Exodo 32:10
Ang Biblia (1978)
10 Ngayo'y (A)bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay (B)magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: (C)at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa.
Read full chapter
Exodo 32:14
Ang Biblia (1978)
14 At pinagsisihan ng (A)Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kaniyang bayan.
Read full chapter
Exodo 32:34
Ang Biblia (1978)
34 At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa iyo: narito, ang (A)aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.
Read full chapter
Exodo 33:17
Ang Biblia (1978)
17 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: (A)sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.
Read full chapter
Deuteronomio 10:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)At ako'y nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at ako'y dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978