Add parallel Print Page Options

Ang mga Gagawa ng Tabernakulo(A)

31 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pinili ko si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur na mula sa lipi ni Juda. Pinuspos ko siya ng aking Espiritu[a] at binigyan ng kakayahan, kahusayan at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining. Ginawa ko ito upang makagawa siya ng magagandang disenyo at maiukit ito sa ginto, pilak o tanso. Gayundin, upang maging bihasa siya sa pagtabas ng mamahaling bato, mahusay sa paglilok, at dalubhasa sa anumang gawaing pansining. Pinili ko rin para makatulong niya si Aholiab, anak ni Ahisamac na mula naman sa lipi ni Dan. Binigyan ko rin ng kakayahan ang ibang mahuhusay na manggagawa upang sila ang gumawa ng lahat ng iniuutos ko sa iyo. Sila ang gagawa ng Toldang Tipanan, ng Kaban ng Tipan, ng Luklukan ng Awa at lahat ng kasangkapan sa tabernakulo. Sila rin ang gagawa ng mesang patungan ng handog na pagkaing butil at ng lahat ng kagamitan nito; ng ilawang ginto at mga kagamitan nito; ng altar na sunugan ng insenso; ng altar na sunugan ng mga handog at ang mga kasangkapan nito; ng palangganang hugasan at ng patungan nito. 10 Sila ang gagawa ng mga kasuotan ni Aaron at ng kanyang mga anak. 11 Sila rin ang maghahalo ng langis na pampahid at ng insenso para sa Dakong Banal. Sundin mong lahat ang sinasabi kong ito sa iyo.”

Ang Araw ng Pamamahinga

12 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 13 “Sabihin mo sa mga Israelita na ipangilin ang Araw ng Pamamahinga sapagkat ito ang magsisilbing palatandaan sa inyo at sa inyong mga salinlahi na kayo'y aking pinili para maging bayan ko. 14 Ipangilin ninyo ang Araw ng Pamamahinga sapagkat ito'y sagrado. Papatayin ang sinumang hindi magpahalaga rito at ititiwalag ang sinumang magtrabaho sa araw na ito. 15 Anim(B) na araw kayong magtatrabaho ngunit ang ikapitong araw ay araw ng ganap na pamamahinga at nakalaan para sa akin. Papatayin ang sinumang magtrabaho sa araw na iyon. 16 Ipangingilin ito ng lahat ng inyong salinlahi bilang tanda ng tipan. 17 Ito'y(C) isang palatandaan ko at ng bansang Israel, at ito'y mananatili habang panahon. Sapagkat sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit at ang lupa at nagpahinga ako sa ikapitong araw.”

18 Matapos sabihin ni Yahweh kay Moises ang lahat ng ito sa Bundok ng Sinai, ibinigay niya rito ang dalawang tapyas na batong kinasusulatan ng Kautusan na si Yahweh mismo ang sumulat.

Footnotes

  1. Exodo 31:3 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .

Artisans for Building the Tabernacle(A)

31 Then the Lord spoke to Moses, saying: (B)“See, I have called by name Bezalel the (C)son of Uri, the son of Hur, of the tribe of Judah. And I have (D)filled him with the Spirit of God, in wisdom, in understanding, in knowledge, and in all manner of workmanship, to design artistic works, to work in gold, in silver, in bronze, in cutting jewels for setting, in carving wood, and to work in all manner of workmanship.

“And I, indeed I, have appointed with him (E)Aholiab the son of Ahisamach, of the tribe of Dan; and I have put wisdom in the hearts of all the (F)gifted artisans, that they may make all that I have commanded you: (G)the tabernacle of meeting, (H)the ark of the Testimony and (I)the mercy seat that is on it, and all the furniture of the tabernacle— (J)the table and its utensils, (K)the pure gold lampstand with all its utensils, the altar of incense, (L)the altar of burnt offering with all its utensils, and (M)the laver and its base— 10 (N)the [a]garments of ministry, the holy garments for Aaron the priest and the garments of his sons, to minister as priests, 11 (O)and the anointing oil and (P)sweet incense for the holy place. According to all that I have commanded you they shall do.”

The Sabbath Law

12 And the Lord spoke to Moses, saying, 13 “Speak also to the children of Israel, saying: (Q)‘Surely My Sabbaths you shall keep, for it is a sign between Me and you throughout your generations, that you may know that I am the Lord who (R)sanctifies[b] you. 14 (S)You shall keep the Sabbath, therefore, for it is holy to you. Everyone who [c]profanes it shall surely be put to death; for (T)whoever does any work on it, that person shall be cut off from among his people. 15 Work shall be done for (U)six days, but the (V)seventh is the Sabbath of rest, holy to the Lord. Whoever does any work on the Sabbath day, he shall surely be put to death. 16 Therefore the children of Israel shall keep the Sabbath, to observe the Sabbath throughout their generations as a perpetual covenant. 17 It is (W)a sign between Me and the children of Israel forever; for (X)in six days the Lord made the heavens and the earth, and on the seventh day He rested and was refreshed.’ ”

18 And when He had made an end of speaking with him on Mount Sinai, He gave Moses (Y)two tablets of the Testimony, tablets of stone, written with the finger of God.

Footnotes

  1. Exodus 31:10 Or woven garments
  2. Exodus 31:13 consecrates
  3. Exodus 31:14 defiles