Ezekiel 33
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Tungkulin ng Bantay
33 Sinabi sa akin ni Yahweh, 2 “Ezekiel, anak ng tao, ito ang sabihin mo sa iyong mga kababayan: Kapag ipinasasalakay ko ang isang bayan, sila ay kailangang pumili ng isang bantay. 3 Kapag natanawan nito ang sasalakay sa kanila, hihipan niya ang trumpeta bilang babala sa mga tao. 4 Sinumang makarinig sa babala ngunit nagsawalang-bahala at napatay ng mga kaaway, walang pananagutan ang bantay sa kanilang kamatayan. 5 Kasalanan na nila kung mamatay sila sapagkat hindi nila pinansin ang babala; maliligtas sana sila kung sila'y nakinig. 6 Ngunit kung hindi hinipan ng bantay ang trumpeta pagkakita niya sa mga sasalakay at may napatay na kanyang kababayan, ito ay pananagutan niya.
7 “Ikaw, Ezekiel, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila bilang babala. 8 Kapag sinabi ko sa taong masama na siya'y mamamatay at di mo ito ipinaalam sa kanya upang makapagbagong-buhay, mamamatay nga siya sa kanyang kasamaan ngunit pananagutan mo ang kanyang kamatayan. 9 Ngunit kapag binigyan mo ng babala ang masama gayunma'y hindi pa rin ito nagbagong-buhay, mamamatay siyang makasalanan ngunit wala kang dapat panagutan.”
Tungkulin ng Bawat Isa
10 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, sabihin mo sa mga Israelita ang inuulit-ulit nilang sila'y nagumon na sa kasamaan kaya hindi na sila mabubuhay. 11 Sabihin mong ipinapasabi ko na akong si Yahweh, ang buháy na Diyos, ay hindi nasisiyahan na ang sinuma'y mamatay sa kanyang kasamaan; nais kong siya'y magbagong-buhay. Sabihin mo ngang magbagong-buhay sila pagkat di sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan. 12 Ezekiel, anak ng tao, sabihin mo rin sa iyong mga kababayan na ang dating kabutihan ng matuwid ay hindi makakapagligtas sa kanila kung magpakasama sila. Kung ang masama ay magpakabuti, hindi siya paparusahan. Ngunit kung ang mabuti ay magpakasama, paparusahan siya. 13 Sinabi ko nga na ang matuwid ay mabubuhay subalit kung magtitiwala siya sa kanyang kabutihan at nagpakasama, mawawalan ng kabuluhan ang kanyang kabutihan; mamamatay siya sa kasamaang kanyang ginawa. 14 Tungkol sa masama, sinabi kong siya ay mamamatay. Gayunman, kapag tinalikuran niya ang kasamaan at nagbagong-buhay, 15 tumupad sa kanyang pangako, isinauli ang kanyang mga ninakaw, sumunod sa mga tuntunin ng buhay, at hindi na gumawa ng anumang kasamaan, siya ay mabubuhay. 16 Hindi na aalalahanin ang dati niyang kasamaan. At dahil sa kanyang pagpapakabuti, mabubuhay siya.
17 “Ezekiel, sinasabi ng iyong mga kababayan na hindi makatarungan ang ginagawa ko gayong ang pamumuhay nila ang hindi tama. 18 Mamamatay ang matuwid na magpakasama 19 ngunit ang masamang magbagong-buhay at gumawa ng mabuti ay mabubuhay. 20 Gayunma'y sinasabi ninyong hindi matuwid ang aking ginagawa. Mga Israelita, hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga gawa.”
Ang Pagbagsak ng Jerusalem
21 Nang(A) ikalimang araw ng ikasampung buwan ng ikalabindalawang taon ng aming pagkabihag, isang pugante mula sa Jerusalem ang nagsabi sa akin, “Wasak na ang Jerusalem.” 22 Umaga nang dumating sa akin ang balita. Noong gabi bago ito dumating, nadama ko ang kamay ni Yahweh. Hinipo niya ang aking bibig at ako'y nakapagsalita.
