Add parallel Print Page Options

40 At sinalita ng Panginoon kay Moises na sinasabi,

Sa unang araw ng unang buwan ay iyong itatayo ang tabernakulo ng kapisanan.

At iyong isisilid doon ang kaban ng patotoo, at iyong tatabingan ang kaban ng lambong.

At iyong ipapasok ang dulang, at iyong aayusin ang mga bagay na nasa ibabaw niyaon; at iyong ipapasok ang kandelero at iyong sisindihan ang mga ilawan niyaon.

At iyong ilalagay ang dambanang ginto para sa kamangyan sa harap ng kaban ng patotoo, at ilalagay mo ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.

At iyong ilalagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

At iyong ilalagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo at ng dambana, at iyong sisidlan ng tubig.

At iyong ilalagay ang looban sa palibot, at ibibitin mo ang tabing sa pintuang daan ng looban.

At kukuha ka ng langis na pangpahid, at papahiran mo ang tabernakulo, at lahat na nandoon, at iyong pakakabanalin, at lahat ng kasangkapan niyaon: at magiging banal.

10 At iyong papahiran ng langis ang dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng kasangkapan, at iyong pakakabanalin ang dambana: at ang dambana ay magiging kabanalbanalan.

11 At iyong papahiran din naman ng langis ang hugasan at ang tungtungan, at iyong pakakabanalin.

12 At iyong dadalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong paliliguan ng tubig.

13 At iyong isusuot kay Aaron ang mga banal na kasuutan; at iyong papahiran ng langis siya, at iyong papagbanalin siya, upang siya'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.

14 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at iyong susuutan sila ng mga kasuutan:

15 At iyong papahiran ng langis sila gaya ng iyong pagkapahid sa kanilang ama, upang sila'y makapangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote, at ang pagpapahid sa kanila ay maging sa kanila'y pinakatanda ng walang hanggang pagka-saserdote sa buong panahon ng kanilang lahi.

16 Gayon ginawa ni Moises, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayong ginawa niya.

17 At nangyari sa unang buwan nang ikalawang taon nang unang araw ng buwan, na ang tabernakulo'y itinayo.

18 At itinayo ni Moises ang tabernakulo, at inilagay ang mga tungtungan, at ipinatong ang mga malaking tabla, at isinuot ang mga barakilan, at itinayo ang mga haligi niyaon.

19 At kaniyang inunat ang tolda sa ibabaw ng tabernakulo, at kaniyang inilagay ang takip ng tabernakulo sa itaas ng ibabaw niyaon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

20 At kaniyang kinuha at inilagay ang mga tabla ng patotoo sa loob ng kaban, at kaniyang inilagay ang mga pingga sa kaban, at kaniyang inilagay ang luklukan ng awa sa itaas ng ibabaw ng kaban:

21 At kaniyang ipinasok ang kaban sa tabernakulo, at inayos ang lambong ng tabing, at tinabingan ang kaban ng patotoo: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

22 At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong hilagaan ng tabernakulo, sa labas ng lambong.

23 At kaniyang inayos ang tinapay sa ibabaw ng dulang sa harap ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

24 At kaniyang inilagay ang kandelero sa tabernakulo ng kapisanan, sa tapat ng dulang, sa tagilirang timugan ng tabernakulo.

25 At kaniyang sinindihan ang mga ilawan sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

26 At kaniyang inilagay ang dambanang ginto sa loob ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng lambong.

27 At siya'y nagsunog doon ng kamangyan na mabangong espesia; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

28 At kaniyang inilagay ang tabing ng pintuan sa tabernakulo.

29 At kaniyang inilagay ang dambanang pagsusunugan ng handog sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at pinaghandugan ng handog na susunugin, at ng handog na harina; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

30 At kaniyang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo, ng kapisanan at ng dambana, at sinidlan ng tubig upang paghugasan.

31 At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang mga kamay at ng kanilang mga paa;

32 Pagka sila'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka sila'y lumalapit sa dambana ay naghuhugas sila: gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

33 At kaniyang inilagay ang looban sa palibot ng tabernakulo at ng dambana, at iniayos ang tabing ng pintuang daan ng looban. Gayon tinapos ni Moises ang gawain.

