Add parallel Print Page Options

Ang Kapangyarihan ni Haring Ahasuerus at Mordecai

10 Pinagbayad ni Haring Ahasuerus ng buwis ang lahat ng mamamayan sa buong kaharian niya, pati na ang nakatira sa mga isla.[a] Ang kapangyarihan ni Haring Ahasuerus at ang lahat ng ginawa niya, pati na ang pagtataas niya ng katungkulan kay Mordecai at ang malaking karangalang ibinigay niya rito ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng hari ng Media at Persia. Si Mordecai ay pangalawa kay Haring Ahasuerus. Tanyag siya sa mga kapwa niya Judio, at iginagalang nila dahil ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng mga kalahi niyang Judio, at siya ang nakikiusap sa hari kapag mayroon silang kahilingan.

Footnotes

  1. 10:1 isla: o, lugar malapit sa dagat; o, malalayong lugar.

The Greatness of Mordecai

10 King Xerxes imposed tribute throughout the empire, to its distant shores.(A) And all his acts of power and might, together with a full account of the greatness of Mordecai,(B) whom the king had promoted,(C) are they not written in the book of the annals(D) of the kings of Media and Persia? Mordecai the Jew was second(E) in rank(F) to King Xerxes,(G) preeminent among the Jews, and held in high esteem by his many fellow Jews, because he worked for the good of his people and spoke up for the welfare of all the Jews.(H)