Ang Kasamaan ng mga Tao
23 Sinabi sa akin ni Yahweh, 24 “Ezekiel, anak ng tao, sinasabi ng mga naninirahan sa wasak na lunsod ng Israel na nag-iisa si Abraham nang ibigay sa kanya ang lupaing ito. Ngayong marami na sila ay kanila na ang lupaing iyon. 25 Sabihin mong ipinapasabi ko: Kumain kayo ng karneng may dugo, sumamba sa mga diyus-diyosan, at pumatay ng tao; sa kabila ba nito'y inaasahan pa ninyong mapapasa-inyo ang lupaing ito? 26 Nanalig kayo sa talim ng tabak, gumawa ng kasuklam-suklam na mga bagay at sinipingan ang asawa ng inyong kapwa; sa kabila ba nito'y inaasahan pa rin ninyong kamtin ang lupain? 27 Sabihin mong ipinapasabi ko na papatayin sa tabak ang lahat ng naninirahan sa wasak na lunsod. Ipalalapa naman sa mga hayop ang nasa kaparangan, at papatayin sa salot ang mga nasa tanggulan at mga taguan. 28 Sisirain ko ang buong lupain, at aalisin ang kapangyarihang ipinagmamalaki nila. Ang matataas na lugar ng Israel ay gagawin kong dakong mapanglaw anupa't ni walang magnanais dumaan doon. 29 Kung mawasak ko na ang buong lupain dahil sa kasuklam-suklam nilang gawain, makikilala nilang ako si Yahweh.”
Ang Bunga ng Pahayag ng Propeta
30 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, nagsasama-sama ang iyong mga kababayan at pinag-uusapan ka sa mga baybay pader at mga pintuan. Sinasabi nila sa isa't isa, ‘Halikayo at tingnan natin kung ano ang ipinapasabi ni Yahweh.’ 31 Sama-sama nga silang pupunta sa iyo upang pakinggan ka ngunit hindi naman nila isasagawa ang kanilang maririnig. Pupurihin nila ang iyong sinasabi ngunit kasakiman din ang maghahari sa kanila. 32 Ituturing ka lamang nilang isang mahusay na mang-aawit at batikang manunugtog. Makikinig sila sa iyo ngunit di naman isasagawa ang kanilang maririnig. 33 Kapag nangyari na ang sinasabi mo sapagkat tiyak namang mangyayari, malalaman nilang may isang propeta ngang nagsabi nito sa kanila.”
Ezekiel 33
Ang Biblia, 2001
Ang Tungkulin ng Bantay(A)
33 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2 “Anak ng tao, magsalita ka sa iyong mga kababayan, at sabihin mo sa kanila, Kapag aking dinala ang tabak sa lupain, at ang taong-bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalaki sa gitna nila bilang bantay nila;
3 at kung makita ng bantay na dumarating ang tabak sa lupain at kanyang hipan ang trumpeta at bigyan ng babala ang taong-bayan;
4 sinumang makarinig ng tunog ng trumpeta at hindi pinansin ang babala, at ang tabak ay dumating at mapatay siya, ang kanyang dugo ay mapapasa-kanyang sariling ulo.
5 Narinig niya ang tunog ng trumpeta at hindi niya pinansin; ang kanyang dugo ay sasakanya. Ngunit kung kanyang pinansin, ay nailigtas sana niya ang kanyang buhay.
6 Ngunit kung makita ng bantay na dumarating ang tabak at hindi humihip ng trumpeta, at ang taong-bayan ay hindi nabigyan ng babala, at ang tabak ay dumating, at pinatay ang sinuman sa kanila; ang taong iyon ay kinuha sa kanyang kasamaan, ngunit ang kanyang dugo ay sisingilin ko sa kamay ng bantay.
