Add parallel Print Page Options

Ang katulad ng pagkakabihag.

12 Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, ikaw ay tumatahan sa gitna ng mapanghimagsik na sangbahayan, na (A)may mga mata na maititingin, at hindi nagsisitingin, na may mga pakinig na maipakikinig, at hindi nangakikinig; sapagka't sila'y isang mapanghimagsik na sangbahayan.

Kaya't ikaw na anak ng tao, maghanda ka ng daladalahan sa paglipat, at ikaw ay lumipat sa araw sa kanilang paningin; at ikaw ay lumipat mula sa iyong dako hanggang sa ibang dako sa kanilang paningin: baka sakaling sila'y magbulay, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.

At iyong ilalabas ang iyong daladalahan sa araw sa kanilang paningin, na parang daladalahan sa paglipat; at ikaw ay lalabas sa hapon sa kanilang paningin, na gaya ng kung ang mga tao ay nangapasasa pagkatapon.

Bumutas ka sa pader sa kanilang paningin, at iyong ilabas doon.

Sa kanilang paningin ay iyong papasanin sa iyong balikat, at ilalabas sa pagdilim; iyong tatakpan ang iyong mukha, upang huwag mong makita ang lupa: (B)sapagka't inilagay kita na pinakatanda sa sangbahayan ni Israel.

At aking ginawang gayon na gaya ng iniutos sa akin: aking inilabas ang aking daladalahan sa araw, na gaya ng daladalahan sa paglipat, at sa hapon ay bumutas ako ng aking kamay sa pader; aking inilabas sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat sa kanilang paningin.

At nang kinaumagahan ay dumating ang salita ng Panginoon sa akin, na nagsasabi,

Anak ng tao, hindi baga ang sangbahayan ni Israel na mapanghimagsik na sangbahayan, ay nagsabi sa iyo, (C)Anong ginagawa mo?

10 Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (D)Ang hulang ito ay tungkol sa prinsipe sa Jerusalem, at sa buong sangbahayan ni Israel na kinalalakipan nila.

11 Sabihin mo, Ako'y inyong tanda: (E)kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila: sila'y mapapasa pagkatapon, sa pagkabihag.

12 At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata.

13 Ang akin namang panilo ay aking (F)ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at (G)aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; (H)gayon ma'y hindi niya makikita, (I)bagaman siya'y mamamatay roon.

14 At aking pangangalatin sa bawa't dako (J)ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at (K)aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.

15 At kanilang malalaman na ako (L)ang Panginoon, pagka sila'y aking pinanabog sa gitna ng mga bansa, at aking pinangalat sa mga lupain.

16 Nguni't (M)magiiwan ako ng kaunting lalake sa kanila, na maiiwan ng tabak, ng kagutom, at ng salot, upang kanilang maipahayag ang lahat na kanilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

17 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

18 Anak ng tao, kanin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot;

19 At sabihin mo sa bayan ng lupain, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa lupain ng Israel. Sila'y magsisikain ng kanilang tinapay na may pagkatakot, at nanglulupaypay na iinom ng tubig, upang ang kaniyang lupain ay masira na mawawalan ng lahat na nandoon, (N)dahil sa pangdadahas nilang lahat na nagsisitahan doon.

20 At ang mga bayan na tinatahanan ay mawawasak, at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

21 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

22 Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na sinasambit ninyo sa lupain ng Israel, na sinasabi, Ang mga kaarawan ay (O)tumatagal, at ang bawa't pangitain ay nabubulaanan?

23 Saysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking papaglilikatin ang kawikaang ito, at hindi na sasambitin pang parang kawikaan sa Israel; kundi sabihin mo nga sa kanila, Ang mga kaarawan ay malapit na, at ang pagtupad ng lahat na pangitain.

24 Sapagka't (P)hindi na magkakaroon pa ng walang kabuluhang (Q)pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sangbahayan ni Israel.

25 Sapagka't ako ang Panginoon: ako'y magsasalita, at ang salita na aking sasalitain (R)ay matutupad: hindi na magluluwat pa: sapagka't sa inyong mga kaarawan, Oh mapanghimagsik na sangbahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Dios.

26 Muling ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

27 Anak ng tao, narito, silang nasa sangbahayan ni Israel ay nagsasabi, (S)Ang pangitain na kaniyang nakikita ay sa malaong mga araw na darating, at nanghuhula ng mga panahong malayo.

28 Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Wala nang magluluwat pa sa aking mga salita, kundi ang salita na aking sasalitain ay matutupad, sabi ng Panginoon.

