Exodo 35
Magandang Balita Biblia
Ang mga Tuntunin sa Araw ng Pamamahinga
35 Tinipon ni Moises ang buong Israel at kanyang sinabi, “Ito ang iniuutos sa inyo ni Yahweh: 2 Anim(A) na araw kayong magtatrabaho, ngunit ang ikapitong araw ay Araw ng Pamamahinga na nakalaan sa akin. Papatayin ang sinumang magtrabaho sa araw na iyon. 3 Sa Araw ng Pamamahinga, huwag kayong magsisindi ng apoy sa lahat ng inyong mga tahanan.”
Ang mga Handog para sa Santuwaryo(B)
4 Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Ito ang iniuutos ni Yahweh: 5 Maghandog kayo kay Yahweh. Ito ang maaari ninyong ihandog: ginto, pilak at tanso; 6 lanang kulay asul, kulay ube, at kulay pula. Gayundin ng pinong sinulid na lino, at balahibo ng kambing, 7 balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, mainam na balat, at kahoy na akasya, 8 langis para sa ilawan, pabangong panghalo sa langis na pampahid at sa insenso. 9 Maghahandog din sila ng mga alahas na kornalina at mamahaling alahas na pampalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari.”
Ang mga Kagamitan sa Toldang Tipanan(C)
10 “Tipunin mo ang lahat ng mahuhusay na manggagawa at sila ang pagawin 11 ng tabernakulo, ng tolda at ng mga tabing nito, ng mga kawit at ng mga patayo at pahalang na balangkas, ng mga tukod at ng mga patungan nito. 12 Sila rin ang gagawa ng Kaban ng Tipan at ng mga pasanan nito, gayundin ng Luklukan ng Awa at ng tabing nito. 13 Sila rin ang gagawa ng mesa, ng mga paa at lahat ng kagamitan nito, ng lalagyan ng tinapay na ihahandog sa Diyos, 14 ng ilawan, ng mga kagamitan nito, ng mga ilaw at langis para rito. 15 Sila rin ang gagawa ng altar na sunugan ng insenso, pati ang mga pasanan nito, ang langis na pampahid, ang mabangong insenso at ng kurtinang ilalagay sa pintuan ng tabernakulo, 16 ng altar na sunugan ng mga handog, ng parilyang tanso, ng mga pasanan at ng mga kagamitang kasama ng altar, ng palanggana at ng patungan nito. 17 Sila rin ang gagawa ng mga tabing ng bulwagan, ng mga tukod na pagkakabitan, at ng mga patungan ng tukod pati ng kurtina sa pintuan. 18 Sila rin ang gagawa ng tulos, ng mga lubid na gagamitin sa tabernakulo at sa mga tabing, 19 ng mamahaling kasuotan ng mga pari na gagamitin pagpasok nila sa Dakong Banal—ng mga damit na gagamitin ni Aaron at ng kanyang mga anak sa kanilang paglilingkod sa akin bilang mga pari.”
Dinala ang mga Handog
20 Ang mga Israelita'y nagbalikan na sa kani-kanilang tolda. 21 Lahat ng nais tumulong ay naghandog kay Yahweh ng inaakala nilang magagamit sa paggawa ng Toldang Tipanan, ng mga kagamitan sa pagsamba at ng kasuotan ng mga pari. 22 Babae't lalaki ay naghandog. May nagdala ng pulseras, hikaw, singsing, kuwintas at iba pang alahas na ginto. Dinala ng bawat isa ang kanyang alahas na ginto at inihandog kay Yahweh. 23 May naghandog din ng lanang kulay asul, kulay ube at pula, ng telang lino, telang yari sa balahibo ng kambing, pinapulang balat ng tupa at balat ng kambing. 24 Ang iba nama'y naghandog ng pilak o tansong kagamitan, at ng kahoy na akasya para sa tabernakulo. 25 Ang mga babae namang marunong sa pagsisinulid ay gumawa ng sinulid na lanang asul, kulay ube at pula, gayundin ng pinong lino, at ito ang kanilang ipinagkaloob. 26 May gumawa rin ng sinulid mula sa balahibo ng kambing. 27 Ang mga pinuno ay naghandog ng kornalina, mga alahas na ipapalamuti sa efod at sa pektoral ng pinakapunong pari. 28 May nagdala naman ng langis para sa ilawan, ng pabangong ihahalo sa langis na pantalaga at sa insenso. 29 Lahat ng Israelita, lalaki at babae na handang tumulong ay nagdala ng handog kay Yahweh para sa ipinagagawa niya kay Moises.