7 “Kaya't ikaw, anak ng tao, inilagay kitang bantay sa sambahayan ni Israel; tuwing maririnig mo ang salita mula sa aking bibig, bigyan mo sila ng babala mula sa akin.
8 Kapag aking sinabi sa masama, O masamang tao, ikaw ay tiyak na mamamatay, at ikaw ay hindi nagsalita upang bigyang babala ang masama sa kanyang lakad, ang masamang iyon ay mamamatay sa kanyang kasamaan, ngunit ang kanyang dugo ay sisingilin ko sa iyong kamay.
9 Ngunit kung iyong bigyan ng babala ang masama upang tumalikod sa kanyang lakad at hindi siya tumalikod sa kanyang lakad, mamamatay siya sa kanyang kasamaan, ngunit iniligtas mo ang iyong buhay.
Tungkulin ng Bawat Isa
10 “At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sambahayan ni Israel, Ganito ang iyong sinabi: ‘Ang aming mga pagsuway at mga kasalanan ay nasa amin, at nanghihina kami dahil sa mga ito; paano ngang kami ay mabubuhay?’
11 Sabihin mo sa kanila, Kung paanong buháy ako, sabi ng Panginoong Diyos, wala akong kasiyahan sa kamatayan ng masama, kundi ang masama ay tumalikod sa kanyang lakad at mabuhay. Manumbalik kayo, manumbalik kayo mula sa inyong masasamang lakad; sapagkat bakit kayo mamamatay, O sambahayan ni Israel?
12 At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa iyong bayan, Ang pagiging matuwid ng taong matuwid ay hindi makapagliligtas sa kanya sa araw ng kanyang pagsuway. At tungkol sa kasamaan ng taong masama, hindi siya mabubuwal sa pamamagitan niyon kapag siya'y tumalikod sa kanyang kasamaan; at ang matuwid ay hindi mabubuhay sa kanyang pagiging matuwid kapag siya'y nagkakasala.
13 Bagaman aking sinabi sa matuwid na siya'y tiyak na mabubuhay; gayunma'y kung siya'y nagtitiwala sa kanyang pagiging matuwid at gumawa ng kasamaan, anuman sa kanyang matutuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kasamaan na kanyang nagawa ay mamamatay siya.
14 Ngunit, bagaman aking sinabi sa masama, ‘Ikaw ay tiyak na mamamatay;’ ngunit kung iwan niya ang kanyang kasalanan, at gawin ang ayon sa katarungan at katuwiran;
15 kung isauli ng masama ang sangla, ibalik ang kinuha sa pagnanakaw, at lumakad sa tuntunin ng buhay, na di gumagawa ng kasamaan, siya'y tiyak na mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
16 Wala sa alinman sa mga kasalanan na kanyang nagawa ang aalalahanin laban sa kanya; kanyang ginawa ang ayon sa katarungan at katuwiran; siya'y tiyak na mabubuhay.
17 “Gayunma'y sinasabi ng iyong bayan, ‘Ang daan ng Panginoon ay hindi makatarungan;’ gayong ang kanilang daan ang hindi makatarungan.
18 Kapag iniwan ng matuwid ang kanyang pagiging matuwid, at gumawa ng kasamaan, kanyang ikamamatay iyon.
19 Kung tumalikod ang masama sa kanyang kasamaan, at gawin ang ayon sa katarungan at katuwiran, kanyang ikabubuhay iyon.
20 Gayunma'y inyong sinasabi, ‘Ang daan ng Panginoon ay hindi makatarungan.’ O sambahayan ni Israel, aking hahatulan ang bawat isa sa inyo ayon sa kanyang mga lakad.”
Ang Pagbagsak ng Jerusalem
21 Nang(B) ikalimang araw ng ikasampung buwan ng ikalabindalawang taon ng ating pagkabihag, isang tao na nakatakas mula sa Jerusalem ang dumating sa akin, at nagsabi, “Ang lunsod ay bumagsak.”