Inilarawan ni Ezekiel ang Paglaya ng Israel

12 Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

“Anak(A) ng tao, ikaw ay naninirahan sa gitna ng isang mapaghimagsik na sambahayan na may mga mata upang makakita, ngunit hindi nakakakita; na may mga tainga upang makarinig, ngunit hindi makarinig; sapagkat sila'y isang mapaghimagsik na sambahayan.

Dahil dito, anak ng tao, maghanda ka ng dala-dalahan ng bihag. Habang maliwanag pa ang araw ay pumunta ka sa pagkabihag na nakikita nila. Ikaw ay lalakad na gaya ng bihag mula sa iyong lugar hanggang sa ibang lugar na nakikita nila. Baka sakaling kanilang maunawaan ito, bagaman sila'y isang mapaghimagsik na sambahayan.

Ilalabas mo ang iyong dala-dalahan kapag araw na nakikita nila, bilang dala-dalahan sa pagkabihag. Ikaw ay lalabas sa hapon na kanilang nakikita na gaya ng mga tao na dapat tumungo sa pagkabihag.

Bumutas ka sa pader na nakatingin sila at lumabas ka sa pamamagitan niyon.

Habang nakatingin sila ay iyong papasanin ang dala-dalahan sa iyong balikat, at dadalhing papalabas sa dilim. Tatakpan mo ang iyong mukha upang hindi mo makita ang lupa: sapagkat ginawa kitang isang tanda sa sambahayan ni Israel.”

At aking ginawa ang ayon sa iniutos sa akin. Inilabas ko ang aking dala-dalahan nang araw, na gaya ng dala-dalahan sa pagkabihag, at nang hapon ay bumutas ako sa pader sa pamamagitan ng aking kamay. Lumabas ako sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat ang aking kagamitan habang sila'y nakatingin.

Kinaumagahan, dumating ang salita ng Panginoon sa akin, na sinasabi,

“Anak ng tao, hindi ba ang sambahayan ni Israel, ang mapaghimagsik na sambahayan, ay nagsabi sa iyo, ‘Anong ginagawa mo?’

10 Sabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ang pahayag na ito ay tungkol sa pinuno ng Jerusalem at sa buong sambahayan ni Israel na nasa gitna nila.’

11 Sabihin mo, ‘Ako'y inyong tanda: kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila; sila'y patungo sa pagkabihag, sa pagkatapon.’

12 Ang pinuno na nasa gitna nila ay magpapasan ng kanyang dala-dalahan sa kanyang balikat sa dilim, at lalabas. Bubutasin nila ang pader at lalabas doon. Siya'y magtatakip ng kanyang mukha, upang hindi niya makita ang lupa.

13 At(B) ilaladlad ko ang aking lambat sa ibabaw niya, at siya'y mahuhuli sa aking bitag. Aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; gayunma'y hindi niya ito makikita, at siya'y mamamatay doon.

14 Aking pangangalatin sa bawat dako ang lahat ng nasa palibot niya, ang kanyang mga katulong, at ang lahat niyang mga pulutong. At aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.

15 Kanilang malalaman na ako ang Panginoon, kapag sila'y aking pinangalat sa gitna ng mga bayan at mga bansa.

16 Ngunit hahayaan kong makatakas sa tabak ang ilan sa kanila, sa taggutom at sa salot, upang kanilang maipahayag ang lahat nilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”

Ang Tanda ng Panginginig ng Propeta

17 Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi:

18 “Anak ng tao, kainin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot.

19 At sabihin mo sa mga mamamayan ng lupain, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos tungkol sa mga naninirahan sa Jerusalem sa lupain ng Israel: Kanilang kakainin na may pagkatakot ang kanilang tinapay, at nanlulupaypay na iinom ng kanilang tubig, sapagkat ang kanyang lupain ay mawawalan ng lahat nitong laman dahil sa karahasan ng lahat ng naninirahan doon.

20 Ang mga lunsod na tinitirhan ay mawawasak at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.’”

Ang mga Palasak na Kasabihan

21 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

22 “Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na mayroon ka tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, ‘Ang mga araw ay tumatagal, at ang bawat pangitain ay nawawalang kabuluhan’?

23 Kaya't sabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Wawakasan ko ang kawikaang ito, at hindi na gagamitin pang kawikaan sa Israel.’ Ngunit sabihin mo sa kanila, ‘Ang mga araw ay malapit na, at ang katuparan ng bawat pangitain.

24 Sapagkat hindi na magkakaroon pa ng anumang huwad na pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sambahayan ni Israel.

