Add parallel Print Page Options

Ang Pagkawasak ng Israel

Kahabag-habag kayong namumuhay na maginhawa sa Zion,

    at kayong naninirahang matiwasay sa Bundok ng Samaria,
kayo na kinikilala sa Israel,
    ang bansang pinili at nilalapitan ng mga nangangailangan!
Tingnan ninyo ang lunsod ng Calne;
    puntahan ninyo ang tanyag na lunsod ng Hamat,
    at ang Gat, na lunsod ng mga Filisteo.
Nakakahigit ba sila kaysa Juda at Israel?
    Mas malaki ba ang lupaing sakop nila kaysa inyo?
Gusto ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong kapahamakan,
    ngunit sa ginagawa ninyo'y lalong nalalapit ang araw ng karahasan.

Kahabag-habag kayo na nahihiga sa magagarang kama na yari sa garing,
    at nagpapahinga sa malalapad na himlayan,
habang nagpapakabusog sa mga piling tupa at pinatabang guya.
Lumilikha pa kayo ng mga walang kabuluhang awitin sa saliw ng alpa;
    tulad ni David, gumagawa kayo ng mga instrumento para sa inyong musika.
Sa malalaking mangkok na kayo umiinom ng alak,
    at mamahaling pabango ang ipinapahid sa katawan,
    ngunit hindi kayo nagdadalamhati sa pagkawasak ng Israel!
Kaya nga't kayo ang unang magiging bihag;
    matitigil na ang inyong mga handaan at pagdiriwang.

Mariing ipinahayag ng Panginoong Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
“Namumuhi ako sa labis na kapalaluan ng Israel!
    Hindi ako nalulugod sa kanilang mga tanggulan.
    Ibibigay ko sa kaaway ang buong lunsod at ang lahat ng bagay na naroon.”

Kung sasampung lalaki ang natira sa isang pamilya, silang lahat ay mamamatay. 10 Kapag dumating ang kamag-anak ng mga namatay upang ilabas at sunugin ang mga bangkay, magtatanong siya sa sinumang nagtatago sa bahay kung mayroon pa siyang ibang kasama. Kung ang sagot ay, “Wala!” sasabihin nito, “Tumahimik ka!” Ingatan nating huwag mabanggit man lang ang pangalan ni Yahweh.

11 Kapag siya ang nag-utos,
    magkakadurug-durog ang mga bahay,
    malaki man o maliit.
12 Tumatakbo ba sa batuhan ang mga kabayo?
    Naipang-aararo ba sa dagat ang mga baka?
Hindi nga, ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan
    at pinalitaw na mali ang tama.
13 Tuwang-tuwa kayo nang masakop ninyo ang bayan ng Lo-debar.[a]
    Sabi ninyo, “Tayo'y malakas at nakaya nating sakupin ang Karnaim.”[b]
14 Ngunit ito ang sagot ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat:
    “Susuguin ko ang isang bansa laban sa inyo, mga taga-Israel.
Kayo'y pahihirapan buhat sa Pasong Hamat sa hilaga
    hanggang sa Batis ng Araba sa timog.”

Footnotes

  1. 13 LO-DEBAR: Sa wikang Hebreo, ang pangalang ito ay kasintunog ng salitang “wala”.
  2. 13 KARNAIM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “mga sungay”.

Woe to the Complacent

Woe to you(A) who are complacent(B) in Zion,
    and to you who feel secure(C) on Mount Samaria,(D)
you notable men of the foremost nation,
    to whom the people of Israel come!(E)
Go to Kalneh(F) and look at it;
    go from there to great Hamath,(G)
    and then go down to Gath(H) in Philistia.
Are they better off than(I) your two kingdoms?
    Is their land larger than yours?
You put off the day of disaster
    and bring near a reign of terror.(J)
You lie on beds adorned with ivory
    and lounge on your couches.(K)
You dine on choice lambs
    and fattened calves.(L)
You strum away on your harps(M) like David
    and improvise on musical instruments.(N)
You drink wine(O) by the bowlful
    and use the finest lotions,
    but you do not grieve(P) over the ruin of Joseph.(Q)
Therefore you will be among the first to go into exile;(R)
    your feasting and lounging will end.(S)

The Lord Abhors the Pride of Israel

The Sovereign Lord has sworn by himself(T)—the Lord God Almighty declares:

“I abhor(U) the pride of Jacob(V)
    and detest his fortresses;(W)
I will deliver up(X) the city
    and everything in it.(Y)

If ten(Z) people are left in one house, they too will die. 10 And if the relative who comes to carry the bodies out of the house to burn them[a](AA) asks anyone who might be hiding there, “Is anyone else with you?” and he says, “No,” then he will go on to say, “Hush!(AB) We must not mention the name of the Lord.”

11 For the Lord has given the command,
    and he will smash(AC) the great house(AD) into pieces
    and the small house into bits.(AE)

12 Do horses run on the rocky crags?
    Does one plow the sea[b] with oxen?
But you have turned justice into poison(AF)
    and the fruit of righteousness(AG) into bitterness(AH)
13 you who rejoice in the conquest of Lo Debar[c]
    and say, “Did we not take Karnaim[d] by our own strength?(AI)

14 For the Lord God Almighty declares,
    “I will stir up a nation(AJ) against you, Israel,
that will oppress you all the way
    from Lebo Hamath(AK) to the valley of the Arabah.(AL)

Footnotes

  1. Amos 6:10 Or to make a funeral fire in honor of the dead
  2. Amos 6:12 With a different word division of the Hebrew; Masoretic Text plow there
  3. Amos 6:13 Lo Debar means nothing.
  4. Amos 6:13 Karnaim means horns; horn here symbolizes strength.