Apocalipsis 13
Ang Biblia (1978)
13 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat.
At nakita ko ang (A)isang hayop na umaahon sa dagat, (B)na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
2 At ang hayop na aking nakita (C)ay katulad ng isang leopardo, (D)at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at (E)ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya (F)ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.
3 At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong (G)lupa'y nanggilalas sa hayop;
4 At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?
5 At binigyan siya ng isang (H)bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na (I)apat na pu't dalawang buwan.
6 At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.
7 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.
8 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa (J)aklat ng buhay (K)ng Cordero na pinatay (L)buhat nang itatag ang sanglibutan.
9 Kung ang sinoman ay may pakinig, (M)ay makinig.
10 (N)Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: (O)kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. (P)Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.
11 At nakita ko ang (Q)ibang hayop (R)na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad (S)ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.
12 At kaniyang isinasagawa (T)ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, (U)na gumaling ang sugat na ikamamatay.
13 At (V)siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, (W)na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao.
14 At (X)nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa (Y)dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.
15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi (Z)sumasamba sa larawan ng hayop.
16 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin (AA)ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;
17 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop (AB)o bilang ng kaniyang pangalan.
18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't (AC)siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.
Pahayag 13
Ang Dating Biblia (1905)
13 At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.
2 At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.
3 At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa'y nanggilalas sa hayop;
4 At sila'y nangagsisamba sa dragon, sapagka't ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?
5 At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu't dalawang buwan.
6 At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit.
7 At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa't angkan at bayan at wika at bansa.
8 At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan.
9 Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig.
10 Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.
11 At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.
12 At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat na ikamamatay.
13 At siya'y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa't nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao.
14 At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.
15 At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop.
16 At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;
17 At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.
18 Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.
Pahayag 13
Ang Salita ng Diyos
Ang Mabangis na Hayop Mula sa Dagat
13 At ako ay tumayo sa buhanginan sa tabing dagat. Nakita kong umaahon ang isang mabangis na hayop mula sa dagat. Ito ay may pitong ulo at sampung sungay at sa bawat sungay ay may sampung pangharing korona at sa kaniyang korona ay may mapamusong na pangalan.
2 Ang mabangis na hayop na aking nakita ay katulad sa isang leopardo. Ang mga paa nito ay katulad ng mga paa ng oso. Ang bibig nito ay katulad ng mga bibig ng leon. Ibinigay ng dragon ang kaniyang kapangyarihan at isang luklukan at dakilang kapamahalaan sa mabangis na hayop. 3 At nakita ko na ang isa sa mga ulo ay nasugatan na maaring ikamatay. Ang sugat na ikamamatay ay gumaling. At ang lahat ng mga tao ay nanggilalas sa mabangis na hayop at sumunod dito. 4 Sinamba nila ang dragon na nagbigay ng kapamahalaan sa mabangis na hayop. Sinamba nila ang mabangis na hayop. Sinabi nila: Sino ang katulad ng mabangis na hayop? Sino ang maaaring makipaglaban dito?
5 Binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng dakilang salita at mga pamumusong. Binigyan siya ng kapamahalaan upang magpatuloy sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan. 6 At binuksan niya ang kaniyang bibig na namumusong laban sa Diyos at laban sa kaniyang pangalan at sa tabernakulo at sa mga nananahan sa langit. 7 Binigyan ito ng kapamahalaan upang makipagdigma laban sa mga banal at upang lupigin sila. Binigyan niya ito ng kapamahalaan sa bawat lipi at wika at bansa. 8 Ang lahat ng mga nakatira sa lupa ay sasamba sa kaniya, sila na ang kanilang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Ito ang Korderong pinatay mula ng itatag ang sanlibutan.
9 Ang may pandinig ay makinig: 10 Ang sinumang magpapabihag ay dadalhin siya sa pagkabihag. Ang sinumang pumatay sa tabak ay sa tabak din sila papatayin. Ito ay nangangahulugan na ang mga banal ay dapat magkaroon ng pagtitiis at pananampalataya.
