Ezekiel 9
Magandang Balita Biblia
Ang Pagpuksa sa Masasama
9 Sumigaw si Yahweh, “Halikayo, mga itinalaga upang magpahirap sa lunsod. Dalhin ninyo ang inyong mga sandata.” 2 Mula sa pintuan sa hilaga ay pumasok ang anim na taong tigi-tig-isa ng sandata. May kasama silang nakasuot ng kayong lino at may panulat sa baywang. Tumayo sila sa may altar na tanso.
3 Noon, ang kaluwalhatian ni Yahweh na nasa pagitan ng mga kerubin ay tumaas papunta sa pasukan ng Templo. Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng telang lino at may panulat sa baywang. 4 Sinabi(A) niya rito, “Libutin mo ang lunsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tatak sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon.” 5 Sa iba naman ay narinig kong sinabi niya, “Sumunod kayo sa kanya at patayin ninyo ang mga tagaroon. Huwag kayong magtitira 6 maliban sa mga may tanda sa noo. Patayin ninyong lahat ang mga tagaroon: matanda, binata, dalaga, babae at bata. Umpisahan ninyo sa santuwaryo.” Inuna nga nilang patayin ang matatandang pinuno ng bayan sa harap ng bahay. 7 Sinabi niya sa kanila, “Parumihin ninyo ang Templo at punuin ninyo ng bangkay ang patyo. Sige, umpisahan n'yo na!” Lumakad nga sila at pumatay nang pumatay sa lunsod. 8 Ako'y naiwang mag-isa.
Habang pumapatay sila, nagpatirapa ako at nanangis. Sinabi ko, “Panginoong Yahweh, aking Diyos, dahil ba sa galit mo sa Jerusalem ay uubusin mo ang nalalabing Israelita?”
9 Sinabi niya sa akin, “Napakalaki ng pagkakasala ng Israel at ng Juda. Dumadanak ang dugo sa lupain. Nawawala ang katarungan. Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita sapagkat umalis na ako sa lupain. 10 Kaya, pagbabayarin ko sila sa ginagawa nila. Wala akong patatawarin ni isa man sa kanila.”
11 At bumalik ang lalaking nakasuot ng telang lino, at sinabi kay Yahweh, “Nagawa ko na po ang ipinagagawa ninyo sa akin.”
Ezekiel 9
New International Version
Judgment on the Idolaters
9 Then I heard him call out in a loud voice, “Bring near those who are appointed to execute judgment on the city, each with a weapon in his hand.” 2 And I saw six men coming from the direction of the upper gate, which faces north, each with a deadly weapon in his hand. With them was a man clothed in linen(A) who had a writing kit at his side. They came in and stood beside the bronze altar.
3 Now the glory(B) of the God of Israel went up from above the cherubim,(C) where it had been, and moved to the threshold of the temple. Then the Lord called to the man clothed in linen who had the writing kit at his side 4 and said to him, “Go throughout the city of Jerusalem(D) and put a mark(E) on the foreheads of those who grieve and lament(F) over all the detestable things that are done in it.(G)”
5 As I listened, he said to the others, “Follow him through the city and kill, without showing pity(H) or compassion.(I) 6 Slaughter(J) the old men, the young men and women, the mothers and children,(K) but do not touch anyone who has the mark.(L) Begin at my sanctuary.” So they began with the old men(M) who were in front of the temple.(N)
7 Then he said to them, “Defile the temple and fill the courts with the slain.(O) Go!” So they went out and began killing throughout the city. 8 While they were killing and I was left alone, I fell facedown,(P) crying out, “Alas, Sovereign Lord!(Q) Are you going to destroy the entire remnant of Israel in this outpouring of your wrath(R) on Jerusalem?(S)”
9 He answered me, “The sin of the people of Israel and Judah is exceedingly great; the land is full of bloodshed and the city is full of injustice.(T) They say, ‘The Lord has forsaken the land; the Lord does not see.’(U) 10 So I will not look on them with pity(V) or spare them, but I will bring down on their own heads what they have done.(W)”
11 Then the man in linen with the writing kit at his side brought back word, saying, “I have done as you commanded.”
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.