Deuteronomio 19:17
Ang Biblia (1978)
17 Ang dalawang taong naguusapin ay tatayo sa harap ng Panginoon, (A)sa harap ng mga saserdote at ng mga magiging hukom sa mga araw na yaon;
Read full chapter
Deuteronomio 21:5
Ang Biblia (1978)
5 At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit, (A)sapagka't sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya, at bumasbas sa pangalan ng Panginoon; at (B)ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa't pagkakaalit at bawa't awayan:
Read full chapter
2 Cronica 19:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin.
Read full chapter
Malakias 2:7
Ang Biblia (1978)
7 Sapagka't (A)ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; (B)sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978