Add parallel Print Page Options

Ang Awit ni Moises at ni Miriam

15 Nang(A) magkagayo'y inawit ni Moises at ng mga Israelita ang awit na ito sa Panginoon, na sinasabi,

“Ako'y aawit sa Panginoon, sapagkat siya'y maluwalhating nagtagumpay;
    kanyang inihagis sa dagat ang kabayo at ang doo'y nakasakay.
Ang(B) Panginoon ang aking awit at kalakasan,
    at siya'y naging aking kaligtasan;
Ito ang aking Diyos, at aking pupurihin siya,
    siya'y aking itataas, ang Diyos ng aking ama.
Ang Panginoon ay isang mandirigma.
     Panginoon ang pangalan niya.

“Ang mga karwahe ng Faraon at ang kanyang hukbo sa dagat ay itinapon niya,
    at ang kanyang mga piling pinuno ay inilubog sa Dagat na Pula.
Ang kalaliman ay tumatabon sa kanila;
    sila'y lumubog sa mga kalaliman na parang isang bato.
Ang iyong kanang kamay, O Panginoon ay maluwalhati sa kapangyarihan,
    ang iyong kanang kamay, O Panginoon ang dumudurog sa kaaway.
Sa kadakilaan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo ang bumabangon laban sa iyo;
    Iyong ipinapakita ang iyong matinding galit, at nililipol silang parang dayami.
Sa hihip ng iyong ilong ang tubig ay natipon,
    ang mga agos ay tumayong parang isang bunton;
    Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
Sinabi ng kaaway, ‘Aking hahabulin, aking aabutan,
Hahatiin ko ang samsam, ang aking nais sa kanila ay masisiyahan,
aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.’
10 Ikaw ay humihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng karagatan,
    Sila'y lumubog na parang tingga sa tubig na makapangyarihan.

11 “Sinong tulad mo, O Panginoon, sa mga diyos?
    Sinong gaya mo, dakila sa kabanalan,
    nakakasindak sa maluluwalhating gawa, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12 Iniunat mo ang iyong kanang kamay,
    nilamon sila ng lupa.
13 “Iyong pinatnubayan sa iyong wagas na pag-ibig ang iyong tinubos na bayan,
    sa iyong kalakasan ay inihatid mo sila sa banal mong tahanan.
14 Narinig ng mga bansa, at nanginig sila,
    mga sakit ang kumapit sa mga naninirahang taga-Filistia.
15 Kaya't ang mga pinuno ng Edom ay nagimbal;
    sa matatapang sa Moab, ang panginginig sa kanila ay sumakmal,
    at naupos ang lahat ng taga-Canaan.
16 Sindak at panghihilakbot ang sa kanila'y umabot,
    dahil sa kadakilaan ng iyong bisig, sila'y parang batong di makakilos;
hanggang sa makaraan, O Panginoon, ang iyong bayan,
    hanggang ang bayan na iyong binili ay makaraan.
17 Sila'y iyong papapasukin, at sila'y iyong itatanim sa bundok na iyong ari-arian,
    sa dako, O Panginoon, na iyong ginawa upang iyong maging tahanan,
    sa santuwaryo, O Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 Ang Panginoon ay maghahari magpakailanpaman.”

19 Sapagkat nang ang mga kabayo ng Faraon ay nagtungo pati ang kanyang mga karwahe at pati ng kanyang mga nangangabayo sa dagat, at pinanunumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; subalit lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

20 Si Miriam na babaing propeta, na kapatid ni Aaron ay humawak ng isang pandereta sa kanyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kanya, na may mga pandereta at nagsayawan.

21 Sila'y inawitan ni Miriam:

“Umawit kayo sa Panginoon, sapagkat siya'y maluwalhating nagtagumpay;
nang inihagis niya sa dagat ang kabayo at ang doo'y nakasakay.”

22 Patuloy na pinangunahan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Pula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur; sila'y lumakad ng tatlong araw sa ilang at hindi nakatagpo ng tubig.

