Add parallel Print Page Options

Ang mga Sumpa ng Hindi Pagsunod kay Yahweh

11 Nang araw ring iyon, ganito ang itinagubilin ni Moises sa buong Israel, 12 “Pagkatawid(A) ninyo ng Jordan, ang mga lipi nina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin ay tatayo sa tapat ng Bundok ng Gerizim upang bigkasin ang pagpapala. 13 Ang mga lipi naman nina Ruben, Gad, Asher, Zebulun, Dan, at Neftali ay tatayo sa tapat ng Bundok ng Ebal upang bigkasin ang mga sumpa. 14 Ganito naman ang isisigaw ng mga pari:

15 “‘Sumpain(B) ang sinumang gumawa ng anumang imahen upang sambahin kahit palihim, ito ay kasuklam-suklam kay Yahweh.’

“Ang buong bayan ay sasagot ng: ‘Amen.’

16 “‘Sumpain(C) ang sinumang hindi gumagalang sa kanyang ama at ina.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

17 “‘Sumpain(D) ang sinumang gumalaw sa palatandaan ng hangganan ng lupang pag-aari ng kanyang kapwa.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

18 “‘Sumpain(E) ang sinumang magligaw sa bulag.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

19 “‘Sumpain(F) ang sinumang magkait ng katarungan sa mga dayuhan, ulila at biyuda.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

20 “‘Sumpain(G) ang sinumang nakikipagtalik sa ibang asawa ng kanyang ama, sapagkat inilalagay niya sa kahihiyan ang kanyang sariling ama.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

21 “‘Sumpain(H) ang sinumang makipagtalik sa anumang uri ng hayop.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

22 “‘Sumpain(I) ang sinumang sumiping sa kanyang kapatid na babae, kahit pa ito'y kapatid sa ama o sa ina.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

23 “‘Sumpain(J) ang sinumang sumiping sa kanyang biyenang babae.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

24 “‘Sumpain ang sinumang lihim na pumatay sa kanyang kapwa.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

25 “‘Sumpain ang sinumang nagpapabayad upang pumatay ng taong walang kasalanan.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

26 “‘Sumpain(K) ang sinumang hindi susunod sa mga utos na ito.’

“Sasagot ang sambayanan: ‘Amen.’

Read full chapter