Amos 1-3
Ang Biblia (1978)
Ang hatol ng Panginoon sa mga kalapit bansa.
1 Ang mga salita ni Amos, (A)na nasa gitna ng mga pastor sa (B)Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni (C)Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni (D)Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago (E)lumindol.
2 At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon: (F)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (G)Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (H)sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal.
4 Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni (I)Ben-hadad.
5 At aking iwawasak ang (J)halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang (K)ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (L)sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, (M)upang ibigay sa Edom.
7 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:
8 At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at (N)ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (O)Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (P)sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang (Q)tipan ng pagkakapatiran.
10 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon.
11 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (R)Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng (S)tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.
12 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra.
13 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (T)mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't (U)kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan.
14 Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng (V)Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo;
15 At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama, sabi ng Panginoon.
Hatol sa Moab.
2 Ganito ang sabi ng Panginoon: (W)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (X)kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog.
2 Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak.
3 At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon, at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya, sabi ng Panginoon.
Ang hatol sa Juda at sa Israel.
4 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (Y)sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, (Z)ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang.
5 Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem.
6 Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (AA)kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at (AB)ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak—
7 Na iniimbot ang (AC)alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan:
8 At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw (AD)ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa.
9 Gayon ma'y nililipol ko (AE)ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim.
10 Iniahon (AF)ko rin kayo sa lupain ng Egipto, at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang, upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo.
11 At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta, at sa inyong mga binata ng mga (AG)Nazareo. Di baga gayon, Oh kayong mga anak ng Israel? sabi ng Panginoon.
12 (AH)Nguni't binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom, at inutusan ninyo ang mga propeta, na sinasabi, Huwag kayong manganghuhula.
13 Narito, aking huhutukin kayo sa inyong dako, na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis.
14 At (AI)ang pagtakas ay mapapawi sa (AJ)matulin; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili;
15 Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas; (AK)ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas:
16 At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.
Ang pangangailangan ng paghula ng masama laban sa Israel.
3 Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ng Panginoon laban sa inyo, Oh (AL)mga anak ni Israel, laban sa buong angkan (AM)na aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, na sinasabi,
2 Kayo lamang ang aking (AN)nakilala sa lahat ng angkan sa lupa: (AO)kaya't aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan.
3 Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo?
4 Uungal baga ang leon sa gubat, kung wala siyang huli? sisigaw baga ang batang leon sa kaniyang yungib, kung wala siyang huling anoman?
5 Malalaglag baga ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa, ng walang silo sa kaniya? lulukso baga ang panghuli mula sa lupa, at walang nahuling anoman?
6 Tutunog baga ang pakakak sa bayan, at ang bayan ay hindi manginginig? (AP)sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon?
7 Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, (AQ)kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.
8 Ang leon ay umungal, sinong di matatakot? Ang Panginoong Dios ay nagsalita; (AR)sinong hindi manghuhula?
9 Ihayag ninyo sa mga palacio sa (AS)Asdod, at sa mga palacio sa lupain ng Egipto, at inyong sabihin, Magpipisan kayo sa mga bundok ng (AT)Samaria, at inyong masdan kung anong laking ingay ang nandoon, at kung anong pahirap ang nasa gitna niyaon.
10 Sapagka't hindi sila marunong magsigawa ng matuwid, sabi ng Panginoon, na nagiimbak ng pangdadahas at pagnanakaw sa kanilang mga palacio.
11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kaaway ay paririto sa palibot ng lupain; at kaniyang ibabagsak ang lakas mo sa iyo, at ang iyong mga palacio ay sasamsaman.
12 Ganito ang sabi ng Panginoon: Kung paanong inaagaw ng pastor sa bibig ng leon ang dalawang hita, o ang isang putol ng tainga; gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na nangauupo sa Samaria sa sulok ng hiligan, at sa mga sedang colchon ng higaang malaki.
13 Dinggin ninyo, at patotohanan ninyo laban sa sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoong Dios, ng Dios ng mga hukbo.
14 Sapagka't sa araw na aking dadalawin ang mga pagsalangsang ng Israel sa kaniya, aking dadalawin din ang mga (AU)dambana ng (AV)Beth-el, at ang mga (AW)sungay ng dambana ay mahihiwalay, at malalaglag sa lupa.
15 At aking sisirain (AX)ang bahay na pangtagginaw na kasabay ng bahay na pangtaginit; at (AY)ang mga bahay na garing ay mangawawala, at ang mga malaking bahay ay magkakawakas, sabi ng Panginoon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978