esau at hinagkan, at umiyak silang dalawa. Nang makita ni Esau ang mga babae at ang mga bata, tinanong niya si Jacob, “Sino ang mga kasama mong iyan?”

Sumagot si Jacob, “Sila ang aking mga anak na ibinigay sa akin ng Dios dahil sa kanyang awa.”

Lumapit agad kay Esau ang dalawang alipin na babae at ang mga anak nila, at yumukod sila bilang paggalang sa kanya. Sumunod din si Lea at ang mga anak niya at yumukod. Ang huling lumapit at yumukod ay si Jose at ang ina niyang si Raquel.

Nagtanong pa si Esau kay Jacob, “Ano ba ang ibig sabihin ng mga grupo ng hayop na nasalubong ko?”

Sinabi ni Jacob, “Regalo ko iyon sa iyo para tanggapin mo ako.”

Pero sumagot si Esau, “Marami na ang ari-arian ko, kaya sa iyo na lang iyon.”

10 Pero nagpumilit si Jacob, “Sige na, tanggapin mo na iyon. Kung totoong pinatawad mo na ako, tanggapin mo na ang regalo ko sa iyo. Sapagkat nang makita ko ang mukha mo at madama ang magandang pagtanggap mo sa akin, para ko na ring nakita ang mukha ng Dios. 11 Tanggapin mo na ang regalo ko sa iyo dahil napakabuti ng Dios sa akin at hindi ako nagkulang sa mga pangangailangan ko.” Pinilit ni Jacob si Esau hanggang tanggapin na ni Esau ang mga regalo niya.

12 Pagkatapos, sinabi ni Esau, “Halika na, sabay na tayong umalis.”

13 Pero sumagot si Jacob, “Alam mong mabagal maglakad ang mga bata, at kailangan kong alagaan nang mabuti ang mga hayop na nagpapasuso. Kung pipilitin natin ang mga hayop na maglakad sa buong araw, baka mamatay sila. 14 Ang mabuti pa, mauna ka na lang sa amin. Susunod kami sa iyo ayon sa bilis ng mga bata at ng mga hayop na kasabay namin. Doon na lang tayo magkita sa Seir.”

15 Sinabi ni Esau, “Kung ganoon, ipapaiwan ko na lang ang iba kong mga tauhan sa iyo.”

Sumagot si Jacob, “Hindi na kailangan. Ang mahalaga pinatawad mo na ako.”

16 Kaya bumalik na lang si Esau sa Seir nang mismong araw na iyon. 17 Pero sina Jacob ay pumunta sa Sucot. Pagdating nila roon, gumawa si Jacob ng tirahan at ginawaan din niya ng silungan ang mga hayop niya. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Sucot.[b]

18 Hindi nagtagal, nakarating din sila sa Canaan mula sa Padan Aram[c] na walang masamang nangyari sa kanila. Nakarating sila sa lungsod na pagmamay-ari ni Shekem. Nagpatayo sila ng mga tolda nila malapit sa lungsod. 19 Ang lupaing pinagtayuan nila ng mga tolda ay binili ni Jacob sa mga anak ni Hamor sa halagang 100 pirasong pilak. Si Hamor ay ama ni Shekem. 20 Gumawa si Jacob ng altar na pinangalanan niyang El Elohe Israel.[d]

Footnotes

  1. 33:3 ilang beses: sa literal, pitong beses.
  2. 33:17 Sucot: Ang ibig sabihin, silungan.
  3. 33:18 Padan Aram: Tingnan ang 28:2.
  4. 33:20 El Elohe Israel: Ang ibig sabihin, Makapangyarihang Dios ng Israel.

33 Then, far in the distance, Jacob saw Esau coming with his 400 men. Jacob now arranged his family into a column, with his two concubines and their children at the head, Leah and her children next, and Rachel and Joseph last. Then Jacob went on ahead. As he approached his brother he bowed low seven times before him. And then Esau ran to meet him and embraced him affectionately and kissed him; and both of them were in tears!

Then Esau looked at the women and children and asked, “Who are these people with you?”

“My children,” Jacob replied. Then the concubines came forward with their children, and bowed low before him. Next came Leah with her children, and bowed, and finally Rachel and Joseph came and made their bows.

“And what were all the flocks and herds I met as I came?” Esau asked.

And Jacob replied, “They are my gifts, to curry your favor!”

“Brother, I have plenty,” Esau laughed. “Keep what you have.”

10 “No, but please accept them,” Jacob said, “for what a relief it is to see your friendly smile! I was as frightened of you as though approaching God![a] 11 Please take my gifts. For God has been very generous to me and I have enough.” So Jacob insisted, and finally Esau accepted them.

12 “Well, let’s be going,” Esau said. “My men and I will stay with you and lead the way.”

13 But Jacob replied, “As you can see,[b] some of the children are small, and the flocks and herds have their young, and if they are driven too hard, they will die. 14 So you go on ahead of us and we’ll follow at our own pace and meet you at Seir.”

15 “Well,” Esau said, “at least let me leave you some of my men to assist you and be your guides.”

“No,” Jacob insisted, “we’ll get along just fine. Please do as I suggest.”

16 So Esau started back to Seir that same day. 17 Meanwhile Jacob and his household went as far as Succoth. There he built himself a camp, with pens for his flocks and herds. (That is why the place is called Succoth, meaning “huts.”) 18 Then they arrived safely at Shechem, in Canaan, and camped outside the city. 19 (He bought the land he camped on from the family of Hamor, Shechem’s father, for 100 pieces of silver. 20 And there he erected an altar and called it “El-Elohe-Israel,” “The Altar to the God of Israel.”)

Footnotes

  1. Genesis 33:10 I was as frightened of you as though approaching God, literally, “forasmuch as I have seen your face as one sees the face of God.”
  2. Genesis 33:13 as you can see, implied.