Add parallel Print Page Options

25 “Kung magkaroon ng usapin ang mga tao at sila'y pumunta sa hukuman, at sila'y hahatulan; kanilang pawawalang-sala ang matuwid at parurusahan ang salarin.

Kung ang salarin ay nararapat hagupitin, padadapain siya ng hukom sa lupa, at hahagupitin sa kanyang harapan na may bilang ng hagupit ayon sa kanyang pagkakasala.

Apatnapung(A) hagupit ang ibibigay sa kanya, huwag lalampas; baka kung siya'y hagupitin niya nang higit sa bilang na ito, ang iyong kapatid ay maging hamak sa iyong paningin.

“Huwag(B) mong bubusalan ang baka kapag gumigiik.

Katungkulan para sa Namatay na Kapatid

“Kung(C) ang magkapatid ay naninirahang magkasama, at isa sa kanila'y namatay at walang anak, ang asawang babae ng namatay ay huwag mag-aasawa ng isang dayuhan o sa labas ng pamilya. Ang kapatid na lalaki ng kanyang asawa ay sisiping sa kanya, kukunin siya bilang asawa, at tutuparin sa kanya ang tungkulin ng kapatid na namatay.

Ang panganay na kanyang ipapanganak ay papalit sa pangalan ng kanyang kapatid na namatay upang ang kanyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.

At(D) kung ayaw kunin ng lalaki ang asawa ng kanyang kapatid, ang asawa ng kanyang kapatid ay pupunta sa pintuang-bayan sa matatanda, at sasabihin, ‘Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kanyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng kapatid na namatay.’

Kung magkagayo'y tatawagin siya ng matatanda sa kanyang bayan at makikipag-usap sa kanya; at kung siya'y magpumilit at sabihin, ‘Ayaw kong kunin siya;’

ang asawa ng kanyang kapatid ay lalapit sa kanya sa harapan ng matatanda at huhubarin ang sandalyas sa kanyang mga paa, at luluraan siya sa mukha; at siya'y sasagot at sasabihin, ‘Ganyan ang gagawin sa lalaking ayaw magtindig ng sambahayan ng kanyang kapatid.’

10 At ang kanyang pangala'y tatawagin sa Israel, ‘Ang bahay ng hinubaran ng sandalyas.’

Iba Pang mga Batas

11 “Kapag may dalawang lalaking nag-aaway at ang asawang babae ng isa ay lumapit upang iligtas ang kanyang asawa sa kamay ng nananakit sa kanya sa pamamagitan ng pag-uunat niya ng kanyang kamay at paghawak sa maselang bahagi ng lalaki,

12 iyo ngang puputulin ang kamay ng babae. Huwag kang magpapakita ng habag.

13 “Huwag(E) kang magkakaroon sa iyong supot ng dalawang uri ng pabigat, isang malaki at isang maliit.

14 Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng dalawang uri ng takalan, isang malaki at isang maliit.

15 Magkaroon ka lamang ng isang tunay at tapat na pabigat; magkaroon ka lamang ng isang tunay at tapat na takalan upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.

16 Sapagkat ang lahat ng gumagawa ng gayong mga bagay, ang lahat ng gumagawa ng pandaraya ay kasuklamsuklam sa Panginoon mong Diyos.

Ang Utos na Patayin ang mga Amalekita

17 “Alalahanin(F) mo ang ginawa sa iyo ng Amalek sa daan nang ikaw ay lumabas sa Ehipto;

18 kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at pinatay niya ang mga kahuli-hulihan sa iyo, ang lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at nanghihina; at siya'y hindi natakot sa Diyos.

19 Kaya't kapag binigyan ka ng Panginoon mong Diyos ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos na pinakamana upang angkinin ay iyong papawiin ang alaala ng Amalek sa ilalim ng langit; huwag mong kakalimutan.

25 When people have a dispute, they are to take it to court and the judges(A) will decide the case,(B) acquitting(C) the innocent and condemning the guilty.(D) If the guilty person deserves to be beaten,(E) the judge shall make them lie down and have them flogged in his presence with the number of lashes the crime deserves, but the judge must not impose more than forty lashes.(F) If the guilty party is flogged more than that, your fellow Israelite will be degraded in your eyes.(G)

Do not muzzle an ox while it is treading out the grain.(H)

If brothers are living together and one of them dies without a son, his widow must not marry outside the family. Her husband’s brother shall take her and marry her and fulfill the duty of a brother-in-law to her.(I) The first son she bears shall carry on the name of the dead brother so that his name will not be blotted out from Israel.(J)

However, if a man does not want to marry his brother’s wife,(K) she shall go to the elders at the town gate(L) and say, “My husband’s brother refuses to carry on his brother’s name in Israel. He will not fulfill the duty of a brother-in-law to me.”(M) Then the elders of his town shall summon him and talk to him. If he persists in saying, “I do not want to marry her,” his brother’s widow shall go up to him in the presence of the elders, take off one of his sandals,(N) spit in his face(O) and say, “This is what is done to the man who will not build up his brother’s family line.” 10 That man’s line shall be known in Israel as The Family of the Unsandaled.

11 If two men are fighting and the wife of one of them comes to rescue her husband from his assailant, and she reaches out and seizes him by his private parts, 12 you shall cut off her hand. Show her no pity.(P)

13 Do not have two differing weights in your bag—one heavy, one light.(Q) 14 Do not have two differing measures in your house—one large, one small. 15 You must have accurate and honest weights and measures, so that you may live long(R) in the land the Lord your God is giving you. 16 For the Lord your God detests anyone who does these things, anyone who deals dishonestly.(S)

17 Remember what the Amalekites(T) did to you along the way when you came out of Egypt. 18 When you were weary and worn out, they met you on your journey and attacked all who were lagging behind; they had no fear of God.(U) 19 When the Lord your God gives you rest(V) from all the enemies(W) around you in the land he is giving you to possess as an inheritance, you shall blot out the name of Amalek(X) from under heaven. Do not forget!