Add parallel Print Page Options

“Pakinggan(A) mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh.[a] Ibigin(B) mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. Ang(C) mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Deuteronomio 6:4 Si Yahweh…tanging Yahweh: o kaya'y Si Yahweh ang ating Diyos, si Yahweh ay iisa, o Si Yahweh na ating Diyos, si Yahweh ay iisa lang .