Add parallel Print Page Options

Mga Babae ng Jerusalem

O babaeng pinakamaganda, nasaan na ang iyong mahal? Saan siya nagpunta upang matulungan ka naming hanapin siya?

Babae

Ang aking mahal ay nagpunta sa hardin niyang puno ng halamang ginagawang pabango, upang magpastol doon at kumuha ng mga liryo. Akoʼy sa aking mahal, at ang mahal ko naman ay sa akin lang. Nagpapastol siya sa gitna ng mga liryo.

Lalaki

O napakaganda mo, irog ko. Kasingganda ka ng lungsod ng Tirza at kabigha-bighani gaya ng Jerusalem. Kamangha-mangha ka gaya ng mga kawal na may dalang mga bandila. Huwag mo akong titigan dahil hindi ko ito matagalan. Ang buhok moʼy parang kawan ng kambing na pababa sa Bundok ng Gilead. Ang mga ngipin moʼy kasimputi ng tupang bagong paligo. Buong-buo at maganda ang pagkakahanay nito. Mamula-mula ang noo mong natatakpan ng belo, tulad ng bunga ng pomegranata.

Kahit na akoʼy may 60 asawang reyna, 80 asawang alipin, at hindi mabilang na mga dalaga, nag-iisa lang ang aking sinisinta. Tunay na maganda at walang kapintasan. Ang tanging anak na babae ng kanyang ina at pinakapaborito pa. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang purihin siya. Kahit na ang mga asawang reyna at asawang alipin ay humahanga sa kanya. 10 Ang sabi nila, “Sino ba ito na kapag tiningnan ay parang bukang-liwayway ang kagandahan? Kasingganda siya ng buwan, nakakasilaw na parang araw at nakakamangha tulad ng mga bituin.”[a]

11 Pumunta ako sa taniman ng almendro para tingnan ang mga bagong tanim na sumibol sa may lambak, at para tingnan na rin kung umuusbong na ang mga ubas at kung ang mga pomegranata ay namumulaklak na. 12 Hindi ko namalayan, ako palaʼy nandoon na sa maharlikang higaan kasama ang aking mahal.

Mga Babae ng Jerusalem

13 Bumalik ka, dalagang taga-Shulam, bumalik ka para makita ka namin.[b]

Lalaki

Bakit gusto ninyong makita ang dalaga ng Shulam na sumasayaw sa gitna ng mga manonood?

Footnotes

  1. 6:10 mga bituin: o, mga kawal na may dalang mga bandila.
  2. 6:13 o, Umikot ka, dalaga ng Shulam, umikot ka. Ipakita mo sa amin ang iyong pagsayaw.

Where has your beloved gone, O you fairest among women? [Again the ladies showed their interest in the remarkable person whom the Shulammite had championed with such unstinted praise; they too wanted to know him, they insisted.] Where is your beloved hiding himself? For we would seek him with you.

[She replied] My beloved has gone down to his garden, to the beds of spices, to feed in the gardens and to gather lilies.

I am my beloved’s [garden] and my beloved is mine! He feeds among the lilies [which grow there].

[He said] You are as beautiful as Tirzah [capital of the northern kingdom’s first king], my love, and as comely as Jerusalem, [but you are] as terrible as a bannered host!

Turn away your [flashing] eyes from me, for they have overcome me! Your hair is like a flock of goats trailing down from Mount Gilead.

Your teeth are like a flock of ewes coming from their washing, of which all are in pairs, and not one of them is missing.

Your cheeks are like halves of a pomegranate behind your veil.

There are sixty queens and eighty concubines, and virgins without number;

But my dove, my undefiled and perfect one, stands alone [above them all]; she is the only one of her mother, she is the choice one of her who bore her. The daughters saw her and called her blessed and happy, yes, the queens and the concubines, and they praised her.(A)

10 [The ladies asked] Who is this that looks forth like the dawn, fair as the moon, clear and pure as the sun, and terrible as a bannered host?

11 [The Shulammite replied] I went down into the nut orchard [one day] to look at the green plants of the valley, to see whether the grapevine had budded and the pomegranates were in flower.

12 Before I was aware [of what was happening], my desire [to roam about] had brought me into the area of the princes of my people [the king’s retinue].

13 [I began to flee, but they called to me] Return, return, O Shulammite; return, return, that we may look upon you! [I replied] What is there for you to see in the [poor little] Shulammite? [And they answered] As upon a dance before two armies or a dance of Mahanaim.