Ang mga Gagawa sa Toldang Tipanan(D)
30 Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Pinili ni Yahweh si Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur, buhat sa lipi ni Juda. 31 Siya'y pinuspos niya ng Espiritu ng Diyos[a] at binigyan ng kakayahan, kahusayan, at katalinuhan sa lahat ng gawaing pansining. 32 Ginawa niya ito upang makagawa siya ng magagandang disenyo at maiukit ito sa ginto, pilak o tanso. 33 Gayundin, upang maging bihasa siya sa pagtabas ng mamahaling bato, mahusay sa paglilok, at dalubhasa sa anumang gawaing pansining. 34 Siya at si Aholiab, anak ni Ahisamac na mula sa lipi ni Dan, ay binigyan ni Yahweh ng kakayahan para maituro nila sa iba ang kanilang nalalaman. 35 Sila'y binigyan niya ng pambihirang kakayahang gumawa ng gawain ng mga dalubhasang mag-uukit, taga-disenyo, pangkaraniwang manghahabi at ng manghahabi ng lanang asul, kulay ube at pula at ng pinong lino. Kaya nilang gawin ang anumang uri ng gawain.
Footnotes
- Exodo 35:31 ng Espiritu ng Diyos: o ng kapangyarihan.
出埃及记 35
Chinese New Version (Traditional)
安息日之條例(A)
35 摩西召集了以色列全體會眾,對他們說:“這就是耶和華吩咐的話,要你們遵行。 2 六日要工作,但第七日是你們的聖日,要歸耶和華為休息的安息日。凡是在這日工作的,必須把他處死。 3 在安息日,不可在你們任何的住處生火。”
建造會幕的技工(B)
4 摩西告訴以色列全體會眾說:“耶和華吩咐的是這樣,他說: 5 ‘你們要從你們中間拿禮物來給耶和華,凡是甘心樂意的,都可以把耶和華的禮物帶來,就是金、銀、銅、 6 藍色紫色朱紅色線、細麻、山羊毛、 7 染紅的公羊皮、海狗皮、皂莢木、 8 燈油,以及作膏油和芬芳的香的香料、 9 紅瑪瑙寶石,以及可以鑲嵌在以弗得和胸牌上的寶石。
10 “‘你們中間凡是心裡有智慧的都要來,做耶和華吩咐的一切, 11 就是做帳幕、帳幕的棚罩、帳幕的蓋、鉤子、木板、橫閂、柱子、帳幕的座、 12 櫃、櫃槓、施恩座、遮蓋至聖所的幔子、 13 桌子、桌子的槓、桌子的一切器具、陳設餅、 14 燈臺、燈臺的器具、燈盞、燈油、 15 香壇、香壇的槓、膏油、芬芳的香、帳幕門口的門簾、 16 燔祭壇、壇的銅網、壇槓、壇的一切器具、洗濯盆、盆座、 17 院子的帷子、帷子的柱子、帷子的座、院子的門簾、 18 帳幕的釘子、院子的釘子,以及這兩處的繩子、 19 在聖所供職用的彩衣、祭司亞倫的聖衣和他兒子供祭司職用的衣服。’”
20 以色列全體會眾從摩西面前離去了。 21 凡是心裡受感、靈裡樂意的,都來了;他們把耶和華的禮物都帶來了,用作會幕的工程和會幕中的一切使用,又用來做聖衣。 22 凡是甘心樂意的,不論男女,都來了,把金針、耳環、戒指、手釧和各樣的金器都送來。他們各人都把金子作禮物呈獻給耶和華。 23 凡是有藍色紫色朱紅色線、細麻、山羊毛、染紅的公羊皮、海狗皮的,都送了來。 24 凡是奉獻銀子和銅為禮物的,都帶了來作耶和華的禮物;凡是有皂莢木可以用作工程上任何使用的,都帶了來。 25 凡是心中有智慧的婦女都親手紡織,把所紡的藍色紫色朱紅色線都帶了來。 26 凡是有心意又有智慧的婦女,都紡山羊毛。 27 首領把紅瑪瑙寶石,以及可以鑲嵌在以弗得和胸牌上的寶石都帶了來; 28 又帶來了香料、點燈用的油、膏油、芬芳的香。 29 以色列人無論男女,凡是甘心樂意為作耶和華藉摩西吩咐的一切工程的,都把自願奉獻的禮物帶了來獻給耶和華。
30 摩西對以色列人說:“看哪,猶大支派中戶珥的孫子、烏利的兒子比撒列,耶和華已經提名召他, 31 又用 神的靈充滿他,使他有智慧,有聰明,有知識,有作一切巧工的技能。 32 能巧設圖案,用金、銀、銅製造各物; 33 又能雕刻寶石,用來鑲嵌;又能雕刻木頭,用來製造各種巧工。 34 耶和華又賜給他和但支派中亞希撒抹的兒子亞何利亞伯,心裡有教導人的恩賜。 35 耶和華又用智慧充滿他們的心,使他們能作各種工作,雕刻的工,設圖案的工,用藍色紫色朱紅色線和細麻刺繡的工,以及編織的工。他們能作各種工程,也能巧設圖案。”
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.