Ang Israel sa Mara

23 Nang sila'y dumating sa Mara, hindi nila mainom ang tubig sa Mara, sapagkat ito ay mapait. Kaya't tinawag itong Mara.[a]

24 Nagreklamo ang bayan kay Moises, na sinasabi, “Anong aming iinumin?”

25 Siya'y dumaing sa Panginoon at itinuro sa kanya ng Panginoon ang isang punungkahoy; inihagis niya ito sa tubig, at ang tubig ay tumamis.

Doon, gumawa ang Panginoon[b] para sa kanila ng isang batas at tuntunin. Doon ay sinubok niya sila,

26 na sinasabi, “Kung iyong diringgin ng buong tiyaga ang tinig ng Panginoon mong Diyos, at iyong gagawin ang matuwid sa kanyang mga mata, at iyong susundin ang kanyang mga utos, at iyong tutuparin ang lahat ng kanyang mga batas, wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Ehipcio; sapagkat ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.”

27 Sila'y dumating sa Elim, kung saan mayroong labindalawang bukal ng tubig, at pitumpung puno ng palma; at sila'y humimpil doon sa tabi ng tubig.

Footnotes

  1. Exodo 15:23 Sa Hebreo ay Kapaitan .
  2. Exodo 15:25 Sa Hebreo ay siya .

Ang awit ni Moises at ni Miriam.

15 Nang magkagayo'y inawit ni (A)Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi,

Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati:
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.
Ang Panginoon ay aking lakas at (B)awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking (C)tatanghalin.
Ang Panginoo'y isang (D)mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat;
At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.
Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila:
Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na (E)parang isang bato.
(F)Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan.
Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.
At sa kalakhan ng iyong (G)karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo:
Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang (H)dayami.
(I)At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang (J)tubig,
Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton;
Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.
Sinabi ng kaaway,
Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam,
Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila;
Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.
10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat.
Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.
11 (K)Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios?
Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan,
Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?
12 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay,
Nilamon sila ng lupa.
13 (L)Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong (M)tinubos:
Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila (N)sa banal mong tahanan.
14 (O)Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig:
Mga sakit ang (P)kumapit sa mga taga Filistia.
15 (Q)Nang magkagayo'y natulig (R)ang mga pangulo sa Edom;
(S)Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila:
Lahat ng taga Canaan ay nauubos.
16 Sindak at gulat ang (T)sumasakanila;
Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na (U)parang bato;
Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon,
Hanggang sa makaraan ang bayang ito (V)na iyong kinamtan.
17 Sila'y iyong papapasukin, at (W)sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana,
Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan,
(X)Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.
18 (Y)Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.

19 Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

20 At si Miriam na (Z)propetisa na (AA)kapatid ni Aaron, ay (AB)tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at (AC)sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.

21 At (AD)sila'y sinagot ni Miriam,

(AE)Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati;
Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.

22 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng (AF)Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.

Ang Israel sa Mara.

23 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.[a]

24 At (AG)inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?

25 At siya'y dumaing sa Panginoon; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at (AH)inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin (AI)at doon sila sinubok niya;

26 At sinabi, (AJ)Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay (AK)wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na (AL)nagpapagaling sa iyo.

27 At sila'y dumating sa (AM)Elim, na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig, at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig.

Footnotes

  1. Exodo 15:23 Kapaitan.

15 Nang magkagayo'y inawit ni Moises at ng mga anak ni Israel ang awit na ito sa Panginoon, at sinalita, na sinasabi, Ako'y aawit sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati: Ang kabayo at ang sakay niyaon ay kaniyang ibinulusok sa dagat.

Ang Panginoon ay aking lakas at awit, At siya'y naging aking kaligtasan: Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin. Dios ng aking ama, at siya'y aking tatanghalin.

Ang Panginoo'y isang mangdidigma: Panginoon ang kaniyang pangalan.

Ang mga karro ni Faraon at ang kaniyang hukbo ay ibinulusok niya sa dagat; At ang kaniyang mga piling kapitan ay ipinaglulubog sa Dagat na Mapula.

Ang mga kalaliman ang tumatabon sa kanila: Sila'y lumubog sa mga kalaliman, na parang isang bato.

Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay maluwalhati sa kapangyarihan. Ang iyong kanan, Oh Panginoon, ay dumudurog ng kaaway.

At sa kalakhan ng iyong karilagan ay ibinubuwal mo yaong bumabangon laban sa iyo: Iyong ipinakikita ang iyong pagiinit, at nililipol silang parang dayami.

