Font Size
Efeso 3:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Efeso 3:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Kahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya,[a] ipinagkaloob pa rin sa akin ng Dios ang pribilehiyong ipangaral sa mga hindi Judio ang hindi masukat na biyayang galing kay Cristo, 9 at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Dios. Noong unaʼy inilihim ito ng Dios na lumikha ng lahat ng bagay, 10 para sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan.
Read full chapterFootnotes
- 3:8 mananampalataya: sa Griego, hagios, Tingnan ang “footnote” sa 1:1.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®