Add parallel Print Page Options

Sa Bundok ng Sinai

19 1-2 Umalis ang mga Israelita sa Refidim at pumunta sa ilang ng Sinai. Doon sa harap ng bundok sila nagkampo. Ikatlong buwan ito mula nang lisanin nila ang Egipto.

Umakyat si Moises sa bundok para makipagkita sa Dios. Tinawag siya ng Panginoon doon sa bundok at sinabi, “Sabihin mo ito sa mga Israelita na mga lahi ni Jacob: ‘Nakita nʼyo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Egipcio, at kung paano ko kayo dinala rito sa akin, katulad ng pagdadala ng agila sa mga inakay niya sa pamamagitan ng kanyang pakpak. Kung lubos ninyo akong susundin at tutuparin ang aking kasunduan, pipiliin ko kayo sa lahat ng bansa para maging mga mamamayan ko. Akin ang buong mundo, pero magiging pinili ko kayong mamamayan at magiging isang kaharian ng mga paring maglilingkod sa akin.’ Sabihin mo ito sa mga Israelita.”

Kaya bumaba si Moises mula sa bundok at ipinatawag niya ang mga tagapamahala ng Israel at sinabi sa kanila ang sinabi ng Panginoon. At sabay-sabay na sumagot ang mga tao, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng Panginoon.” At sinabi ni Moises sa Panginoon ang sagot ng mga tao.

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Darating ako sa iyo sa pamamagitan ng makapal na ulap para marinig ng mga tao ang pakikipag-usap ko sa iyo, at nang lagi silang magtiwala sa iyo.” At sinabi ni Moises sa Panginoon ang sagot ng mga tao.

10 At sinabi sa kanya ng Panginoon, “Puntahan mo ang mga tao at sabihin sa kanilang linisin ang sarili nila[a] ngayon at bukas. Kailangang labhan nila ang kanilang mga damit. 11 Siguraduhing handa sila sa ikatlong araw, dahil sa araw na iyon, ako, ang Panginoon ay bababa sa Bundok ng Sinai na kitang-kita ng mga tao. 12 Maglagay ka ng tanda sa paligid ng bundok kung hanggang saan lamang tatayo ang mga tao. Sabihin mo sa kanila na huwag silang aakyat o lalapit sa bundok. Ang sinumang lalapit sa bundok ay papatayin, 13 tao man o hayop. Kung gagawin niya ito, babatuhin siya o kaya naman ay papanain; walang kamay na hihipo sa kanya. Makakaakyat lang ang mga tao sa bundok kapag pinatunog na nang matagal ang tambuli.”

14 Bumaba si Moises sa bundok at inutusan niya silang linisin ang mga sarili nila. At nilabhan ng mga tao ang kanilang mga damit. 15 Sinabi ni Moises sa kanila, “Ihanda ninyo ang mga sarili ninyo para sa ikatlong araw; huwag muna kayong makipagtalik sa inyong asawa.”

16 Kinaumagahan ng ikatlong araw, kumulog at kumidlat, at may makapal na ulap na tumakip sa bundok at narinig ang malakas na tunog ng trumpeta. Nanginig sa takot ang lahat ng tao sa kampo. 17 Pagkatapos, dinala ni Moises sa labas ng kampo ang mga tao para makipagkita sa Dios, at tumayo sila sa paanan ng bundok. 18 Nabalot ng usok ang Bundok ng Sinai dahil bumaba roon ang Panginoon sa anyo ng apoy. Pumaitaas ang usok kagaya ng usok na nanggaling sa hurno at nayanig nang malakas ang bundok,[b] 19 at lalo pang lumakas ang tunog ng trumpeta. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Panginoon sa pamamagitan ng kulog.[c]

20 Bumaba ang Panginoon sa ibabaw ng Bundok ng Sinai, at tinawag niya si Moises na umakyat sa ibabaw ng bundok. Kaya umakyat si Moises, 21 at sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumalik ka sa ibaba at balaan mo sila na huwag na huwag silang lalampas sa hangganan na inilagay sa paligid ng bundok para tingnan ako, dahil kung gagawin nila ito, marami sa kanila ang mamamatay. 22 Kahit na ang mga pari na palaging lumalapit sa presensya koʼy kailangang maglinis ng kanilang mga sarili dahil kung hindi, parurusahan ko rin sila.”

23 Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Paano po aakyat ang mga tao sa bundok gayong binigyan nʼyo na kami ng babala na ituring naming banal ang bundok, at sinabihan nʼyo kaming lagyan ng tanda ang paligid ng bundok kung hanggang saan lang kami tatayo.”

24 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Bumaba ka at dalhin si Aaron dito. Pero ang mga pari at ang mga tao ay hindi dapat pumunta rito sa akin, para hindi ko sila parusahan.”

