Add parallel Print Page Options

Nagpatuloy ng Paglalakbay ang Israel

33 Sinabi(A) (B) ni Yahweh kay Moises, “Umalis na kayo rito at magtuloy sa lupaing aking ipinangako kina Abraham, Isaac at Jacob na ibibigay ko sa kanilang lahi. 2-3 Ang pupuntahan ninyo'y isang mayaman at masaganang lupain. Pauunahin ko sa inyo ang isang anghel upang palayasin ang mga Cananeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita at Jebuseo. Hindi ako ang sasama sa inyo at baka malipol ko lamang kayo sa daan dahil sa katigasan ng inyong ulo.”

Nang malaman ito ng mga Israelita, labis silang nalungkot at isa ma'y walang nagsuot ng alahas. Sapagkat sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na matitigas ang ulo nila. Baka kung ako ang sasama sa kanilang paglalakbay ay malipol ko lang sila. Ipaalis mo ang kanilang mga alahas, at pagkatapos ay magpapasya ako kung ano ang gagawin ko sa kanila.” Kaya't mula sa Bundok ng Sinai,[a] hindi na sila nagsuot ng alahas.

Ang Toldang Tipanan

Nakaugalian na ni Moises na itayo ang tabernakulo sa isang lugar na malayu-layo sa kampo; tinawag iyong Toldang Tipanan ng Diyos at ng mga tao. Doon pumupunta ang sinumang nais sumangguni kay Yahweh. Tuwing papasok doon si Moises, ang mga Israelita'y tumatayo sa pintuan ng kanilang tolda at tinitingnan siya hanggang sa siya'y makapasok. Kapag nasa loob na si Moises, bumababa naman sa may pinto ng Toldang Tipanan ang haliging ulap at mula roo'y makikipag-usap sa kanya si Yahweh. 10 Kapag nakita ng mga Israelita na nasa pintuan ng Tolda ang haliging ulap, pumupunta naman sila sa pintuan ng kanilang tolda at doo'y yumuyuko at sumasamba. 11 Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan. Pagkatapos, si Moises ay bumabalik na sa kampo ngunit naiiwan sa Tolda si Josue, ang lingkod niya.

Nangako si Yahweh na Sila'y Papatnubayan

12 Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Iniutos ninyo sa aking pangunahan ko ang bayang ito papunta sa lupaing ipinangako ninyo. Ngunit hindi ninyo sinabi kung sino ang makakatulong ko. Sinabi pa ninyong nalulugod po kayo sa akin at kilalang-kilala ninyo ako. 13 Kung ito'y totoo, ipinapakiusap kong sabihin ninyo sa akin ang inyong mga balak gawin para malaman ko upang patuloy kayong malulugod sa akin. Alalahanin din ninyo na ang bayang Israel ay inyo.”

14 “Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng kapayapaan,” sagot ni Yahweh.

15 Sinabi ni Moises, “Kung hindi ninyo kami sasamahan, huwag na po ninyo kaming paalisin dito. 16 Sapagkat kung hindi kayo sasama sa amin, paano malalaman ng lahat na kami po ay inyong kinalulugdan? Kung sasama kayo sa amin, maliwanag na kami'y naiiba sa lahat ng mga bansa.”

17 “Sige, gagawin ko ang hiling mo sapagkat ako'y nalulugod sa iyo at kilalang-kilala kita,” sabi ni Yahweh.

18 Kaya't hiniling ni Moises, “Yahweh, ipakita po ninyo sa akin ang inyong kaluwalhatian!”

19 “Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan, 20 ngunit hindi mo maaaring makita ang aking mukha sapagkat tiyak na mamamatay ang sinumang makakita niyon. 21 Dito sa tabi ko'y may matatayuan kang bato. 22 Pagdaan ng aking maningning na kaluwalhatian, ipapasok kita sa siwang ng batong ito at tatakpan kita ng aking kamay. 23 Pagkalampas ko'y aalisin ko na ang aking kamay at makikita mo ang likod ko, ngunit hindi ang aking mukha,” sagot ni Yahweh.

Footnotes

  1. Exodo 33:6 Bundok ng Sinai: o kaya'y Bundok ng Horeb .

33 耶和華對摩西說:「我曾向亞伯拉罕、以撒和雅各起誓,應許把迦南賜給他們的後代。現在你和你從埃及領出來的百姓要動身去那裡。 我必差遣天使走在你們前面,趕出當地的迦南人、亞摩利人、赫人、比利洗人、希未人和耶布斯人, 帶你們進入那奶蜜之鄉。但我不會跟你們一起去,免得我在途中就把你們滅絕了,因為你們是頑固不化的百姓。」

百姓聽見這壞消息,都非常哀傷,不再佩戴飾物了。 耶和華對摩西說:「你去向以色列百姓宣佈,『你們這些頑固不化的人,我就是跟你們在一起待一刻,都恐怕會滅絕你們。現在你們要摘下自己身上的飾物,我再決定怎樣處置你們。』」 因此,以色列百姓從何烈山開始就不再佩戴飾物了。

耶和華的會幕

摩西通常把帳幕支搭在營外離百姓較遠的地方,摩西稱帳幕為會幕。凡求問耶和華的,都會去那裡。 當摩西離營去會幕的時候,百姓就都一同起來,各人站在自己的帳篷門口目送摩西走進會幕。 摩西進入會幕後,便有雲柱降下來,停在會幕門口,耶和華就跟摩西說話。 10 每當百姓看見這景象,他們都站在自己的帳篷門口敬拜耶和華。 11 在會幕內,耶和華跟摩西面對面說話,好像兩個朋友談話一樣。然後,摩西返回營中,但他的年輕助手、嫩的兒子約書亞仍然留在會幕。

耶和華的榮耀

12 摩西對耶和華說:「你吩咐我帶領這些百姓,卻沒有告訴我你將要派誰與我同去,只說,『我憑名字認識你,你在我面前蒙了恩。』 13 我若已經在你面前蒙恩,就求你把你的道路指示我,好讓我認識你,繼續在你面前蒙恩。求你顧念這些百姓是你的子民。」 14 耶和華回答他說:「我必親自與你同去,使你平安穩妥。」 15 摩西說:「你若不與我們同去,就不要讓我們離開這裡。 16 你若不與我們同去,誰會知道我和你的子民在你面前蒙了恩呢?豈不是因為你的同在才使我們不同於地上其他民族嗎?」

17 耶和華回答說:「我答應你的請求,因為你在我面前蒙了恩,我憑名字認識你。」 18 摩西說:「求你向我彰顯你的榮耀。」 19 耶和華說:「我必叫你看見我一切的美善,我要在你面前宣告我的名——耶和華,我要恩待誰就恩待誰,我要憐憫誰就憐憫誰。 20 但你不能看我的臉,因為凡看見的,都不能存活。 21 你要站在我旁邊的磐石上, 22 我的榮耀經過你面前的時候,我會先把你安置在石縫裡,用我的手遮掩你,直到我從你面前走過。 23 然後我會收回我的手,你就可以看見我的背,但看不到我的臉。」