25 Sapagkat ako na Panginoon ay magsasalita ng salita na aking sasalitain, at ito ay matutupad. Hindi na ito magtatagal pa, ngunit sa inyong mga araw, O mapaghimagsik na sambahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Diyos.’”

26 Ang salita ng Panginoon ay muling dumating sa akin, na sinasabi,

27 “Anak ng tao, narito, silang nasa sambahayan ni Israel ay nagsasabi, ‘Ang pangitain na kanyang nakikita ay sa darating pang maraming mga araw, at siya'y nagsasalita ng propesiya sa mga panahong malayo.’

28 Kaya't sabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Hindi na magtatagal pa ang aking mga salita, kundi ang salita na aking sinasalita ay matutupad, sabi ng Panginoon.’”

Previewing the Exile

12 The Lord’s message came to me: “Son of man, you are living in the midst of a rebellious house.[a] They have eyes to see, but do not see, and ears to hear, but do not hear,[b] because they are a rebellious house.

“Therefore, son of man, pack up your belongings as if for exile. During the day, while they are watching, pretend to go into exile. Go from where you live to another place. Perhaps they will understand,[c] although they are a rebellious house. Bring out your belongings packed for exile during the day while they are watching. And go out at evening, while they are watching, as if for exile. While they are watching, dig a hole in the wall and carry your belongings out through it. While they are watching, raise your baggage onto your shoulder and carry it out in the dark.[d] You must cover your face so that you cannot see the ground[e] because I have made you an object lesson[f] to the house of Israel.”

So I did just as I was commanded. I carried out my belongings packed for exile during the day, and at evening I dug myself a hole through the wall with my hands. I went out in the darkness, carrying my baggage[g] on my shoulder while they watched.

The Lord’s message came to me in the morning: “Son of man, has not the house of Israel, that rebellious house, said to you, ‘What are you doing?’ 10 Say to them, ‘This is what the Sovereign Lord says: The prince will raise this burden in Jerusalem,[h] and all the house of Israel within it.’[i] 11 Say, ‘I am an object lesson[j] for you. Just as I have done, so it will be done to them; they will go into exile and captivity.’

12 “The prince[k] who is among them will raise his belongings[l] onto his shoulder in darkness and will go out. He[m] will dig a hole in the wall to leave through. He will cover his face so that he cannot see the land with his eyes. 13 But I will throw my net over him, and he will be caught in my snare. I will bring him to Babylon, the land of the Chaldeans[n] (but he will not see it),[o] and there he will die.[p] 14 All his retinue—his attendants and his troops—I will scatter to every wind; I will unleash a sword behind them.

15 “Then they will know that I am the Lord when I disperse them among the nations and scatter them among foreign countries. 16 But I will let a small number of them survive the sword, famine, and pestilence, so that they can confess all their abominable practices to the nations where they go. Then they will know that I am the Lord.”

17 The Lord’s message came to me: 18 “Son of man, eat your bread with trembling[q] and drink your water with anxious shaking. 19 Then say to the people of the land, ‘This is what the Sovereign Lord says about the inhabitants of Jerusalem and of the land of Israel: They will eat their bread with anxiety and drink their water in fright, for their land will be stripped bare of all it contains because of the violence of all who live in it. 20 The inhabited towns will be left in ruins, and the land will be devastated. Then you will know that I am the Lord.’”

21 The Lord’s message came to me: 22 “Son of man, what is this proverb you have in the land of Israel, ‘The days pass slowly, and every vision fails’? 23 Therefore tell them, ‘This is what the Sovereign Lord says: I hereby end this proverb; they will not recite it in Israel any longer.’ But say to them, ‘The days are at hand when every vision will be fulfilled.[r] 24 For there will no longer be any false visions or flattering omens amidst the house of Israel. 25 For I, the Lord, will speak. Whatever word I speak will be accomplished. It will not be delayed any longer. Indeed in your days, O rebellious house, I will speak the word and accomplish it, declares the Sovereign Lord.’”

26 The Lord’s message came to me: 27 “Take note, son of man, the house of Israel is saying, ‘The vision that he sees is for distant days; he is prophesying about the far future.’ 28 Therefore say to them, ‘This is what the Sovereign Lord says: None of my words will be delayed any longer! The word I speak will come to pass, declares the Sovereign Lord.’”