At sa hihip ng iyong ilong ay natitipon ang tubig, Ang mga agos ay nagsilagay na parang isang bunton; Ang mga kalaliman ay namuo sa gitna ng dagat.

Sinabi ng kaaway, Aking hahabulin, aking aabutan, magbabahagi ako ng samsam, Ang aking nasa ay masisiyahan sa kanila; Aking bubunutin ang aking tabak, lilipulin sila ng aking kamay.

10 Ikaw ay nagpahihip ng iyong hangin, at tinabunan sila ng dagat. Sila'y lumubog na parang tingga sa makapangyarihang tubig.

11 Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan?

12 Iyong iniunat ang iyong kanang kamay, Nilamon sila ng lupa.

13 Iyong pinapatnubayan sa iyong awa ang bayan na iyong tinubos: Sa iyong kalakasan ay iyong inihahatid sila sa banal mong tahanan.

14 Narinig ng mga bayan; at sila'y nanginig: Mga sakit ang kumapit sa mga taga Filistia.

15 Nang magkagayo'y natulig ang mga pangulo sa Edom; Sa matatapang sa Moab, ay panginginig ang sumasakanila: Lahat ng taga Canaan ay nauubos.

16 Sindak at gulat ang suma-sakanila; Sa kadakilaan ng iyong bisig ay nagiging walang kibo sila na parang bato; Hanggang sa ang iyong bayan ay makaraan, Oh Panginoon, Hanggang sa makaraan ang bayang ito na iyong kinamtan.

17 Sila'y iyong papapasukin, at sila'y iyong itatayo sa bundok na iyong pamana, Sa dako, Oh Panginoon, na iyong ginawa sa iyo, upang iyong tahanan, Sa santuario, Oh Panginoon, na itinatag ng iyong mga kamay.

18 Ang Panginoon ay maghahari magpakailan man.

19 Sapagka't ang mga kabayo ni Faraon, ay nagsipasok pati ng kaniyang mga karro at pati ng kaniyang mga nangangabayo sa dagat, at pinapanumbalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila; datapuwa't lumakad ang mga anak ni Israel sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

20 At si Miriam na propetisa na kapatid ni Aaron, ay tumangan ng isang pandereta sa kaniyang kamay; at sumunod ang lahat ng mga babae sa kaniya, na may mga pandereta at nagsayawan.

21 At sila'y sinagot ni Miriam, Umawit kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y nagtagumpay ng kaluwaluwalhati; Ang kabayo at ang sakay niyaon ay ibinulusok niya sa dagat.

22 At pinatnubayan ni Moises ang Israel mula sa Dagat na Mapula, at sila'y lumabas sa ilang ng Shur; at sila'y lumakad na tatlong araw sa ilang, at hindi nakasumpong ng tubig.

23 At nang sila'y dumating sa Mara, ay hindi sila makainom ng tubig sa Mara, sapagka't mapait: kaya't ang pangalang itinawag ay Mara.

24 At inupasala ng bayan si Moises, na sinasabi, Anong aming iinumin?

25 At siya'y dumaing sa Panginoon; at pinapagkitaan siya ng Panginoon ng isang puno ng kahoy, at inihagis niya sa tubig, at ang tubig ay tumabang. Doon inatangan niya ng palatuntunan, at ng tagubilin at doon sila sinubok niya;

26 At sinabi, Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo.

27 At sila'y dumating sa Elim, na doo'y mayroong labingdalawang bukal ng tubig, at pitongpung puno ng palma; at sila'y humantong doon sa tabi ng mga tubig.

Ang Awit ni Moises

15 Umawit si Moises at ang mga Israelita ng awit sa Panginoon:

    “Aawitan ko ang Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay.
    Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.
Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas,
    at siya ang aking awit.
    Siya ang nagligtas sa akin.
    Siya ang aking Dios, at pupurihin ko siya.
    Siya ang Dios ng aking ama,[a] at itataas ko siya.
Panginoon ang kanyang pangalan, isa siyang mandirigma.
Itinapon niya sa dagat ang mga karwahe at mga sundalo ng Faraon.
    Nalunod ang pinakamagagaling na opisyal ng Faraon sa Dagat na Pula.
Nalunod sila sa malalim na tubig;
    lumubog sila sa kailaliman katulad ng isang bato.