22 Ang kamay ng Panginoon ay sumaakin nang kinagabihan bago dumating ang nakatakas. At binuksan niya ang aking bibig kinaumagahan nang panahong dumating sa akin ang nakatakas. Kaya't ang aking bibig ay nabuksan at hindi na ako pipi.
Ang Kasamaan ng mga Tao
23 Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
24 “Anak ng tao, ang mga naninirahan sa mga gibang dakong iyon ng lupain ng Israel ay patuloy na nagsasabi, ‘Si Abraham ay iisa lamang, ngunit kanyang naging pag-aari ang lupain. Ngunit tayo'y marami; ang lupain ay tiyak na ibinigay sa atin upang angkinin!’
25 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kayo'y nagsisikain ng lamang may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diyus-diyosan, at nagpapadanak ng dugo; inyo bang aariin ang lupain?
26 Kayo'y nagtitiwala sa tabak, kayo'y gumagawa ng kasuklamsuklam, at dinudungisan ng bawat isa sa inyo ang asawa ng kanyang kapwa; inyo bang aariin ang lupain?
27 Sabihin mo ang ganito sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kung paanong ako'y nabubuhay, tiyak na yaong mga nasa sirang dako ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at siyang nasa parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin; at silang nasa mga muog at sa mga yungib ay mamamatay sa salot.
28 Aking gagawing wasak at giba ang lupain, at ang kanyang palalong kapangyarihan ay magwawakas, at ang mga bundok ng Israel ay masisira anupa't walang daraan doon.
29 Kung magkagayo'y malalaman nila na ako ang Panginoon, kapag aking ginawang wasak at giba ang lupain dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na ginawa.
Ang Bunga ng Pahayag ng Propeta
30 “At tungkol sa iyo, anak ng tao, ang iyong bayan na sama-samang nag-uusap tungkol sa iyo sa tabi ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, na nagsasabi sa bawat isa sa kanyang kapatid, ‘Pumarito ka, at pakinggan mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon.’
31 Dumating sila sa iyo na gaya ng pagdating ng bayan, at sila'y nagsisiupo sa harapan mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinirinig ang iyong mga salita, ngunit hindi nila ginagawa. Sapagkat sa pamamagitan ng kanilang mga labi ay nagpapakita sila ng malaking pag-ibig, ngunit ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.
32 Narito, ikaw ay parang umaawit sa kanila ng mga awit ng pag-ibig na may magandang tinig, nakatutugtog na mabuti sa panugtog; kanilang naririnig ang iyong sinasabi, ngunit hindi nila iyon gagawin.
33 At kapag ito'y nangyari,—at ito'y darating—kanilang malalaman na isang propeta ang napasa gitna nila.”
Ezekiel 33
Amplified Bible, Classic Edition
33 And the word of the Lord came to me, saying,
2 Son of man, speak to your people [the Israelite captives in Babylon] and say to them, When I bring the sword upon a land and the people of the land take a man from among them and make him their watchman,
3 If when he sees the sword coming upon the land, he blows the trumpet and warns the people,
4 Then whoever hears the sound of the trumpet and does not take warning, and the sword comes and takes him away, his blood shall be upon his own head.
5 He heard the sound of the trumpet and did not take warning; his blood shall be upon himself. But he who takes warning shall save his life.
6 But if the watchman sees the sword coming and does not blow the trumpet and the people are not warned, and the sword comes and takes any one of them, he is taken away in and for his perversity and iniquity, but his blood will I require at the watchman’s hand.
7 So you, son of man, I have made you a watchman for the house of Israel; therefore hear the word at My mouth and give them warning from Me.
8 When I say to the wicked, O wicked man, you shall surely die, and you do not speak to warn the wicked from his way, that wicked man shall die in his perversity and iniquity, but his blood will I require at your hand.
9 But if you warn the wicked to turn from his evil way and he does not turn from his evil way, he shall die in his iniquity, but you will have saved your life.
