Add parallel Print Page Options

IKAAPAT NA AKLAT

Panalangin ni Moises, ang tao ng Diyos.

90 Panginoon, ikaw ay naging aming tahanang dako
    sa lahat ng salinlahi.
Bago nilikha ang mga bundok,
    o bago mo nilikha ang lupa at ang sanlibutan,
    ikaw ay Diyos, mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan.

Iyong ibinabalik ang tao sa alabok,
    at iyong sinasabi, “Bumalik kayo, kayong mga anak ng mga tao!”
Sapagkat(A) ang isang libong taon sa iyong paningin,
    ay parang kahapon lamang kapag ito'y nakalipas,
    o gaya ng isang gabing pagbabantay.

Iyong dinadala sila na parang baha, sila'y nakatulog,
    kinaumagahan ay parang damo na tumutubo;
sa umaga ito'y nananariwa at lumalago,
    sa hapon ito'y nalalanta at natutuyo.

Sapagkat ang iyong galit ang sa amin ay tumupok,
    at sa pamamagitan ng iyong galit kami ay nabagabag.
Inilagay mo ang aming kasamaan sa iyong harapan,
    sa liwanag ng iyong mukha ang lihim naming kasalanan.

Sapagkat sa ilalim ng iyong poot, lahat ng aming araw ay lumilipas,
    na gaya ng buntong-hininga, ang aming mga taon ay nagwawakas.
10 Ang mga taon ng aming buhay ay pitumpung taon,
    o kung malakas kami ay walumpung taon,
ngunit ang mga ito ay hirap at kaguluhan lamang,
    ang mga ito'y madaling lumipas, at kami ay nawawala.

11 Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng galit mo,
    at ng iyong galit ayon sa pagkatakot na marapat sa iyo?
12 Kaya't turuan mo kami na bilangin ang aming mga araw,
    upang kami ay magkaroon ng pusong may karunungan.

13 Manumbalik ka, O Panginoon! Hanggang kailan pa?
    Sa iyong mga lingkod ay mahabag ka!
14 Busugin mo kami sa umaga ng iyong tapat na pagmamahal,
    upang kami ay magalak at matuwa sa lahat ng aming mga araw.
15 Kami ay iyong pasayahin ayon sa dami ng mga araw ng iyong pagpapahirap sa amin,
    at kasindami ng mga taon na ang kasamaan nakita namin.
16 Mahayag nawa ang gawa mo sa iyong mga lingkod,
    at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
17 Sumaamin nawa ang biyaya ng Panginoon naming Diyos,
    at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay;
    oo, itatag mo ang gawa ng aming mga kamay.

LIBRO IV

La eternidad de Dios y la transitoriedad del hombre

Oración de Moisés, varón de Dios.

90 Señor, tú nos has sido refugio

De generación en generación.

Antes que naciesen los montes

Y formases la tierra y el mundo,

Desde el siglo y hasta el siglo, tú eres Dios.

Vuelves al hombre hasta ser quebrantado,

Y dices: Convertíos, hijos de los hombres.

Porque mil años delante de tus ojos

Son como el día de ayer, que pasó,(A)

Y como una de las vigilias de la noche.

Los arrebatas como con torrente de aguas; son como sueño,

Como la hierba que crece en la mañana.

En la mañana florece y crece;

A la tarde es cortada, y se seca.

Porque con tu furor somos consumidos,

Y con tu ira somos turbados.

Pusiste nuestras maldades delante de ti,

Nuestros yerros a la luz de tu rostro.

Porque todos nuestros días declinan a causa de tu ira;

Acabamos nuestros años como un pensamiento.

10 Los días de nuestra edad son setenta años;

Y si en los más robustos son ochenta años,

Con todo, su fortaleza es molestia y trabajo,

Porque pronto pasan, y volamos.

11 ¿Quién conoce el poder de tu ira,

Y tu indignación según que debes ser temido?

12 Enséñanos de tal modo a contar nuestros días,

Que traigamos al corazón sabiduría.

13 Vuélvete, oh Jehová; ¿hasta cuándo?

Y aplácate para con tus siervos.

14 De mañana sácianos de tu misericordia,

Y cantaremos y nos alegraremos todos nuestros días.

15 Alégranos conforme a los días que nos afligiste,

Y los años en que vimos el mal.

16 Aparezca en tus siervos tu obra,

Y tu gloria sobre sus hijos.

17 Sea la luz de Jehová nuestro Dios sobre nosotros,

Y la obra de nuestras manos confirma sobre nosotros;

Sí, la obra de nuestras manos confirma.