“Dakila ang kapangyarihan nʼyo, O Panginoon;
    sa pamamagitan nito, dinurog nʼyo ang inyong mga kaaway.
Sa inyong kapangyarihan, ibinagsak nʼyo ang mga kumakalaban sa inyo.
    Ipinadama nʼyo sa kanila ang inyong galit na siyang tumupok sa kanila na parang dayami.
Sa isang ihip nʼyo lang, nahati ang tubig.
    Ang dumadaluyong na tubig ay nahati at tumayo na parang pader;
    natuyo ang malalim na dagat.
Sinabi ng nagyayabang na kaaway,
    ‘Hahabulin ko sila at huhulihin;
    paghahati-hatiin ko ang kanilang mga kayamanan at bubusugin ko nito ang aking sarili.
    Bubunutin ko ang aking espada at lilipulin sila.’
10 Pero sa isang ihip nʼyo lang, nalunod sila sa dagat.
    Lumubog sila sa kailaliman kagaya ng tingga.
11 O Panginoon, sino po ba ang dios na katulad nʼyo?
    Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan.
    Kayo lang po ang Dios na gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay!
12 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,[b] nilamon ng lupa ang aming mga kaaway.

13 “Sa pamamagitan ng walang tigil nʼyong pagmamahal, gagabayan nʼyo ang inyong mga iniligtas.
    Sa pamamagitan ng inyong lakas, gagabayan nʼyo sila sa banal nʼyong tahanan.
14 Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot.
    Lubhang matatakot ang mga Filisteo.
15 Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot,
    at ang mga pinuno[c] ng Canaan ay hihimatayin sa takot.

16 Tunay na matatakot sila.
    Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos,
    hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon.
17 Dadalhin nʼyo ang mga mamamayan ninyo sa inyong lupain,
    at ilalagay nʼyo sila sa bundok na pagmamay-ari ninyo –
    ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon,
    ang templong kayo mismo ang gumawa.
18 Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”

19 Tinabunan ng Panginoon ng tubig ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon matapos na makatawid ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

20 Kumuha ng tamburin si Miriam na propeta at kapatid ni Aaron, at pinangunahan niya ang mga babae sa pagtugtog ng tamburin at pagsayaw. 21 Inawit ni Miriam ang awit na ito sa kanila:

“Umawit kayo sa Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay.
Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.”

Ang Mapait na Tubig

22 At dinala ni Moises ang mga Israelita mula sa Dagat na Pula papunta sa ilang ng Shur. Sa loob ng tatlong araw, naglakbay sila sa ilang at wala silang nakitang tubig. 23 Nang makarating sila sa Mara, nakakita sila ng tubig, pero hindi nila ito mainom dahil mapait. (Ito ang dahilan kung bakit Mara ang pangalan ng lugar.)[d] 24 Dahil dito, nagreklamo ang mga Israelita kay Moises, “Ano ang iinumin natin?”

25 Kaya humingi ng tulong si Moises sa Panginoon, at ipinakita ng Panginoon sa kanya ang isang putol ng kahoy. Inihagis ito ni Moises sa tubig at nawala ang pait ng tubig.

Doon ibinigay ng Panginoon ang tuntunin at kautusang ito para subukin ang katapatan nila sa kanya: 26 “Kung susundin ninyo ako nang buong puso, ang Panginoon na inyong Dios, at gagawa ng mabuti sa aking paningin, at susundin ang aking mga kautusan at tuntunin, hindi ko kayo padadalhan ng mga karamdaman gaya ng ipinadala ko sa mga Egipcio, dahil ako ang Panginoon, ang nagpapagaling sa inyo.”

27 Dumating sila sa Elim, kung saan may 12 bukal at 70 puno ng palma, at nagkampo sila malapit sa tubig.

Footnotes

  1. 15:2 ama: o, ninuno.
  2. 15:12 Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan: sa literal, Inunat nʼyo ang inyong kanang kamay.
  3. 15:15 pinuno: o, mamamayan.
  4. 15:23 Mara: Ang ibig sabihin, mapait.