Add parallel Print Page Options

16 (A)At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi ayon sa kanilang lahi; si Gerson, at si Coath, at si Merari; at ang mga naging taon ng buhay ni Levi ay isang daan at tatlong pu't pitong taon.

17 (B)Ang mga anak ni Gerson; si Libni at si Shimi, ayon sa kanikanilang angkan.

18 (C)At ang mga anak ni Coath; si Amram, at si Izhar, at si Hebron, at si Uzziel; at ang mga naging taon ng buhay ni Coath ay isang daan at tatlong pu't tatlong taon.

19 At ang mga anak ni Merari; si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang lahi.

20 (D)At nagasawa si Amram kay Jochebed na kapatid na babae ng kaniyang ama, at ipinanganak nito sa kaniya si Aaron at si Moises: at ang mga naging taon ng buhay ni Amram ay isang daan at tatlong pu't pitong taon.

21 (E)At ang mga anak ni Izhar; si Cora, at si Nepheg, at si Zithri.

22 At ang mga anak ni Uzziel; si Misael, at si Elzaphan, at si Zithri.

23 At nagasawa si Aaron kay Elisabeth, na anak ni (F)Aminadab, na kapatid ni Naason; at ipinanganak nito sa kaniya si (G)Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

24 At ang mga anak ni Cora; si Assir, at si Elcana, at si Abiasaph; ito ang mga angkan ng mga Corita.

25 At si Eleazar na anak ni Aaron, ay nagasawa sa isa sa mga anak ni Phutiel; at ipinanganak (H)niya si Phinees. Ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita ayon sa kanilang mga angkan.

Read full chapter