Add parallel Print Page Options

Ang Pang-aapi sa mga Israelita

Ito(A) ang mga anak ni Jacob na kasama niyang pumunta sa Egipto, kasama ang kani-kanilang sambahayan: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Benjamin, Dan, Neftali, Gad at Asher; silang lahat ay pitumpu. Si Jose ay matagal nang nasa Egipto noon. Paglipas ng panahon, namatay si Jose, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang salinlahi. Ngunit(B) mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya't sila'y naging makapangyarihan at halos napuno nila ang buong lupain.

Lumipas(C) ang panahon at nagkaroon ang Egipto ng ibang hari na hindi nakakakilala kay Jose. Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, “Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila'y patuloy na dumarami at lumalakas kaysa atin. 10 Kailangang(D) gumawa tayo ng paraan upang mapigil ang kanilang pagdami. Baka salakayin tayo ng ating mga kaaway at kumampi pa sila sa mga ito, at pagkatapos ay tumakas sa[a] ating lupain.” 11 Kaya't naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinagawa ng Faraon sa mga ito ang mga Lunsod ng Pitom at Rameses, mga lunsod na imbakan ng mga pagkain at kagamitan. 12 Ngunit habang inaapi, ang mga ito ay lalo namang dumarami at naninirahan ang mga Israelita sa iba't ibang bayan kaya't sila'y kinatakutan ng mga Egipcio. 13 Dahil dito, ang mga Israelita'y lalong walang awang 14 pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng iba't ibang mabibigat na gawaing bukid.

15 Isang araw, ipinatawag ng Faraon sina Sifra at Pua, ang mga komadronang Hebreo at sinabihan nang ganito: 16 “Sa pagpapaanak ninyo sa mga Hebrea, patayin ninyo kung lalaki ang sanggol, at hayaan ninyong mabuhay kung babae.” 17 Ngunit dahil sa takot nila sa Diyos, hindi sinunod ng mga komadrona ang utos ng hari; hindi nila pinapatay ang mga sanggol na lalaki. 18 Dahil dito'y ipinatawag sila ng hari at tinanong, “Bakit hindi ninyo pinapatay ang mga sanggol na lalaking isinisilang ng mga Hebrea?”

19 “Mangyari po, iba ang mga Hebrea sa mga Egipcia. Madali po silang manganak kaya naisilang na ang sanggol pagdating namin,” sagot nila. 20 Kaya't patuloy na dumami at lumakas ang mga Israelita. Ang mga komadrona naman ay kinalugdan ng Diyos. 21 Sila'y pinagkalooban niya ng mga sariling pamilya. 22 Iniutos(E) naman ng Faraon sa lahat ng kanyang nasasakupan na itapon sa Ilog Nilo ang lahat ng lalaking isisilang ng mga Hebrea at hayaan namang mabuhay ang mga babae.

Footnotes

  1. Exodo 1:10 tumakas sa: o kaya'y sakupin ang .

Izraelci u Egiptu

Ovo su imena Izraelovih sinova koji su s njim otišli u Egipat, svaki sa svojom obitelji: Ruben, Šimun, Levi, Juda, Isakar, Zebulun, Benjamin, Dan, Naftali, Gad i Ašer. S Josipom, koji je već bio u Egiptu, bilo je ukupno sedamdeset Jakovljevih potomaka. Tijekom vremena umrli su Josip, sva njegova braća i čitav taj naraštaj. No Izraelci su bili plodni i razmnožili su se. Postali su iznimno brojni i snažni, tako da ih je bio pun Egipat.

Izraelci potlačeni

Potom je na vlast u Egiptu došao novi kralj koji nije znao za Josipa. »Gledajte«, rekao je svom narodu, »Izraelci su brojniji i jači od nas. 10 Postupimo s njima lukavo, da se ne bi još više namnožili. U slučaju rata mogli bi se pridružiti neprijateljima, boriti se protiv nas i pobjeći iz zemlje.«

11 Zato su nad njima postavili nadglednike da ih prisiljavaju na teške radove pa su Izraelci za faraona izgradili gradove-skladišta, Pitom i Ramses. 12 No što su ih više tlačili, Izraelci su se više množili i širili pa su ih se Egipćani počeli bojati. 13 Zbog toga su ih nemilosrdno prisiljavali na ropstvo 14 te im zagorčali život teškim poslovima. Morali su izrađivati cigle i žbuku, i obavljati svaku vrstu poljskih radova. I kakve god da su im radove nametnuli, bili su okrutni prema njima.

Faraonov zli plan

15 Egipatski je kralj rekao hebrejskim babicama koje su se zvale Šifra i Pua: 16 »Kad pomažete Hebrejkama pri porodu pa vidite muško novorođenče, ubijte ga, a žensko pustite da živi.«

17 No iz strahopoštovanja prema Bogu, babice nisu poslušale egipatskog kralja, nego su ostavljale dječake na životu.

18 Stoga ih je egipatski kralj pozvao i upitao: »Zašto to činite? Zašto ostavljate dječake na životu?«

19 »Hebrejke nisu kao Egipćanke«, odgovore babice faraonu. »Jake su i lako rađaju, prije nego što babice stignu do njih.«

20 Bog je bio naklonjen babicama pa se narod namnožio i postao vrlo jak. 21 Budući da su pokazale strahopoštovanje prema Bogu, dao im je vlastite obitelji.

22 Tada je faraon zapovjedio čitavom svom narodu: »Bacite u Nil svakog dječaka koji se rodi Hebrejima, a djevojčice ostavite na životu.«

Pinahihirapan ang Israel sa Egipto.

Ito nga (A)ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.)

Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda;

Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin;

Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser.

At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay (B)pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na.

(C)At namatay si Jose, at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon.

(D)At ang mga anak ni Israel ay lumago, at kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila.

(E)May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose.

(F)At sinabi niya sa kaniyang bayan, Narito, ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin:

10 Hayo't (G)tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain.

11 (H)Kaya't nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag, upang dalamhatiin sila sa (I)atang sa kanila. At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga (J)bayan na kamaligan, na dili iba't ang Phithom at Raamses.

12 Datapuwa't habang dinadalamhati nila sila, ay lalong dumadami at lalong kumakapal. At kinapootan nila ang mga anak ni Israel.

13 At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Egipcio ang mga anak ni Israel:

14 At kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod, sa argamasa at sa laryo, at sa lahat ng sarisaring paglilingkod sa bukid, at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod sa kanila, na may kabagsikan.

Pinapatay ang mga batang lalaki.

15 At ang hari sa Egipto ay nagsalita sa mga hilot na Hebrea, na ang pangalan ng isa ay Siphra, at ang pangalan ng isa ay Phua:

16 At kaniyang sinabi, Paghilot ninyo sa mga babaing Hebrea, at pagtingin ninyo sa kanila sa dakong panganganakan; kung lalake, ay papatayin nga ninyo: datapuwa't kung babae ay inyong bubuhayin.

17 Datapuwa't ang mga hilot ay (K)nangatakot sa Dios at hindi ginawa ang (L)gaya ng iniutos sa kanila ng hari sa Egipto, kundi iniligtas na buháy ang mga batang lalake.

18 At ipinatawag ng hari sa Egipto ang mga hilot, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ginawa ang bagay na ito, at inyong iniligtas na buháy ang mga batang lalake?

19 At sinabi ng mga hilot kay Faraon, Sapagka't ang mga babaing Hebrea ay hindi gaya ng mga babaing Egipcia; sapagka't sila'y maliliksi, at nakapanganak na, bago dumating ang hilot sa kanila.

20 (M)At ang Dios ay gumawa ng mabuti sa mga hilot: at ang bayan ay kumapal, at naging totoong makapangyarihan.

21 At nangyari, na sapagka't ang mga hilot ay natakot sa Dios, ay iginawa (N)niya sila ng mga sangbahayan.

22 At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan, na sinasabi, Itatapon ninyo sa ilog bawa't lalake na ipanganak, at bawa't babae ay ililigtas ninyong buháy.