Footnotes

  1. Ezekiel 12:2 sn The book of Ezekiel frequently refers to the Israelites as a rebellious house (Ezek 2:5, 6, 8; 3:9, 26-27; 12:2-3, 9, 25; 17:12; 24:3).
  2. Ezekiel 12:2 sn This verse is very similar to Isa 6:9-10.
  3. Ezekiel 12:3 tn Heb “see.” This plays on the uses of “see” in v. 2. They will see his actions with their eyes and perhaps they will “see” with their mind, that is, understand or grasp the point.
  4. Ezekiel 12:6 tn Apart from this context the Hebrew term occurs only in Gen 15:17, in reference to the darkness after sunset. It may mean twilight.
  5. Ezekiel 12:6 tn Or “land” (ASV, NAB, NASB, NIV, NRSV).
  6. Ezekiel 12:6 sn See also Ezek 12:11 and 24:24, 27.
  7. Ezekiel 12:7 tn The words “my baggage” are not in the Hebrew text but are implied from the context.
  8. Ezekiel 12:10 tc The MT reads: “The prince, the load/oracle, this, in Jerusalem.” The term מַשָּׂא (massaʾ) may refer to a “burden” or prophetic “oracle” (the two homonyms also coming from the same root, cf. Isa 13:1). Also the preposition ב (bet) can mean “in” or “against.” The Targum says, “Concerning the prince is this oracle,” assuming the addition of a preposition. The LXX reads the word for “burden” as a synonym for leader, as both words are built on the same root, but the result does not make good sense in context. The current translation assumes that the verb יִשָּׂא (yisaʾ) from the root נָשָׂא (nasaʾ) has dropped out due to homoioteleuton (cf. vv. 7 and 12 for the verb). The original text would have three consecutive words based on the root נָשָׂא and an environment conducive to an omission in copying: הַנָּשִׂיא יִשָּׂא הַמַּשָּׂא הַזֶּה (hannasiʾ yissaʾ hammassaʾ hazzeh, “the prince will raise this burden”). Another possibility is that הַנָּשִׂיא is an inadvertent addition based on v. 12, so that the text should be “[This is] the oracle against…,” but the formula typically uses the construct state to mean “the oracle about…,” and this would be the only case where Ezekiel uses this term for an oracle. It is also unlikely that this is a copulative sentence, “The prince is the oracle.” While Hebrew can make copulative sentences without a verb, it is odd to do so with articular nouns. The sequence article + noun + article + noun is normally: a case where the second term is an adverbial accusative of place or time, a case where the second term acts as an adjective, part of a list, a case of apposition, or an improper construct chain (or other textual issue involving one of the apparent articles). Besides this verse, only Jer 4:26 (הַכַּרְמֶל הַמִּדְבָּר, hakkarmel hammidbar, “Carmel is/had become a wilderness”) may be suggested as a place where this syntax makes a copulative sentence, but there the first word should be understood as a proper noun. Also if the syntax were this simple (“the A is the B”), one would have expected the versions to follow it.sn The prince in Jerusalem refers to King Zedekiah. The Hebrew termנָשִׂיא (nasi’, “leader, chief prince”) refers to one lifted up and here means the leader of Jerusalem. The idea in the message is: “As goes the king, so goes the city.” The fortunes of the city are bound up in and symbolized by the king.
  9. Ezekiel 12:10 tc The MT reads “within them.” Possibly a scribe copied this form from the following verse “among them,” but only “within it” makes sense in this context.
  10. Ezekiel 12:11 tn object lesson is מוֹפֵת (mofet, “wonder, sign”), which here refers to a sign or portent of bad things to come.
  11. Ezekiel 12:12 sn The prince is a reference to Zedekiah.
  12. Ezekiel 12:12 tn The words “his belongings” are not in the Hebrew text but are implied.
  13. Ezekiel 12:12 tc The MT reads “they”; the LXX and Syriac read “he.”
  14. Ezekiel 12:13 tn Or “Babylonians” (NCV, NLT). sn The Chaldeans were a group of people in the country south of Babylon from which Nebuchadnezzar came. The Chaldean dynasty his father established became the name by which the Babylonians are regularly referred to in the book of Jeremiah, while Jeremiah’s contemporary, Ezekiel, uses both terms.
  15. Ezekiel 12:13 sn He will not see it. This prediction was fulfilled in 2 Kgs 25:7 and Jer 52:11, which recount how Zedekiah was blinded before being deported to Babylon.
  16. Ezekiel 12:13 sn There he will die. This was fulfilled when King Zedekiah died in exile (Jer 52:11).
  17. Ezekiel 12:18 tn The Hebrew term normally refers to an earthquake (see 1 Kgs 19:11; Amos 1:1).
  18. Ezekiel 12:23 tn Heb “the days draw near, and the word of every vision (draws near).”