10 And you, son of man, say to the house of Israel, Thus you have said: Truly our transgressions and our sins are upon us, and we waste away because of them; how then can we live?
11 Say to them, As I live, says the Lord God, I have no pleasure in the death of the wicked, but rather that the wicked turn from his way and live. Turn back, turn back from your evil ways, for why will you die, O house of Israel?
12 And you, son of man, say to your people, The uprightness and justice of the [uncompromisingly] righteous shall not deliver him in the day of his transgression; and as for the wicked lawlessness of the wicked lawless, he shall not fall because of it in the day that he turns from his wickedness, neither shall the rigidly upright and just be able to live because of his past righteousness in the day that he sins and misses the mark [in keeping in harmony and right standing with God].
13 When I shall say to the [uncompromisingly] righteous that he shall surely live, and he trusts to his own righteousness [to save him] and commits iniquity (heinous sin), all his righteous deeds shall not be [seriously] remembered; but for his perversity and iniquity that he has committed he shall die.
14 Again, when I have said to the wicked, You shall surely die, if he turns from his sin and does that which is lawful and right—
15 If the wicked restores [what he took in] pledge, gives back what he had taken in robbery, walks in the statutes of life [right relationship with God], without committing iniquity, he shall surely live; he shall not die.
16 None of his sins that he has committed shall be [seriously] remembered against him; he has done that which is lawful and right; he shall surely live.
17 Yet your people say, The way of the Lord is not perfect or even just; but as for them, it is their own way that is not perfect or even just.
18 When the righteous turns back from his [uncompromising] righteousness and commits perverseness and iniquity, he shall even die in and because of it.
19 But if the wicked turns back from his wickedness and does what is lawful and right, he shall live because of it.
20 Yet you say, The way of the Lord is not perfect or [even] just. O you house of Israel, I will judge you, every one according to his own ways!
21 In the twelfth year of our captivity [in Babylon], in the tenth [month], on the fifth [day] of the month, a man who had escaped out of Jerusalem came to me [Ezekiel], saying, The city [Jerusalem] is taken.
22 Now the hand of the Lord had been upon me in the evening before this one who had escaped came, and He had opened my mouth [in readiness for the fugitives] coming to me in the morning, and my mouth was opened and I was no longer dumb.
23 Then the word of the Lord came to me, saying,
24 Son of man, those [back in Palestine] who inhabit those wastes of the ground of Israel are saying, Abraham was only one man and he inherited the land, but we are many; the land is surely given to us to possess as our inheritance.
25 Therefore say to them, Thus says the Lord God: You eat meat with the blood [as an idolatrous rite] and lift up your eyes to your [filthy] idols and shed blood; shall you then possess the land?(A)
26 You stand upon your sword [as your dependence]; you commit abominations and each of you defiles your neighbor’s wife; shall you then possess the land?
27 Say this to them, Thus says the Lord God: As I live, surely those who are in the waste places shall fall by the sword, and him that is in the open field will I give to the beasts to be devoured, and those who are in strongholds and in caves shall die by pestilence.
28 And I will make the land [of Israel] a desolation and a waste, and her proud might shall cease, and the mountains of Israel shall be so desolate that no one will pass through them.
29 Then shall they know, understand, and realize that I am the Lord, when I have made the land a desolation and a waste because of all their abominations which they have committed.
30 As for you, son of man, your people who talk of you by the walls and in the doors of the houses say one to another, every one to his brother, Come and hear what the word is that comes forth from the Lord.
31 And they come to you as people come, and they sit before you as My people, and they hear the words you say, but they will not do them; for with their mouths they show much love, but their hearts go after and are set on their [idolatrous greed for] gain.
32 Behold, you are to them as a very lovely [love] song of one who has a pleasant voice and can play well on an instrument, for they hear your words but do not do them.
33 When this comes to pass—for behold, it will come!—then shall they know, understand, and realize that a prophet has been among them.
Copyright © 1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation

