Exodo 38
Magandang Balita Biblia
Ang Altar(A)
38 Akasya rin ang ginamit ni Bezalel sa paggawa ng altar na sunugan ng handog. Ito'y parisukat, 2.2 metro ang haba, ganoon din ang lapad, at 1.3 metro naman ang taas. 2 Ang mga sulok nito'y nilagyan niya ng sungay na kaisang piraso ng altar, at binalot ng tanso. 3 Si Bezalel din ang gumawa ng mga kagamitang tanso para sa altar: palayok, pala, palanggana, malaking tinidor at lalagyan ng apoy. 4 Gumawa rin siya ng parilyang tanso at ikinabit sa ilalim ng baytang, sa kalahatian ng altar. 5 Gumawa siya ng apat na argolya at ikinabit sa apat na sulok ng parilya, para pagsuutan ng pampasan. 6 Akasya rin ang ginawa niyang pampasan. Binalot niya ito ng tanso 7 at isinuot sa mga argolya sa gilid ng altar. Tabla ang ginamit niya sa paggawa ng altar at ito'y may guwang sa loob.
Ang Palangganang Tanso(B)
8 Gumawa(C) nga siya ng palangganang tanso, at tanso rin ang patungan. Ang ginamit niya rito ay tansong ginagamit bilang salamin ng mga babaing tumutulong sa mga naglilingkod sa pintuan ng Toldang Tipanan.
Ang Bulwagan ng Toldang Tipanan(D)
9 Pagkatapos, ginawa niya ang bulwagan na pinaligiran niya ng mamahaling telang lino. Sa gawing timog ay 45 metro ang haba ng tabing 10 at ito'y ikinabit niya sa dalawampung posteng tanso na itinayo sa dalawampung tuntungang tanso rin. Pilak naman ang mga kawit at ang sabitang baras na ginamit niya. 11 Gayundin ang ginawa niya sa gawing hilaga: 45 metro ang mga tabing na ikinabit sa dalawampung posteng tanso na itinayo sa dalawampung tuntungang tanso; pilak naman ang mga kawit at baras na ginamit dito. 12 Sa gawing kanluran naman, 22 metro ang haba ng tabing na isinabit niya sa sampung posteng nakatindig sa sampung tuntungan. Ang mga kawit at baras ay gawa sa pilak. 13 Ang luwang ng harapan ng bulwagan sa gawing silangan ay 22 metro. 14 Sa isang gilid ng pintuan ay nilagyan ng kurtinang 6.6 na metro ang haba, na nakasabit sa tatlong posteng nakapatong sa tatlong tuntungan. 15 Ganoon din sa kabilang gilid. Kaya ang dalawang gilid ng pintuan ay may tig-isang kurtinang 6.6 na metro ang haba, na nakasabit sa tatlong posteng nakapatong sa kanya-kanyang tuntungan. 16 Lahat ng tabing ng bulwagan ay mamahaling telang lino. 17 Tanso ang tuntungan ng mga poste at pilak naman ang mga kawit ng poste, gayundin ang mga haligi. 18 Ang kurtina sa may pintuan ay mamahaling lino at lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula. Magandang-maganda ang burda nito. Ang haba't lapad nito'y 9 na metro, samantalang 2 metro naman ang taas, tulad ng tabing sa bulwagan. 19 Ito'y nakasabit sa apat na posteng nakapatong sa apat na tuntungang tanso. Ang mga kawit nito at balot ay pawang pilak. 20 Tanso naman ang mga tulos na ginamit sa Toldang Tipanan at sa tabing ng bulwagan.
Ang mga Metal na Ginamit sa Tabernakulo
21 Ito ang listahan ng mga metal na ginamit sa tabernakulo na pinaglagyan sa Kaban ng Tipan. Ang listahang ito'y ipinagawa ni Moises sa mga Levita sa pangunguna ni Itamar na anak ni Aaron.
22 Lahat ng iniutos ni Yahweh kay Moises ay ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, buhat sa lipi ni Juda. 23 Ang pangunahin niyang katulong na si Aholiab ay anak ni Ahisamac at buhat naman sa lipi ni Dan. Siya ay mahusay mag-ukit, isang taga-disenyo at manghahabi ng pinong lino at lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula.
24 Lahat ng gintong ginamit sa santuwaryo ay umabot sa 1,000 kilo ayon sa timbangan sa templo. Ang lahat ng ito'y handog kay Yahweh. 25 Ang(E) pilak namang ibinigay ng mga taong napabilang sa sensus ay umabot sa 3,430 kilo, ayon din sa timbangan sa templo. 26 Ang(F) mga ito ang kabuuan ng lahat ng inihandog ng mga napabilang sa sensus, na umabot naman sa 603,550 katao, mula sa dalawampung taon pataas. Bawat isa'y nagbigay ng kaukulang halaga ayon sa timbangan sa santuwaryo. 27 Ang pilak na nagamit sa mga tuntungan ng santuwaryo at tabing ng bulwagan ay 3,400 kilo: 100 tuntungan na tig-34 na kilo. 28 Ang 30 kilo ay ginamit sa mga kawit ng poste, sa mga dulo nito at sa mga haligi. 29 Ang tansong inihandog kay Yahweh ay umabot naman sa 2,425 kilo. 30 Ito ay ginamit sa mga tuntungan sa pintuan ng Toldang Tipanan, sa altar at sa parilyang tanso gayundin sa lahat ng gamit sa altar, 31 sa tuntungan sa paligid ng patyo, at tuntungan ng poste ng pinto, at sa lahat ng tulos na ginamit sa paligid ng tabernakulo.
出埃及记 38
Chinese New Version (Traditional)
做祭壇(A)
38 他用皂莢木做燔祭壇,長兩公尺兩公寸,寬兩公尺兩公寸,成正方形,高一公尺三公寸。 2 在壇的四個拐角做了四隻角,角是與壇連在一起的;又用銅把壇包裹。 3 又做壇上的一切器具,就是盆、鏟、盤、肉叉和火盆;壇上的一切器具都是用銅做的。 4 又替壇做一個銅網,放在壇的圍腰板以下,向下直到壇的半腰。 5 又鑄造四個環,放在銅網的四端之上,用作抬壇的地方。 6 他用皂莢木做兩根槓,用銅包裹, 7 把槓穿在壇兩側的環裡,用來抬壇;壇是用木板做的,是空的。
做銅盆(B)
8 他用銅做洗濯盆,又用銅做盆座,是用那些在會幕門口服事的婦女的銅鏡做成的。
立院子(C)
9 他又做院子;南面,就是向南的方向,用撚的細麻做院子的幔幕,共四十四公尺。 10 幔幕的柱子有二十根,柱座有二十個,是銅做的;柱鉤和橫柱閂是銀做的。 11 北面,有幔幕四十四公尺,幔幕的柱子有二十根,柱座有二十個,是銅做的;柱鉤和橫柱閂是銀做的。 12 西面,有幔幕二十二公尺,幔幕的柱子有十根,柱座有十個;柱鉤和橫柱閂是銀做的。 13 東面,就是日出的方向,有幔幕二十二公尺。 14 門口這一邊有幔幕六公尺六公寸;幔幕的柱子有三根,柱座有三個。 15 門口那一邊也是這樣。院子門口的兩邊各有幔幕六公尺六公寸;幔幕的柱子有三根,柱座有三個。 16 院子周圍的一切幔幕都是用撚的細麻做的。 17 柱座是銅做的,柱鉤和橫柱閂是銀做的,柱頂是用銀包裹的;院子的一切柱子都是用銀橫閂相連起來。 18 院子的門簾,是用藍色紫色朱紅色線和撚的細麻,以及刺繡的手工做成的;長九公尺,以寬度來說,兩公尺高,與院子的幔幕相配。 19 幔幕的柱子有四根,柱座有四個,是銅做的;柱鉤是銀做的,柱頂和橫柱閂是用銀包裹的。 20 帳幕的一切釘子和院子四周的一切釘子,都是銅做的。
奉獻金銀銅之數量
21 這是帳幕(就是法櫃的帳幕)內利未人使用的物件的總數,是照著摩西的吩咐,經亞倫祭司的兒子以他瑪的手計算的。 22 凡是耶和華吩咐摩西的,猶大支派戶珥的孫子、烏利的兒子比撒列都做了。 23 與他同工的,有但支派亞希撒抹的兒子亞何利亞伯,是個雕刻匠、圖案設計家,以及能用藍色紫色朱紅色線和細麻刺繡的人。
24 用來建造聖所整個工程使用的一切黃金,就是獻作禮物的金子,按照聖所的標準,共有一千公斤。 25 會眾中被數點的人所出的銀子,按照聖所的標準,共有三千四百三十公斤。 26 凡是按著次序被數點的人,從二十歲以上的,有六十萬三千五百五十人,按著聖所的標準,每人納銀六克。 27 他用這三千四百公斤銀子鑄造聖所的柱座,和幔子的柱座;一百個柱座用了三千四百公斤銀子,三十四公斤銀子做一個柱座。 28 他用三十公斤銀子做柱鉤,包裹柱頂,以及為柱頂做橫柱閂。 29 獻作禮物的銅有二千四百二十五公斤。 30 他用這些銅做會幕門口的柱座、銅壇和壇上的銅網,以及壇上的一切器具、 31 院子四周的柱座、院子門口的柱座、帳幕的一切釘子和院子四周的一切釘子。
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.