Awit ni Solomon 2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Isa lamang akong rosas na sa Saron ay naligaw
    sa libis nitong bundok, isang ligaw na halaman.
Mangingibig:
2 Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan,
    namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang.
Babae:
3 Sa gitna ng kagubatan katulad niya ay mansanas,
    sa lahat ng mga tao, siya'y walang makatulad;
ako'y laging nananabik sa lilim niya'y manatili,
    ang tamis ng bunga niya kung kanin ko'y anong sarap.
4 Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag,
    sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat.
5 Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas,
    at magiliw na binusog ng matamis na mansanas;
    dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas.
6 Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan,
    habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
7 Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,
    sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin,
    ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
Ang Ikalawang Awit
Babae:
8 Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,
    mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig.
9 Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa,
    mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.
Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,
    sumisilip sa bintana upang ako ay makita.
10 Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi:
Mangingibig:
Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
11 Lumipas na ang taglamig sa buong lupain
    at ang tag-ulan ay natapos na rin.
12 Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad,
    ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,
    sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit.
13 Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga,
    at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na.
Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
14 Ika'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan,
halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan,
    at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.
15 Asong-gubat ay hulihin, maninira ng ubasan,
    baka pumasok sa ating namumulaklak na ubasan.
Babae:
16 Mangingibig ko ay akin at ako nama'y kanya,
    sa gitna ng mga liryo, kumakain ang kawan niya.
17 Hanggang dilim ay maparam, ganito ang ginagawa,
    sa pag-ihip ng amihang umaga ang siyang badya.
Magbalik ka, aking sinta magmadali ka, aking mahal
    tulad ng pagtakbo ng usa sa kaburulan.[a]
Footnotes
- 17 kaburulan: o kaya'y Bundok ng Bether .
Awit ng mga Awit 2
Ang Biblia (1978)
Pangungusap ng magkasuyong babae at lalake.
2 Ako'y (A)rosa ng Saron, Lila ng mga libis.
2 Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik,
Gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3 Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat,
Gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake.
Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran.
(B)At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan,
At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5 Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas:
Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
6 Ang kaniyang kaliwang kamay (C)ay nasa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7 Pinagbibilinan ko kayo, (D)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta,
Hanggang sa ibigin niya.
8 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating,
Na lumulukso sa mga bundok,
Lumulundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta (E)ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod,
Siya'y sumusungaw sa mga dungawan,
Siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
(F)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan;
Ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating,
At ang tinig ng (G)batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas (H)ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
(I)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato,
Sa puwang ng matarik na dako,
Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
(J)Iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15 Hulihin ninyo para sa atin (K)ang mga sora, ang mga munting sora
Na naninira ng mga ubasan;
Sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16 Ang sinta ko ay akin, (L)at ako ay kaniya:
(M)Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17 Hanggang sa ang araw ay lumamig, (N)at ang mga lilim ay mawala,
Pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay (O)maging gaya ng usa o ng batang usa
Sa mga bundok ng Bether.
Song of Solomon 2
New King James Version
A Country Girl in a Palace
2 I am the rose of Sharon,
And the lily of the valleys.
The Beloved
2 Like a lily among thorns,
So is my love among the daughters.
The Shulamite
3 Like an apple tree among the trees of the woods,
So is my beloved among the sons.
I sat down in his shade with great delight,
And (A)his fruit was sweet to my taste.
The Shulamite to the Daughters of Jerusalem
4 He brought me to the [a]banqueting house,
And his banner over me was love.
5 Sustain me with cakes of raisins,
Refresh me with apples,
For I am lovesick.
6 (B)His left hand is under my head,
And his right hand embraces me.
7 (C)I [b]charge you, O daughters of Jerusalem,
By the gazelles or by the does of the field,
Do not stir up nor awaken love
Until it pleases.
The Beloved’s Request
The Shulamite
8 The voice of my beloved!
Behold, he comes
Leaping upon the mountains,
Skipping upon the hills.
9 (D)My beloved is like a gazelle or a young stag.
Behold, he stands behind our wall;
He is looking through the windows,
Gazing through the lattice.
10 My beloved spoke, and said to me:
“Rise up, my love, my fair one,
And come away.
11 For lo, the winter is past,
The rain is over and gone.
12 The flowers appear on the earth;
The time of singing has come,
And the voice of the turtledove
Is heard in our land.
13 The fig tree puts forth her green figs,
And the vines with the tender grapes
Give a good smell.
Rise up, my love, my fair one,
And come away!
14 “O my (E)dove, in the clefts of the rock,
In the secret places of the cliff,
Let me see your [c]face,
(F)Let me hear your voice;
For your voice is sweet,
And your face is lovely.”
Her Brothers
15 Catch us (G)the foxes,
The little foxes that spoil the vines,
For our vines have tender grapes.
The Shulamite
16 (H)My beloved is mine, and I am his.
He feeds his flock among the lilies.
(To Her Beloved)
17 (I)Until the day breaks
And the shadows flee away,
Turn, my beloved,
And be (J)like a gazelle
Or a young stag
Upon the mountains of [d]Bether.
Footnotes
- Song of Solomon 2:4 Lit. house of wine
- Song of Solomon 2:7 adjure
- Song of Solomon 2:14 Lit. appearance
- Song of Solomon 2:17 Lit. Separation
Song of Solomon 2
King James Version
2 I am the rose of Sharon, and the lily of the valleys.
2 As the lily among thorns, so is my love among the daughters.
3 As the apple tree among the trees of the wood, so is my beloved among the sons. I sat down under his shadow with great delight, and his fruit was sweet to my taste.
4 He brought me to the banqueting house, and his banner over me was love.
5 Stay me with flagons, comfort me with apples: for I am sick of love.
6 His left hand is under my head, and his right hand doth embrace me.
7 I charge you, O ye daughters of Jerusalem, by the roes, and by the hinds of the field, that ye stir not up, nor awake my love, till he please.
8 The voice of my beloved! behold, he cometh leaping upon the mountains, skipping upon the hills.
9 My beloved is like a roe or a young hart: behold, he standeth behind our wall, he looketh forth at the windows, shewing himself through the lattice.
10 My beloved spake, and said unto me, Rise up, my love, my fair one, and come away.
11 For, lo, the winter is past, the rain is over and gone;
12 The flowers appear on the earth; the time of the singing of birds is come, and the voice of the turtle is heard in our land;
13 The fig tree putteth forth her green figs, and the vines with the tender grape give a good smell. Arise, my love, my fair one, and come away.
14 O my dove, that art in the clefts of the rock, in the secret places of the stairs, let me see thy countenance, let me hear thy voice; for sweet is thy voice, and thy countenance is comely.
15 Take us the foxes, the little foxes, that spoil the vines: for our vines have tender grapes.
16 My beloved is mine, and I am his: he feedeth among the lilies.
17 Until the day break, and the shadows flee away, turn, my beloved, and be thou like a roe or a young hart upon the mountains of Bether.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

