Add parallel Print Page Options

Mula kay Pablo, isang bilanggo dahil kay Cristo Jesus, at mula kay Timoteo na ating kapatid—

Para kay Filemon, ang minamahal naming kamanggagawa, at(A) para sa iglesyang nagtitipon sa iyong bahay; kay Apia na aming[a] kapatid na babae at kay Arquipo na kapwa naming[b] kawal sa Panginoon.

Sumainyo nawa ang kagandahang-loob at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Pag-ibig at Pananampalataya ni Filemon

Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng hinirang ng Diyos, at gayundin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus. Idinadalangin kong ang pagkakabuklod natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng mas malalim na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo. Kapatid, ang pagmamahal mo ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo ay sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos.

Kahilingan para kay Onesimo

Kaya nga, bagaman bilang kapatid mo kay Cristo ay malakas ang loob kong iutos sana sa iyo ang nararapat gawin, mas minabuti kong makiusap sa iyo sa ngalan ng pag-ibig. Akong si Pablo, na sugo ni Cristo Jesus at ngayo'y nakabilanggo dahil sa kanya,[c] 10 ay(B) nakikiusap sa iyo para kay Onesimo na aking anak sa pananampalataya. Ako'y naging isang ama sa kanya habang ako'y nakabilanggo. 11 Dati, hindi mo mapakinabangan si Onesimo,[d] ngunit ngayo'y kapaki-pakinabang siya sa ating dalawa.

12 Pinababalik ko na siya sa iyo, kasama ang aking puso. 13 Nais ko sanang manatili siya sa aking piling upang siya ang maglingkod sa akin habang ako'y nakabilanggo dahil sa Magandang Balita, at sa gayon ay para na ring ikaw ang kasama ko rito. 14 Ngunit ayokong gawin iyon nang wala kang pahintulot upang maging kusa ang iyong pagtulong sa akin, at hindi sapilitan.

15 Marahil, nalayo sa iyo si Onesimo nang kaunting panahon upang sa pagbabalik niya'y makasama mo siya habang panahon, 16 hindi lamang bilang isang alipin kundi bilang isang minamahal na kapatid. Napamahal na siya sa akin, at lalo siyang mapapamahal sa iyo, ngayong hindi mo lamang siya alipin, kundi isa nang kapatid sa Panginoon!

17 Kaya't kung kinikilala mo akong tunay na kasama, tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin. 18 Kung siya ma'y nagkasala o nagkautang sa iyo, sa akin mo na ito singilin. 19 Akong si Pablo ang siyang sumusulat nito: AKO ANG MAGBABAYAD SA IYO. Hindi ko na dapat banggitin pa na utang mo sa akin ang iyong sarili. 20 Ipinapakiusap ko lamang sa iyo, alang-alang sa Panginoon, ipagkaloob mo na sa akin ito. Pasayahin mo ako bilang kapatid kay Cristo.

21 Lubos akong naniniwala na gagawin mo ang hinihiling ko sa sulat na ito, at maaaring higit pa rito. 22 Ipaghanda mo rin ako ng matutuluyan sapagkat umaasa akong loloobin ng Diyos na ako'y makabalik diyan, gaya ng inyong idinadalangin.

Pangwakas na Pagbati

23 Kinukumusta(C) ka ni Epafras na kasama kong nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus. 24 Kinukumusta(D) ka rin nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas, na mga kasama ko sa gawain.

25 Nawa'y sumainyo ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Footnotes

  1. Filemon 1:2 aming: o kaya'y ating .
  2. Filemon 1:2 naming: o kaya'y nating .
  3. Filemon 1:9 Akong si Pablo…sa kanya: o kaya’y Akong si Pablo ay matanda na, at ngayon ay isa ring bilanggo dahil kay Cristo Jesus .
  4. Filemon 1:11 ONESIMO: Sa wikang Griego, ang kahulugan ng pangalang Onesimo ay kapaki-pakinabang.

Si Pablo, na (A)bilanggo ni Cristo Jesus, at si (B)Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal (C)at kamanggagawa,

At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay (D)Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa (E)iglesia sa iyong bahay:

Sumainyo nawa ang (F)biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

(G)Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin,

Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, (H)at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal;

Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa (I)sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.

(J)Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't (K)ang mga puso ng mga banal ay (L)naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid.

Kaya, (M)bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol,

Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y (N)bilanggo ni Cristo Jesus:

10 Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, (O)na aking ipinanganak sa aking mga tanikala, si (P)Onesimo,

11 Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan, datapuwa't ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man:

12 Na siya'y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan, sa makatuwid baga'y, ang aking sariling puso:

13 Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling, upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa (Q)mga tanikala ng evangelio:

14 Datapuwa't kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan, kundi sa sariling kalooban.

15 Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man;

16 Na (R)hindi na alipin, kundi higit sa alipin, (S)isang kapatid na minamahal, lalong lalo na sa akin, nguni't gaano pa kaya sa iyo, na siya'y minamahal mo maging sa (T)laman at gayon din sa Panginoon.

17 (U)Kung ako nga ay inaari mong kasama, ay tanggapin mo siyang tila ako rin.

18 Nguni't kung siya'y nagkasala sa iyo ng anoman, o may utang sa iyong anoman, ay ibilang mo sa akin;

19 Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay, ay siyang magbabayad sa iyo: hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin.

20 Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: (V)panariwain mo ang aking puso kay Cristo.

21 Kita'y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima, palibhasa'y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi.

22 Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan: sapagka't inaasahan kong (W)sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo.

23 Binabati (X)ka ni (Y)Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus;

24 At gayon din ni (Z)Marcos, ni (AA)Aristarco, ni (AB)Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.

25 (AC)Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.