Ang Mabangis na Hayop Mula sa Lupa
11 At nakita ko ang isa pang mabangis na hayop na umahon mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay katulad ng isang kordero at kung magsalita ay katulad ng isang dragon.
12 Ginagamit nito ang lahat ng kapamahalaan ng mabangis na hayop na naunang lumabas sa kaniya. Pinasasamba nito ang lupa at ang mga tao na nananahan rito sa unang mabangis na hayop na ang nakakamatay na sugat ay gumaling. 13 Ang ikalawang mabangis na hayop ay gumawa nga ng mga dakilang tanda. Pinababa nito ang apoy na mula sa langit sa lupa at sa harapan ng mga tao. 14 Inililigaw nito ang mga nananahan sa lupa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng unang mabangis na hayop. Sinabi nito sa mga tao na nakatira sa lupa, na gumawa sila ng isang larawan ng unang mabangis na hayop na nasugatan ng tabak at nabuhay ito. 15 Binigyan ito ng kapangyarihan ang ikalawang mabangis na hayop upang bigyan niya ng hininga ang larawan ng mabangis na hayop. Ang larawan ng mabangis na hayop ay magsasalita at ipapapatay niya sa mga tao ang mga hindi sumasamba sa larawan ng mabangis na hayop. 16 Ang mga dakila at mga hindi dakilang tao, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at ang mga alipin ay ipapatatakan niya sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo. 17 Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop.
18 Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu’t anim.
启示录 13
Chinese New Version (Simplified)
海中的兽和地上的兽
13 我又看见一只兽从海里上来,有十角七头,十角上戴着十个皇冠,七头上有亵渎的名号。 2 我所看见的兽,样子好象豹,脚像熊的脚,口像狮子的口。龙把自己的能力、王位和大权柄,都交给了牠。 3 兽的七头中有一个似乎受了致命伤,但那致命伤却医好了。全地的人都很惊奇,跟从那兽。 4 因为龙把权柄交给了兽,大家就拜龙,也拜兽,说:“有谁可以跟这兽相比?有谁能与牠作战呢?”
5 龙又给了那兽一张说夸大和亵渎话的嘴巴,也给了牠权柄可以任意而行四十二个月。 6 兽就开口向 神说亵渎的话,亵渎他的名和他的帐幕,以及那些住在天上的。 7 牠得了允许能跟圣徒作战,并且能胜过他们;又有权柄给了牠,可以管辖各支派、各民族、各方言、各邦国。 8 所有住在地上的人,名字没有记在创世以来被杀的羊羔之生命册上的,都要拜牠。
9 凡有耳的,就应当听!
10 如果人应该被俘掳,
就必被俘掳;
如果人应该被刀杀,
就必被刀杀。
在这里圣徒要有忍耐和信心!
11 我又看见另一只兽从地里上来。牠有两个角,好象羊羔,说话好象龙。 12 牠在头一只兽面前,行使头一只兽的一切权柄。牠使全地和住在地上的人,都拜那受过致命伤而医好了的头一只兽。 13 牠又行大奇事,甚至在人面前叫火从天上降在地上。 14 牠得了能力,在头一只兽面前能行奇事,迷惑了住在地上的人,吩咐住在地上的人,要为那受过刀伤而还活着的兽做个像。 15 又有能力赐给牠,可以把气息给兽像,使兽像能够说话,并且能够杀害那些不拜兽像的人。 16 那从地里上来的兽,又要所有的人,无论大小贫富,自由的和作奴隶的,都在右手或额上,给自己作个记号。 17 这记号就是兽的名字或兽名的数字,除了那有记号的,谁也不能买,谁也不能卖。 18 在这里要有智慧。有悟性的人,就让他计算兽的数字,因为这是人的数字,它的数字是六百六十六。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
