Ezekiel 1:1
Ang Biblia, 2001
Ang Pangitain tungkol sa Kaluwalhatian ng Diyos
1 Nang(A) ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng ikatatlumpung taon, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pampang ng Ilog Chebar, ang langit ay nabuksan at ako'y nakakita ng mga pangitain ng Diyos.
Read full chapter
Ezekiel 1:3
Ang Biblia, 2001
3 ang salita ng Panginoon ay dumating kay Ezekiel na pari, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pampang ng Ilog Chebar; at doon ang kamay ng Panginoon ay sumasakanya.
Read full chapter
Ezekiel 3:15
Ang Biblia, 2001
15 At ako'y dumating sa mga bihag sa Tel-abib, na naninirahan sa pampang ng Ilog Chebar. Ako'y umupo roon na natitigilan sa gitna nila ng pitong araw.
Read full chapter
Ezekiel 3:23
Ang Biblia, 2001
23 Nang magkagayo'y bumangon ako at lumabas sa kapatagan. At narito, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay naroon gaya ng kaluwalhatian na aking nakita sa pampang ng Ilog Chebar, at ako'y napasubasob.
Read full chapter
Ezekiel 10:15
Ang Biblia, 2001
15 At ang mga kerubin ay pumaitaas. Ito ang mga nilalang na may buhay na aking nakita sa baybayin ng Ilog Chebar.
Read full chapter
Ezekiel 10:22
Ang Biblia, 2001
22 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, ito rin ang mga mukha na aking nakita sa baybayin ng Ilog Chebar. Bawat isa'y nagpatuloy sa paglakad.
Read full chapter
Ezekiel 43:3
Ang Biblia, 2001
3 Ang pangitain na aking nakita ay gaya ng pangitain na nakita ko nang ako'y dumating upang gibain ang lunsod, at gaya ng pangitain na aking nakita sa tabi ng Ilog Chebar; at ako'y nasubasob.
Read full chapter