Add parallel Print Page Options

Magpatahi ka ng banal na damit para sa kapatid mong si Aaron, para maparangalan siya. Sabihin mo sa lahat ng mahuhusay na mananahi na binigyan ko ng kakayahang manahi na itahi nila ng damit si Aaron na magbubukod sa kanya sa mga tao para makapaglingkod siya sa akin bilang pari. Ito ang mga damit na tatahiin nila: ang bulsa na nasa dibdib, ang espesyal na damit,[a] ang damit-panlabas, ang damit-panloob na binurdahan, ang turban at ang sinturon. Itatahi rin nila ng banal na mga damit ang mga anak na lalaki ni Aaron para makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.

Read full chapter

Footnotes

  1. 28:4 espesyal na damit: sa Hebreo, “efod.” Ito rin ay nasa talatang 6, 12, 15, 25-28 at 31.