Genesis 32:1-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Humanda si Jacob na Salubungin si Esau
32 Nagpatuloy si Jacob sa paglalakbay at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos. 2 Kaya't sinabi niya, “Ito ang hukbo ng Diyos,” kaya tinawag niyang Mahanaim[a] ang lugar na iyon.
3 Nagpadala siya ng mga sugo sa kapatid niyang si Esau sa lupain ng Seir, sa lupain ng Edom. 4 Ganito ang kanyang ipinasabi: “Ako si Jacob na abang lingkod mo. Matagal akong nanirahan sa Tiyo Laban at ngayon lamang ako uuwi. 5 Marami akong mga baka, asno, tupa, kambing at mga alipin. Pinauna ko ang mga sugong ito upang ipakiusap sa iyo na magkasundo na tayo.”
6 Pagbalik ng mga sugo, sinabi nila, “Nakausap po namin si Esau at ngayon po'y nasa daan na siya at may kasamang apatnaraang lalaki upang salubungin kayo.” 7 Natakot si Jacob at lubhang nabahala. Kaya't pinagdalawa niyang pangkat ang kanyang mga tauhan pati mga hayop 8 upang, kung salakayin sila ni Esau, ang isang pangkat ay makakatakas.
Read full chapterFootnotes
- 2 MAHANAIM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “dalawang kampo”.