34 Nang magkagayo'y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.

35 At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.

36 At pagka ang ulap ay napaiitaas mula sa tabernakulo, ay nagpapatuloy ang mga anak ni Israel sa kanilang buong paglalakbay:

37 Datapuwa't kung ang ulap ay hindi napaiitaas, ay hindi nga sila naglalakbay hanggang sa araw na napaiitaas.

38 Sapagka't ang ulap ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tabernakulo sa araw, at may apoy sa loob niyaon sa gabi, sa paningin ng buong lahi ng Israel, sa kanilang buong paglalakbay.

The Tabernacle Erected

40 The Lord spoke to Moses, saying, “On the (A)first day of the first month you shall (B)erect the tabernacle of the tent of meeting. And you shall put in it the ark of the testimony, and you shall (C)screen the ark with the veil. And (D)you shall bring in the table and arrange it, and (E)you shall bring in the lampstand and set up its lamps. (F)And you shall put the golden altar for incense before the ark of the testimony, and set up the screen for the door of the tabernacle. (G)You shall set the altar of burnt offering before the door of the tabernacle of the tent of meeting, (H)and place the basin between the tent of meeting and the altar, and put water in it. And you shall set up the court all around, and hang up the screen for the gate of the court.

“Then you shall take the (I)anointing oil and anoint the tabernacle and all that is in it, and consecrate it and all its furniture, so that it may become holy. 10 You shall also anoint (J)the altar of burnt offering and all its utensils, and consecrate the altar, (K)so that the altar may become most holy. 11 You shall also anoint the basin and its stand, and consecrate it. 12 (L)Then you shall bring Aaron and his sons to the entrance of the tent of meeting and shall wash them with water 13 and put on Aaron the holy garments. And you shall anoint him and consecrate him, that he may serve me as priest. 14 You shall bring his sons also and put coats on them, 15 (M)and anoint them, as you anointed their father, that they may serve me as priests. And their anointing shall admit them to a (N)perpetual priesthood throughout their generations.”

16 This Moses did; according to all that the Lord commanded him, so he did. 17 In the first month in the second year, on the first day of the month, (O)the tabernacle was erected. 18 Moses erected the tabernacle. He laid its bases, and set up its frames, and put in its poles, and raised up its pillars. 19 And he spread the tent over the tabernacle and put the covering of the tent over it, as the Lord had commanded Moses. 20 He (P)took the testimony and put it into the ark, and put the poles on the ark and set the mercy seat above on the ark. 21 And he brought the ark into the tabernacle and (Q)set up the veil of the screen, and screened (R)the ark of the testimony, as the Lord had commanded Moses. 22 (S)He put the table in the tent of meeting, on the north side of the tabernacle, outside the veil, 23 and arranged the bread on it before the Lord, as the Lord had commanded Moses. 24 (T)He put the lampstand in the tent of meeting, opposite the table on the south side of the tabernacle, 25 (U)and set up the lamps before the Lord, as the Lord had commanded Moses. 26 (V)He put the golden altar in the tent of meeting before the veil, 27 and burned fragrant incense on it, as the Lord had commanded Moses. 28 (W)He put in place the screen for the door of the tabernacle. 29 (X)And he set the altar of burnt offering at the entrance of the tabernacle of the tent of meeting, and offered on it the burnt offering and the (Y)grain offering, as the Lord had commanded Moses. 30 (Z)He set the basin between the tent of meeting and the altar, and put water in it for washing, 31 with which Moses and (AA)Aaron and his sons (AB)washed their hands and their feet. 32 When they went into the tent of meeting, and when they approached the altar, they washed, as the Lord commanded Moses. 33 (AC)And he erected the court around the tabernacle and the altar, and set up the screen of the gate of the court. So (AD)Moses finished the work.

The Glory of the Lord

34 Then (AE)the cloud covered the tent of meeting, and (AF)the glory of the Lord filled the tabernacle. 35 And Moses was not able to enter the tent of meeting because the cloud settled on it, and the glory of the Lord filled the tabernacle. 36 Throughout all their journeys, (AG)whenever the cloud was taken up from over the tabernacle, the people of Israel would set out. 37 But (AH)if the cloud was not taken up, then they did not set out till the day that it was taken up. 38 For the cloud of the Lord was on the tabernacle by day, and fire was in it by night, in the sight of all the house of Israel throughout all their journeys.