25 Kaya bumaba si Moises at sinabihan ang mga tao.

Footnotes

  1. 19:10 linisin ang sarili nila: Ang ibig sabihin, kailangan nilang sundin ang seremonya para maging malinis.
  2. 19:18 nayanig nang malakas ang bundok: sa ibang kopya ng Hebreo at Septuagint, nanginig ang lahat ng tao.
  3. 19:19 sa pamamagitan ng kulog: o, sa malakas na boses.

19 1 The Israelites come to Sinai. 5 Israel is chosen from among all other nations. 8 The people promise to obey God. 12 He that toucheth the hill, dieth. 16 God appeareth unto Moses upon the mount in thunder and lightning.

In the [a]third month, after the children of Israel were gone out of the land of Egypt, the same [b]day came they into the wilderness of Sinai.

For they departed from Rephidim, and came to the desert of Sinai, and camped in the wilderness, even there Israel camped before the mount.

(A)But Moses went up unto God, for the Lord had called out of the mount unto him, saying, Thus shalt thou say to the house of [c]Jacob, and tell the children of Israel.

(B)Ye have seen what I did unto the Egyptians, and how I carried you upon [d]eagle’s wings, and have brought you unto me.

Now therefore (C)if ye will hear my voice indeed, and keep my covenant, then ye shall be my chief treasure above all people, (D)though all the earth be mine.

Ye shall be unto me also a kingdom of (E)Priests, and an holy nation. These are the words which thou shalt speak unto the children of Israel.

¶ Moses then came and called for the Elders of the people, and proposed unto them all these things, which the Lord commanded him.

And the people answered all together, and said, (F)All that the Lord hath commanded, we will do. And Moses reported the words of the people unto the Lord.

And the Lord said unto Moses, Lo, I come unto thee in a thick cloud, that the people may hear while I talk with thee, and that they may also believe thee forever. (For Moses had told the words of the people unto the Lord.)

10 Moreover the Lord said unto Moses, Go to the people, and [e]sanctify them today and tomorrow, and let them wash their clothes.

11 And let them be ready on the third day: for the third day the Lord will come down in the sight of all the people upon mount Sinai:

12 And thou shalt set marks unto the people round about, saying, Take heed to yourselves, that ye go not up to the mount, nor touch the border of it, whosoever toucheth the (G)mount, shall surely die.

13 No hand shall touch it, but he shall be stoned to death, or stricken through with darts: whether it be beast or man, he shall not live: when the [f]horn bloweth long, they shall come up [g]into the mountain.

14 ¶ Then Moses went down from the mount unto the people, and sanctified the people, and they washed their clothes.

15 And he said unto the people, Be ready on the third day, and come not at your [h]wives.

16 And the third day, when it was morning, there was thunders and lightnings, and a thick cloud upon the mount, and the sound of the trumpet exceeding loud, so that all the people that was in the camp was afraid.

17 Then Moses brought the people out of the tents to meet with God, and they stood in the nether part of the mount.

18 (H)And mount Sinai was all on smoke, because the Lord came down upon it in fire, and the smoke thereof ascended, as the smoke of a furnace, and all the mount [i]trembled exceedingly.

19 And when the sound of the trumpet blew long, and waxed louder and louder, Moses spake, and God answered him by [j]voice.

20 (For the Lord came down upon mount Sinai on the top of the mount) and when the Lord called Moses up into the top of the mount, Moses went up.

21 Then the Lord said unto Moses, Go down, charge the people, that they break not their bounds, to go up to the Lord to gaze, lest many of them perish.

22 And let the [k]Priests also which come to the Lord be sanctified, lest the Lord [l]destroy them.

23 And Moses said unto the Lord, The people cannot come up into the mount Sinai: for thou hast charged us, saying, Set marks on the mountain, and sanctify it.

24 And the Lord said unto him, Go, get thee down, and come up thou, and Aaron with thee: but let not the [m]Priests and the people break their bounds to come up unto the Lord, lest he destroy them.

25 So Moses went down unto the people, and told them.

Footnotes

  1. Exodus 19:1 Which was in the beginning of the month Sivan, containing part of May, and part of June.
  2. Exodus 19:1 That they departed from Rephidim.
  3. Exodus 19:3 God called Jacob, Israel: therefore the house of Jacob and the people of Israel signify only God’s people.
  4. Exodus 19:4 For the Eagle by flying high, is out of danger, and by carrying her birds rather on her wings than in her talons declareth her love.
  5. Exodus 19:10 Teach them to be pure in heart, as they show themselves outwardly clean by washing.
  6. Exodus 19:13 Or, trumpet.
  7. Exodus 19:13 Or, toward.
  8. Exodus 19:15 But give yourselves to prayer and abstinence, that you may at this time attend only upon the Lord, 1 Cor. 7:5.
  9. Exodus 19:18 God used these fearful signs, that his law should be had in greater reverence, and his majesty the more feared.
  10. Exodus 19:19 He gave authority to Moses by plain words, that the people might understand him.
  11. Exodus 19:22 Or, rulers.
  12. Exodus 19:22 Or, break out upon them.
  13. Exodus 19:24 Neither dignity nor multitude have authority to pass the bounds that God’s word prescribeth.