Exodo 22:21
Ang Biblia, 2001
21 “At(A) huwag mong aapihin, o pahihirapan ang dayuhan, sapagkat kayo'y mga dayuhan din sa lupain ng Ehipto.
Read full chapter
Levitico 19:33-34
Ang Biblia, 2001
33 “Kapag(A) ang isang dayuhan ay nanirahang kasama ninyo sa inyong lupain, huwag ninyo siyang gagawan ng masama.
34 Ang dayuhang kasama ninyo ay magiging kagaya ng isang katutubong kasama ninyo. Iibigin mo siya na gaya ng sa iyong sarili; sapagkat kayo ay naging mga dayuhan sa lupain ng Ehipto: Ako ang Panginoon ninyong Diyos.
Read full chapter
Deuteronomio 24:17-18
Ang Biblia, 2001
17 “Huwag(A) mong babaluktutin ang katarungan sa dayuhan ni sa ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing balo;
18 kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Ehipto at tinubos ka ng Panginoon mong Diyos mula roon; kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ito.
Read full chapter
Deuteronomio 27:19
Ang Biblia, 2001
19 “‘Sumpain(A) ang bumabaluktot ng katarungan para sa dayuhan, sa ulila at sa babaing balo.’ At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen.’
Read full chapter